Agatha Beatrix's POV Bawat paghakbang na aking ginagawa ay ang pag-agaw ko sa pansin ng mga magulang at karamihin ay mga yaya este paghakbang pala ng katabi ko ngayon. Kanina pa ko na iinis sa mga tingin nila sa asawa ko dahil parang hinuhubaran nila 'to. "Dito mo ba ipapasok si Jaxiel?" tanong ko kay Nicolas na nakahawak sa kamay ko habang buhat niya gamit ang isang braso niya si Jaxiel. Masyadong malaki ang eskwelahan na 'to para sa day care pa lang na tulad ni Jaxiel. Ang laki pa ng palaruan dito at siguradong magugustuhan nga dito ni Jaxiel. Wala rin naman problema sa babayaran dahil sasagutin ni Nicolas pero ang problema ay ang mga babae dito. Baka kaibiganin nila si Jaxiel dahil lang sa gwapo ang kasama nito ngayon. "Yes, wife. Maayos ang pagtuturo rito," sagot niya habang naglal

