Agatha Beatrix's POV Simula nang guluhin ako ni Liam, mas lalo pang naging maingat si Nicolas. Hindi na niya ko hinahayaan basta-basta. Kahit saan kami magpunta, hindi na niya ko hinahayaan na mawala sa paningin niya at sobrang bilis ng panahon. Ayoko pang bumalik sa bahay pero kailangan. Hindi pwedeng palagi na lang kaming naroon. Para tuloy akong naninibago habang tinutulungan ko si Ayeza na maghain sa lamesa. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Ayeza. Tumango naman ako sa kanya at nilanghap ang mabangong ulam na siya mismo ang gumawa. Mabuti na lang talaga at malakas makapampalubog loob ang niluto ni Ayeza na ulam. Hindi lang 'yon dahil dito talaga kami kakain ngayong araw sa garden. Isang kahoy na lamesa ang gagamitin namin kaya para kaming nasa picnic kahit loob lang naman ng bahay

