Agatha Beatrix's POV "Did you enjoy our date?" Sunod-sunod akong napalunok dahil date pala ang tawag sa ginawa namin ngayong buong araw. Iba pa ba 'yon sa honeymoon namin? Dedma. Basta masaya ako ngayong araw. Buong araw akong masaya kasama siya. Parang hindi kami galing parehas sa madilin na pangyayari. Sobrang liwanag ng araw para sa aming dalawa. "Oo naman. Ang dami mo ngang binili para sa akin," sambit ko at tumingin sa likod ng kotse. Puno ang kotse niya ng mga gamit na pinamili niya para sa akin at pati na rin ang compartment ng kotse niya. Buong araw kaming nasa mall at paikot-ikot lang kami. Bawat makita pa niya ay binibili niya para sa akin basta maganda sa paningin niya. Ang presyo naman ay nakakabutas ng bulsa pero hindi ng taong tulad niya na maraming pera. Kahit nga ya

