Agatha Beatrix's POV "What do you want to eat?" tanong sa akin ni Nicolas habang hawak ang menu. Nasa loob kami ng isang western restaurant habang magkatabi ni Nicolas na nakaupo at spaghetti lang ang kilala kong pagkain na nakikita ko sa menu. Kung pwede lang na isama namin sa honeymoon si Ayeza baka isinama ko na para may taga luto kami. Wala kasi akong kahilig-hilig sa mga pagkain lalo na kung hindi naman 'to luto ni Ayeza. "Ikaw na ang bahala," sagot ko sa kanya. Dinukot ko na lang sa bulsa niya ang cellphone niya na palagi ko na rin ginagamit simula ng mawalan ako ng cellphone. Wala rin naman siyang pake dahil design lang sa katawan niya ang cellphone niya. Hindi naman niya 'to ginagamit maliban na lang kung may tatawagan siya. "Mamaya na nag cellphone," aniya ang mabilis na ki

