PROLOGUE
Sabi nila kapag nainlove ka daw
masaya daw...
Eh paano kung iniwan ka na masaya pa rin ba?
Hindi naman sa bitter pero...oo sabihin na natin na, oo masaya nga ang umibig pero dapat kung magmamahal tayo handa tayong masaktan dahil hindi lang dapat puro saya dapat may sakit, lungkot din para balance diba
kung ang ecosystem nga may balance...
siyempre dapat ang love meron din no...
diba nga sabi niya mas natuto tayo kapag nasasaktan tayo...pero hindi naman ibig sabihin palagi na lang
.
.
.
Pero paano kung kailan ka naman natutong magmahal saka naman bawal
Hindi pwede kasi maraming problema at higit lahat ayaw mong maramdaman ung sakit ng iwanan, ng hindi ka ipaglaban
Pero diba kasama yun kapag nagmahal ka
Minsan nga kahit crush palang wagas na magselos at nasasaktan ka na rin kapag nalaman mo na ung crush mo eh may girlfriend na o diba edi nasaktan ka na din...
Sobrang complicated talaga ng love saka dapat handa kang magrisk eh paano kung nahanap mo na pala si Mr. right eh kaso lang ayaw mo ng masaktan kaya ayon iniwasan mo...
******
Ako si Sade isa akong NBSB dahil ayokong masaktan katulad ng nangyari sa dad ko ilang years na ang nakakaraan ng mamatay ang mommy ko after nun...
Naging cold na ang daddy ko sa akin hindi ko alam kung bakit
Siguro dahil nakikita niya sa akin ang itsura ni mommy magkamukha kasi kami...
Hindi na nga kami halos nagkikita ni daddy dahil sa work niya dun na lang kasi niya tinutuon ang sarili nakakalimutan na niyang may anak siya kaya sabi ko sa sarili ko ng bata pa ako...
"kahit kailan hindi ako magmamahal..ayokong matulad sa daddy ko lagi na lang malungkot"
Simula ng araw na yun never pa akong nagkacrush kahit isa...