CHAPTER 2- HINDI KO SINASADYA

1722 Words
CHAPTER  2 – HINDI KO SINASADYA Pagkatapos kaming iwanan ng dalawa napagisip-isip ko na lang na pumunta ng grounds dahil naiinis ako. gusto ko magpalamig ng ulo. baka makakutos ako ng wala sa oras. “Macy tara sa may grounds gusto ko ng fresh air” Hindi talaga mawawala ung badtrip ko dun sa Kaelem na yon. KAELEM pala pangalan niya ang tino ng pangalan yung may-ari hindi. meron na naman mga tumitiling mga babae hindi ba sila naririnig ng mga teachers dito napakaingay nila sigaw ng sigaw hindi ba sumasakit mga lalamunan nila. “kyaaaaahhhhahahahahahahhhhh…nasa canteen daw si Kaelem” – girl 1 “talaga tara sugod na tayo” –girl 2 “naku mahawakan ko lang siya pwede na akong mamatay promise…ahhhhhhh” -girl 3 OA much patay kaaagad…masyado naman atang OA can't relate... Oo gwapo nga si Kaelem Matangkad… Cute ang smile… Beautiful eyes… Sexy lips …??? teka bakit may pagsexy lips? Pero ung ugali next question na lang... “Uy! Sade tulala ka ata. Bakit?” tanong ng chismosa kong bestfriend. “May iniisip lang ako” wala ko sa sariling sabi. “Wag mong sabihin ung first kiss mo naman” pangaasar niya. “Hindi no!…Asa! kinalimutan ko na nga yun eh” depensa ko. “Ah baka si tito na naman” sabi niya. kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko kung bakit bigla akong tatahimik. “hindi pero naisip ko tuloy…kailan kaya ako titingnan ulit ni daddy?” malungkot kong sabi. matagal na din hindi umuuwi ang daddy dahil sobrang busy niya sa mga ginagawa niya. “Naku Sade wag mo na lang isipin yan malulungkot ka lang…Halika na pasok na tayo” pag-aalo sakin ni Macy.  Hindi man ako nabiyayaan ng kapatid atleast nandito naman si Macy para maging kapatid ko. Hindi ko kasi talaga maiwasan na di isipin ung bagay na yun kasi matagal ko ng gustong yakapin si daddy pero hindi ko magawa kasi hindi naman nagpapakita si daddy sa akin. Hindi namalayan nandito na pala kami sa room…gusto ko na talagang umuwi “Good morning girls you may take your sit” mukhang late pa ata kami. “Ahm…excuse me ma’am bakit po ang konti lang namin?” magalang kong tanong. "Ms. Lim is because this is a special class” paliwanag ng teacher kung bakit konti lang kami. “Paano pong special class?” nalilitong tanong ko. “I will just explain that to you later okay…Just take your sit Ms. Lim and Ms. Cruz” sabi ng teacher namn. Hindi ko maintindihan kung bakit ang konti namin sa classroom pwede ba ito? meron ba talagang school na ganito? May nakaupo na sa gusto kong pwesto saan kaya kami uupo. “Dito na kayo sa unahan namin Sade” pagprisinta ni Ice. “Okay!” masayang sagot naman ni Macy. “Sade okay ka lang parang naiiyak ka na ah” nagaalalang tanong ni Ice. “Okay lang ako Ice…Salamat sa concern” mabait naman pala itong si Ice...kaso lang playboy. “Wala yun basta ikaw” masaya niyang sabi. Naglecture lang ung teacher namin pero wala pa din ako sa sarili ko iniisip ko pa din si daddy kung okay lang ba siya.. May sakit ba siya? Nakakakain ba siya? Bakit ba kasi ayaw magpakita sa akin ni daddy? “Sade lunch na tara na” aya ni Macy. hindi ko napansin tapos na pala yung klase lumilipad kasi yung utak ko. “Susunod na aayusin ko lang tong gamit ko…mauna na kayo” matamlay kong sabi kay Macy. “Okay sabay na kayo ni Kaelem” nakangising sabi ni Macy “Ha?!..” gulat kong tanong. “Sabi ko sabay na kayo ni Kaelem una na kami ni Ice ha…bye” sabi niya saka nagmamadaling umalis si Macy kasama si Ice. Hindi ko alam kung anong trip netong si Macy wala lang siyang mapapala sa ginagawa niya. “Matagal ka pa ba?” naiinip na tanong ni Kaelem. “Kung hindi ka makapaghintay mauna ka na! ” medyo inis kong sabi. “Sungit mo tinatanong lang naman kita ah!” depensa niya.  Tinaasan ko siya ng kilay. “Kaya nga edi sinagot naman kita diba!” “Bakit hindi ka na lang kasi sumagot ng maayos?” masungit niyang sabi.  “Sinagot ko naman yung tanong mo...” depensa ko. “Oo na sige na tapusin mo na yang ginagawa mo ng makasunod na tayo sa kanila kesa nagbabangayan tayo dito okay!” pagsuko niya bumalik na lang siya ulit sa upuan niya. “Fine...”  Hindi talaga kami makakapagusap ng  hindi nagaaway Siya naman kasi nagumpisa eh diba?? Fine… Hindi ko alam ung bakit ako nababadtrip sa kanya.  Nakakagigil siya parang kahit anong gawin niya naiirita ako sa kanya... “Okay na tapos na ako halika na” aya ko. Pero ang walang hiya hindi man lang ako sinagot basta basta na lang lumabas. Hindi kami naguusap habang papunta sa canteen. Kapag nakikita ko kasi siya naalala ko ung ginawa niya sa akin.. Alam kong hindi yun big deal pero ayoko kasi sa ginawa niya. “Girl, Sino kaya ung kasama niya mukhang new student eh..hindi naman siya nag-elem. Dito baka transferee”- girl1 “Siguro nga eh bat close sila ni Kaelem my loves”-girl2 “True…Hay naku ke bago bago ang landi na kaagad…”-girl3 Wow ah malandi kaagad porket kasama ko lang prince charming nila aba kapag hindi ako nakapagpigil sasakalin ko sila eh Nakakairita talaga… “Wag mo na lang silang pansinin” sabi ni Kaelem “Kasi naman ang lakas kaya nila magbulungan halatang pinaparinig na nila sa akin" reklamo ko “Kaya nga wag mong na lang pansinin…Hindi naman totoo diba?” pangungumbinsi niya sakin. “Oo nandun na tayo sa hindi totoo…alam mo  ikaw ang may kasalanan nito eh kung bakit kasi sinasamba ka ng mga babae na yan” sabay walk out ko. Badtrip na nga nabadtrip pa lalo.. Mas magaaway lang kami kung magsasama kami kaya ako na lang magisa pupunta sa canteen “Sade???” nagtatakang tanong ni Macy. “bakit ikaw lang asan si Kaelem?” hinahanap niya si Kaelem. “iniwan ko kasi pinagbubulungan kami ng mga tao” talagang tinanong mo pa!! “anong mga pinagsasabi?” nagaalalang tanong ni Macy. “malandi daw ako kasi kasama ko si Kaelem loves nila…ahhh nakakainis talaga ayoko ng kumain sa field na lang ako” naiinis kong sabi. Naiinis talaga ako bakit ba kasi dito ako pinagaral ni daddy ayoko na talaga dito. Buti na lang may lugar akong pwedeng puntahan kapag naiinis ako… “Sorry Sade hindi ko sinasadya” bakit siya nagsosorry? “ang alin ang hindi mo sinasadya?” tanong ko. “lahat wag ka ng magalit sa akin…” sabi niya “sorry din kasi naging mean ako sayo…pinapatawad na kita” pagsuko ko. alam kong naman na dapat hindi ako magalit sa kanya or mainis alam ko naman na hindi niya control yung mga babae. Regarding naman sa kiss ewan ko pa. “Halika na sa canteen nagaalala na sayo si Macy” sabi niya. “okay let’s go” tumayo na ako at sumunod sa kanya. Medyo nawala ung inis ko nung nagsorry si Kaelem sa akin Siguro nga masyado lang talaga akong naging OA sa mga bagay bagay. “Uy…Kaelem at napabalik mo ulit ung best friend ko dito thank you” masayang sabi ni Macy. “kasalanan ko rin naman kasi Macy kaya okay lang” umupo na siya sa tabi ni Ice. Saka ngumiti. Mas gwapo siya kapag ngumingiti “So? Sade  kakain ka na siguro dahil wala na ang badtrip mo” paniniguro ni Macy “oo  Macy kakain na ako” biglang nakaramdam ako ng gutom. “Yehey!!! Tara at umorder na tayo…Wait lang boys ah…” excited na sabi ni Macy Pumunta na kami ni Macy sa may counter para umorder “Good afternoon miss Lim ano po sa inyo?” masayang tanong ng babae. wait kilala niya ako?. “Ah…carbonara at pineapple juice po tapos isang slice ng black forest na cake..Ikaw Macy ano sayo?” “Ako po manang isang spag with chicken tapos sprite saka isang slice din ng black forest” sagot ni Macy. “Ah…Miss lim magkasama po ba yun?” tanong samin. “Ah oo magkasama... salamat po” sagot namin. Dumating na din ung order namin ni Macy… Ang nakakagulat hindi ako pinabayad ni ate bakit kaya?... Bumalik na lang kami ni Macy sa upuan namin “Nandito na kami” sabi ni Macy. “Anong inorder niyo?” tanong ni Macy. “May sariling chef itong si Kaelem kaya hindi na kami bumibili dito”  pagmamalaki ni Ice. Nice yayamanin. “Ah…Wow ang sosyal mo naman pala Kaelem” manghang sabi ni Macy. “Hindi naman. Yan kasi ang gusto ng parents ko" nahihiyang sabi ni Kaelem. “Ahh…Eh ikaw naman Ice” tanong ng chismosang best friend ko. “Share na kami ni Kaelem…Kasi masyadong madami ang niluluto ng chef nila tapos di niya naman nauubos sayang naman diba” pagexplain ni Ice. “oo nga naman” pangsang-ayon naman ng chismosang bestfriend ko. “Ah…Ice hindi ba talaga kayo pinapabayad dito kapag bumibili kayo dito?” hindi ko namatiis na hindi itanong “oo nga Ice kasi itong si Sade hindi pinabayad kanina eh?” pagsupport sakin ni Macy. “pinapabayad” maikling sagot ni Ice. “hmmm…okay salamat Ice” nagtatakang sabi ko. Bakit kaya kailangan kong malaman kung bakit? *** Tapos na ang lunch namin kaya bumalik na kami sa room “Class pwede na kayong umuwi may meeting kami ngayon” “Talaga ma’am yes tara girl shopping tayo” – classmate1 “Then nood tayo ng sine…ano game kayo” – classmate 2 “Sade uuwi na ba tayo?” tanong ni Macy. “Macy gusto ko na umuwi sorry ah…pero kung gusto mo magmall sige lang” nahihiyang sabi ko. “Ayoko wala akong kasama boring kaya…punta na lang ako sa inyo…okay lang?” tanong niya. “sige na nga…tara na” pumayag na ako sa gusto niya dahil wala rin naman akong gagawin. “Wait…Boys gusto niyo sumama kila Sade?” tanong ni Macy sa dalawa. kung makapag-aya akala mo siya yung may-ari ng bahay. “Macy baka may gagawin pa ung dalawa!?” pagpigil ko. “sakin okay lang I’m free wala akong date ngayon…ikaw Kaelem?” sagot ni Ice “wala din…” maikling sagot na naman ni Kaelem. “so sasama kayo?” pagsisigurado ni Macy. “oo naman go kami ni bestfriend” masayang sabi ni Ice. “sigurado kayo?” pagsisigurado ko. "Oo nga baka ikaw ang may ayaw Sade?” pabirong sabi ni Ice. walang kawala. “Sira ka Ice sige na nga tara na tinext ko na si mang carding” pinuntahan na namin si Mang Karding. *** “Aba iha may friends na agad kayo ni Macy…Maganda yan ibabalita ko yan sa daddy mo” masayang sabi ni Mang Karding. “Mang carding kamusta na si daddy?” nagaalalang tanong ko. “Okay lang siya iha” sagot ni mang Karding. “Kailan ba siya uuwi sa bahay?” tanong ko. “Hindi ko alam iha…nasa china siya ngayon eh” sagot ni mang Karding “Teka lang last na tinanong ko po kayo…nasa London siya ngayon naman nasa China siya?!” nalilitong tanong ko. “Oo iha busy ang daddy mo marami siyang inaasikaso eh” paliwanag ni mang Karding. Hindi na lang ako sumagot kasi alam kong masasaktan lang ako kapag nagtanong pa ako. Kaya tahimik na lang ako buong biyahe. “Sade nagkaboyfriend ka na ba?” biglang tanong ni Ice. Hindi ko alam kung sasagutin ko pero ano naman kung NBSB ako hindi naman dapat ikahiya yun diba? “NBSB ako” . . . . . . . . Long silence.... “Seryoso?” gulat na sabi ni Ice. “Ay hindi nagbibiro lang ako diba Macy?” pabalang kong sagot. “Baliw ka talaga Sade…Totoo ung sinabi niya Ice…Never pa yan nagkaboyfriend ever” pagsang-ayon ni Macy sa sinabi ko. “Bakit?” tanong ulit ni Ice. “Bakit? Dapat ba magkaron na akong ng boyfriend?” nagtatakang tanong ko din. “Hindi naman pero kasi...” hindi pa din makapaniwala si Ice. “Naku eh ni hindi ko nga narinig na nagkacrush yan…” sabi ni Macy. “Weh??” gulat na tanong ni Ice. “Totoo yun Ice never pa akong nagkaroon ng crush…” pangsang-ayon ko. “Weird mo naman…Mas interesting ka tuloy” nakangising sabi ni Ice. “Tumigil ka Ice…Wala akong balak dumagdag diyan sa listahan mo ng mga babae mo?!” irita sa sinabi niya. “Easy…Di talaga kita isasama dahil ikaw ang una kong seseryosohin ko” nakangisi niyang sabi. “Talaga lang ah…hindi kaya ng isang playboy ang magpakatino” pagsusungit ko. “Hinahamon mo ba ako Sade?” tanong niya. “Pwede din” pangaasar ko. “Kung ako sayo Sade wag kang makipagpustahan diyan kay Ice” napakunot naman ako ng noo. "At bakit naman Kaelem?” nagtatakang tanong ko. “Paniguradong matatalo ka” napataas naman ako ng kilay. “Hindi ako matatalo taga mo pa sa bato” pagyayang ko. “Sige ganito na lang kapag na kaya kong magpakatino ng isang buwan papayag  kang ligawan kita. Ano game?” hamon niya. SANA LANG HINDI MALI ANG NAGING DESISYON KO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD