CHAPTER 7 – MAHAL
ICE’S POV
“Sade?” buti na nakita ko na siya
“oh??” ganda talaga niya
“diba may practice pa tayo saan ka pupunta huh?” lumapit ako sa kanya para mas Makita ng maigi ung maganda niyang mukha
“oo nga pala…maglalunch na sana ako eh” sabay ka na lang sa akin maglunch
“ganun ba mamaya na sabay na lang tayo after ng practice”
“sige…pero sasabihan ko muna si Kaelem baka kasi hinihintay na niya ako sa canteen eh” ai naku siya nanaman
“Kaelem na naman…bwisit!!” bulong ko sana marinig niya
“huh? May sinabi ka ba Ice?” ai bingi!
“wala kako sige na puntahan mo na si Kaelem baka nga hinihintay ka na nun” bwisit ka Kaelem naiinis ako sayo
Kaya ayon iniwan nanaman ako ni Sade para puntahan si Kaelem
Ano ba kasing meron sa kanila at close na close silang dalawa sarap upakan ni Kaelem eh
Oo nagseselos ako syempre close sila ng bestfriend ko samantalang ako hindi niya nga ako kinakausap ng matagal eh nakakainis talaga!!!
*beep beep*
Sino naman kaya tong nagtext
Macy
Usap tayo please?!
Aba nakuha niya pang magtext sa akin bahala ka
Hay makapunta na nga sa room
“Ice nasan na si Sade hinahanap na kayo ni ma’am eh” nasa kaelem niya!!!
“pumunta lang ng canteen pero pabalik na yun wait na lang kayo”
“sige sabihin na lang namin kay ma’am”
***
Bakit wala pa din si Sade sana na kaya yun
“sorry guys si Kaelem kasi may ginawa pa eh” speaking bat kaya ang tagal niya
“okay lang Sade di pa naman kami nagstart eh”
“ah okay sige wait lang lapag ko lang bag ko”
“okay”
Nilapitan ko si Sade..
“ang tagal mo ah ano ba kasing ginawa ng bestfriend ko” parang may something talaga sa kanila
“bumili kasi siya ng food sa labas…sabi ko kasi gusto ko ng fries ng mcdo” favorite niya pala ung mcdo fries
“ah…so favorite mo pala ang mcdo fries?”
“oo sobra…buti na nga lang nandiyan si Kae eh kung hindi baka super nagcrecrave na ako!?” kae? May tawagan na sila agad???
“eh nasan na siya?” sana wag na siyang bumalik
“bumibili pa eh sabi niya una na daw ako kasi may mga naghihintay daw sa akin eh” buti naman at naisip niyang inaantay kita
dapat talaga hindi mo ako pinaghihintay este kami pala
“ah bukod sa mcdo fries ano pang favorite mo?” dapat may ko ung mga favorite niya
“hmmm…madami eh pero pinaka the best talaga eh ung mcdo fries kapag malungkot ako yan ang isang nakakapagpasaya sa akin” humanda papaulanan kita ng mcdo fries
“talaga? So pwede kitang bigyan ng mcdo fries tuwing practice?” pogi points din ito.
“bakit naman?” umoo ka na lang kasi please?!
“pampawala ng pagod every practice?” saka pogi points nga kasi
“wag na Ice si Macy na lang ang bigyan mo favorite niya din yan lalo na ung isasawsaw sa sundae…hmm sarap” Macy na naman…
“sige” nakakabadtrip na alis na ako!!!
Dumating na si bestfriend na may dalang mcdo…
“sorry Pao dami kasing tao sa mcdo” Pao? Aba talagang may tawagan na sila ah…close na close na sila ah badtrip gusto ko na talagang sapakin tong bestfriend ko
“okay lang Kae…thanks ah” aba may yakap pa sasapakin ko na talaga tong bestfriend ko
Ano ba nagseselos kaya ako nandito ako oh!!!
Sade naman eh dapat ako yang niyayakap mo eh
“ano ka ba Pao wala yun ikaw pa lakas mo kaya sa akin” nalakas bwisit papahangin nga muna ako
“UY!!! ICE SAN KA PUPUNTA MAGSTART NA ANG PRACTICE NATIN AH!!”
“papahangin lang ako magstart na kayo…babalik din ako kaagad promise”
Hindi ko na kasi talagang kaya pang magstay sa room baka sugudin ko na ung bestfriend ko
Kahit bestfriend ko pa siya…
Mahal ko talaga si Sade at gusto ko ako lang ang hahawak sa kanya kaso wala naman akong karapatan kasi hindi niya ako boyfriend
At higit sa lahat ang alam niya kami pa ng bestfriend niya
Ang hindi niya alam wala na kami
Panigurado hindi pa din sinasabi ni Macy kay Sade
“Ice?” siya nanaman
“bakit ano na naman kailangan mo?” ba't ba ang kulit nito hindi makaintindi!
“hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?” hinding hindi
“sa tingin mo…gusto mo ba talagang sagutin ko pa yan para mas lalo kang masaktan?” masokista gustong gusto saktan ang sarili
“may gusto na si Sade? Hindi mo ba nakikita!!” so? Sila na ba hindi pa naman ah
“wala akong pake kung gusto niya si Kaelem…ipaglalaban ko tong nararamdaman ko kahit anong mangyari?!”
“umaasa ka lang sa wala!!” parang siya hindi…
“bakit ikaw din naman ah…umaasa ka sa wala”
Hindi siya makasagot kasi alam niyang totoo…babalik na nga lang ako sa room
“SASABIHIN KO NA KAY SADE UNG TOTOO!!” edi go samahan pa kita eh
“edi sabihin mo wala akong pake”
umalis na ako baka ano pa ang mga gawa ko dapat talaga nung una palang hindi na ako pumayag sa sitwasyon na ito ako lang din nahihirapan nakasakit pa ako ng tao pero ginusto rin naman niya ito. Siya ang nakaisip kaya magdusa siya.
***
“Kae tama na ayoko na hindi ko na kaya…wag mo na akong kilitiin please” bwisit ito pa talaga nakita ko
“Pao…ano aasarin mo pa ako..” ahh nakakainis
“hahaha…hindi na…h-hindi na kita aasarin kay Macy…hahaha…hindi na” buti ka pa nakakatawa
“ah inaasar mo pa din ako ah…oh ito pa…” ah hindi ko na mapigilan
“hahahahahahahaha…kyaaahaahahahahaha”
Hindi ko na talaga kaya
Hinila ko si Sade at kinaladkad sa may rooftop hindi ko din alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para gawin to
“Ice bakit mo ako dinala dito?” arghhh badtirp ano ba tong ginagawa ko
“ANO BA TALAGA ANG MERON SA INYO NI KAELEM HA??” buti nagkalakas na ako ng loob
“bakit mo ako sinisigawan??” halata kong nagulat siya sa pagsigaw ko
“SAGUTIN MO NA LANG”
“MAGKAIBIGAN LANG KAMI…SAKA BAKIT BA INTERESADO KA NA MALAMAN???” kasi nga nagseselos ako
“KASI MAHAL NA MAHAL LANG NAMAN KITA…NA GUMAWA PA AKO NG PARAAN PARA LANG MAPALAPIT SAYO!!!” siyempre hindi ko naman sasabihin yun no
“MAHAL MO AKO?? PERO GIRLFRIEND MO SI MACY?? ANO YUN PINAGLARUAN MO LANG SI MACY??”
hindi ko nga mahal si Macy
“OO MAHAL NA MAHAL KITA…KAYA KO LANG NAGING GIRLFRIEND SI MACY DAHIL SAYO!!” ano papalag pa kasi eh
“ANONG KINALAMAN KO DUN!??” may kinalaman ka dahil sayo ikaw lang naman dahilan.
“SINABI NIYA SA AKIN NA GUSTO NIYA AKONG MAGING BOYFRIEND…TAPOS DAW HINDI IPAPAREALIZE SAYO NA GUSTO MO SI KAELEM PERO IBA KINALABASAN.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
dahil sa tingin ko ito pa ang nagtulak para mareliaze mo na gusto mo talaga si Kaelem” napayuko na lang ako kasi masakit na napahawak ako sa puso ko.
“ginagawa yun ni Macy??” ang t@nga nga ng bestfriend mo eh
“oo mahal na mahal talaga kita Sade…hindi ko mahal si Macy…napilitan lang ako”
“kaya pala malamig ka sa kanya” oo kasi hindi ko nga siya mahal paulit ulit
“nung nalaman kong inaway ka niya nakipagbreak agad ako sa kanya” wala siyang karapatan na awayin siya dahil wala ka naman ginagawa sa kanya.
“huh??”
“okay lang sa akin kung gusto mo na si Kaelem pero hindi pa rin ako titigil” masokista din pala ako
“bakit ba kasi mahal na mahal mo ako? Eh hindi ko naman nasusuklian yang pagmamahal mo?”
“pagnagmamahal ba kailangan pa ng rason?...natututunan mo din akong mahalin hindi ngayon pero dadating din ang araw na yun”
“I’m sorry Ice kung hindi ko nasusuklian yang pagmamahal…pero may rason ako kung bakit ayaw ko munang mainlove”
“ano nga ba?”
“basta dadarating din ang araw na pwede na akong magmahal pero sana kaya mong magintay”
“hindi ako mapapagod kakaintay promise yan…pwede ba kitang mayakap?”
“sige I’m really sorry Ice” ito ang unang beses na mayayakap ko siya ng mahigpit
Para akong nasa heaven ang babaeng pinakamamahal ko mayayakap ko na din kahit hindi pa kami feeling ko malapit na…
Hihintayin talaga kita Sade…
Kahit gaano pa yan katagal pangako yan sayo
Bumalik na kami ni Sade sa room
***
“Kae tama na wag mo ng sapakin si Ice!!!” tae bigla bigla na lang nanununtok hindi ako handa
“g@go ka Ice anong ginawa mo kay Macy?” wala naman akong ginawa sa babaeng yun ah
“huh? Anong pinagsasabi mo Kae?”
“may nangyari daw sa kanila ni Macy…pumunta dito si Macy at umiiyak” sinungaling talaga
“totoo ba yun Ice?” wag kang maniwala Sade please
“hindi yun totoo Sade…pano may mangyayari sa amin eh ni hindi nga kami nagtagal ng one week eh nagpapatawa ba siya?”
“ibig sabihin nagsisinungaling si Macy” oo sinungaling ung babae na yun…masyadong desperado…boset
“oo nagsisinungaling siya!!!...bigla bigla ka na lang nanununtok bwisit” sakit tuloy ng labi ko badtrip!
“tama na wag na kayong magaway!!” saway samin ni Sade.
“eh kasi umiiyak si Macy eh kala ko totoo sorry Ice”
“Kae, dalhin ko lang tong si Ice sa clinic” buti na lang pala sinuntok ako ni Kaelem makakasama ko ulit si Sade
Sana pala pinadamihan ko kay Kaelem…sa susunod
pero masakit makakaganti din ako sayo kahit best friend pa kita sayang naman ang pogi kong mukha.
“sige pupuntahan ko lang si Macy”
***
“buti hindi mo pinatulan si Kae” kasi nandun ka kung kaming dalawa lang papatulan ko yun kahit alam kong mananalo din naman siya
“aray…masakit” sinasadya kaya niya?
“sorry masakit ba manuntok si Kae?” oo kaya sobra gusto mo patikim ko sayo pero syempre joke lang yun
“oo masakit yun manuntok kahit na ako takot dun kaya nga di ko inaaway yun eh”
“baliw ka talaga” baliw sayo
“ganda pala ng mata mo Sade?” sarap titigan
“huh?!” bingi nito
“kako ganda ng mata mo pati ng lips mo” kala mo ah…hahaha
“gusto mo ako naman ang manapak sayo?”
“sige basta sapak ng pagmamahal ang gagamitin mo”
“ang baduy mo Ice!!” dahil sayo kaya ako nagiging baduy
“nagsimula lang naman ito ng ibigin kita”
“ewww…ano ba yan Ice” makaewww wagas halikan kita jan eh
“ewww ka jan ang sweet kaya” kinikilig nga lahat ng mga chicks ko kapag sinasabi ko yun eh dati hindi na ngayon kasi isa na lang nasa puso ko.
“anong sweet dun?”
“lagi ko kaya yan ginagamit sa mga chicks ko noon”
“sorry ka iba ako sa kanila!!!”
“alam ko kaya nga mas minamahal kita eh”
Edi na speech less ka ngayon halikan kita jan ang cute cute mo kapag nagbablush ka
Hindi talaga kita ipagpapalit Sade ikaw lang at wala ng iba promise ko yan sayo …