CHAPTER 4 - MAGBABAGO AKO
ICE’S POV
Hindi ko maintindihan kay Sade kung bakit ayaw niyang maniwala sa akin porket ba playboy ako hindi na ako pwedeng magbago?
“pare okay ka lang?” sabi sa akin ni Kaelem
“oo pare okay lang ako...”
“Ice sorry sa ginawa ng bestfriend ko sayo ah…ganyan kasi talaga yan eh palibhasa NBSB”
“okay lang Macy naiintindihan ko…ganito naman talaga pagnagmamahal ka kailangan mong paghirapan ang babaeng minamahal mo…para mapatunayan mo sa kanyang mahal mo siya”
“sorry Ice pero mukhang wala ka talagang pagasa kay Sade”
“bakit mo naman nasabi Macy?”
“ayaw kasi ni Sade sa playboy lalo na sa mga makukulit na lalaki”
“okay lang Macy titiisin ko ang lahat para sa kanya”
Pumunta na ako sa kinauupuan ko
“Sade hindi kita susukuan tandaan mo yan…”
“tingnan na lang natin…susuko ka din”
“hind, ikaw ang susuko…at mamahalin mo din ako”
“bahala ka isipin mo na lahat ng gusto mong isipin…magigising ka din sa katotohanan”
Hindi na ako nakasagot sa kanya kasi dumating na ung teacher namin
***
“pare tulala ka ata problema mo?” nge kanina pa pala ako nakatulala hay
“iniisip ko kasi kung paano ko mapapatunayan kay Sade na gusto ko talaga siya?”
“pare hindi kaya fat lang yan”
“g@go...fat ka jan...totoo to gusto ko talaga siya sa kanya ko lang to naramdaman eh”
“alam kong totoo yang nararamdaman mo kasi kung hindi yan totoo hindi mo naman siya haharanahin at makikipagbreak sa mga girlfriends mo eh”
“teka pano mo nalaman na nakipagbreak ako sa kanila”
“eh ako kasi kinukulit nila”
“ewan ko ba lakas talaga ng tama ko kay Sade”
***
SADE’S POV
“tara na Sade lunch na…”
“sige”
Tumayo na ako at naglakad na kami papunta ng canteen pero habang nasa daan kami may humarang sa dinadaanan naming
“ikaw ba si Sade?”- girl
“oo ako nga…bakit?”
“so ikaw pala ung bagong laruan ni Vance?” - girl
“huh?...laruan? at sino naman si Vance?”
“huh!!...nagpapatawa ka ba? eh kakaharana niya lang sayo kanina ah!!!” - girl
“ah si Ice bang ung sinasabi mo?”
“oo so ikaw nga ung bago niyang laruan?” - girl
“hindi ako laruan…tao ako saka wala akong interes diyan sa Ice niyo, sa inyong inyo na siya”
“good kapag nalaman kong kayo na gagawin kong hell ang buhay mo dito sa school na to!!!” – girl sabay walkout niya baliw!!!
“Sade okay ka lang?”
“oo okay lang ako tara na sa canteen nagugutom na ako”
Nang dumating na kami sa canteen si Macy na lang ang pinaorder ko tapos ako na lang naghanap ng uupuan namin
“oh Sade bat ikaw lang? san si Macy?”
“umoder siya”
“ah ganun ba…pwedeng makiupo?”
“sige lang…Ice nasan si Kaelem?”
“huh??...nasa banda niya may practice kasi sila eh” wow astig may band si Kaelem ano kaya position niya
“may banda si Kaelem?”
“oo drummer siya dun, bakit?” astig drummer
“wala lang ang galing lang kasi…ngayon alam ko na kung bakit madaming nagtitilian ung mga babae sa kanya”
“hehehe…oo astig nga niya” dumating na si Macy
“oh Ice hindi mo kasama si Kaelem?”
“hindi eh may band practice kasi siya eh”
“weh?? Talaga ang galing naman niya”
“oo nga Macy eh papaturo nga ako sa kanya magdrums hahaha”
“sige Sade diba ganun ung mga type mo”
“oo ung mga bumabanda ang astig kaya nila”
may biglang humampas ng table.
“Ice bakit?” ano yun?
“huh?...wala sige una na ako”
Problema nun bigla bigla na lang nanghahampas ng table
“tara na Sade kain na tayo”
“sige tapos punta tayo ng grounds after”
Kumain na lang kami ni Macy hindi na ulit bumalik si Ice after niyang umalis ano kaya problema nun
***
ICE’S POV
Hindi ko alam kung sinasadya ba yun ni Sade o hindi pero feeling ko naman hindi eh
Pumunta na lang ako sa Music room at kumuha ng gitara at kumanta
~Lagi kitang tinatanaw
Lahat ng kilos at galaw
Aking sinusubaybayan, binabantayan
Araw-gabi ako'y saksi
Sa bawat luha at hapdi
Hirap ng iyong dinadala ay nadarama
Kung nalalaman mo lamang
Na ako'y nag-aabang
Ng pag-ibig mo
Chorus
Kung mamahalin mo lang ako, langit ang ibibigay sa 'yo
'di ka na kailan muling luluha pa, pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako, hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa kung mamahalin mo lang ako
Lagi akong nakatingin
Naghihintay na mapansin
Kahit isang sulyap man lang ay tatanggapin
Hanggang kailan magdurusa
Makita ka sa piling niya
Hanggang kailan pagmamasdan ika'y masaktan
Sana ay nalalaman mo
Na may nagmamahal sa 'yo
Heto lang ako
Kung mamahalin mo lang ako, langit ang ibibigay sa 'yo
'di ka na kailan muling luluha pa, pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako, hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa kung mamahalin mo lang ako
Ooh
Kung mamahalin mo lang ako, langit ang ibibigay sa 'yo
'di ka na kailan muling luluha pa, pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako, hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa kung mamahalin mo lang ako
Ooh yeah~
Ito ang kadalasan kong ginagawa kapag nasa bahay ako kinakanta ko na lang ung mga nararamdaman ko
“nandito ka lang pala?”
“oh?...kanina ka pa?” si Macy lang pala ako ko si….nevermind
“oo narinig ko ung pagkanta mo”
“buti ka pa Macy narinig” sana si Sade na lang
“bakit ang gusto mo bang makarinig nun ay siya?”
“oo naman no para malaman niyang seryoso ako sa kanya”
“Ice pwede bang ako na lang?” wait don’t tell me may gusto siya sa akin?
“huh?? Anong pinagsasabi mo jan Macy?”
“Ice ako gusto kita hindi ka na mahihirapan pa…ibibigay ko sayo ang puso ko ng buong buo” sabi na eh
“Macy sorry pero hindi ko magagawa…mahal ko ang bestfriend mo at siya lang ang gusto nito” sabay turo ko sa puso ko
Hindi na umimik si Macy…ako naman tuloy lang sa pagstrum ng gitara
“Ice kahit anong gawin mo kay Sade hindi ka niya mamahalin dahil isa kang playboy” magbabago naman ako para sa kanya
“alam ko…kaya nga ako nagbabago diba” napahinto ako sa pagstastrum ng gitara
“kahit anong gawin mo hindi ka niya mamahalin…kung mamahalin ka man niya pipigilan na niya yun” hindi ko siya maintindihan
“anong ibig sabihin mo Macy?”
“alam ni Sade na gusto kita…at panigurado hindi niya papayagan ang sarili niyang mahulog sayo kasi ayaw niya akong masaktan”
“mahal ko siya Macy” ipaglalaban ko tong nararamdaman ko
“sorry ka na lang Ice pero hindi masusuklian ni Sade yang pagmamahal mo…dahil mukhang nagugustuhan na ni Sade si Kaelem”
“hindi totoo yan…”
“hindi mo ba narinig ung sinabi ni Sade kanina?”
“narinig…pero hindi naman niya sinabi na gusto niya si Kaelem ah!”
“oo nga dahil naguguluhan pa siya pero ipaparealize ko sa kanya na may gusto siya kay Kaelem”
“please Macy wag…hindi ko kaya na ung bestfriend ko ang magiging kaagaw ko sa babaeng pinakakamahal ko”
“then be my boyfriend?” eh mahal ko nga ung bestfriend tapos gusto niyang maging boyfriend ako nasisiraan nab a siya
“huh?? Anong ib--” hindi na niya ako pinatapos
“be my boyfriend at hindi ko na ipaparealize kay Sade na gusto niya si Kaelem” anong gagawin ko?
***
Saan kaya nagpunta si Macy bigla na lang niya akong iniwan after naming kumain
Sana okay lang si Ice alam kong nagiging mean ako sa kanya pero minsan di ko maiwasan na makonsensya siguro dahil mabait siya sa akin tapos ang mean ko sa kanya
“Sade?!?!”
“oh? Kaelem ikaw pala…”
“san ka papunta?”
“ah jan lang sa may field…bakit?”
“talaga?...pwedeng sumama?”
“oo naman…ano yan? gitara ba yan?”
“ah ito…oo gitara to gusto mong kantahan kita?”
“sige ba dun tayo sa field”
“okay”
Pumunta na kami ni Kaelem sa may field tapos umupo na lang kami sa may ilalim ng puno sarap nga ng hangin eh ang sarap sa pakiramdam..
“asan si Macy?”
“hindi ko alam iniwan na lang niya ako bigla eh”
“ah ganun ba…sige kantahan na kita?”
“oo sige”
~ Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
(Sa iyong ngiti)
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
(Para lang sa'yo ang awit ng aking puso)
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...~
“Kaelem ang ganda ng boses mo…”
“salamat…bagay sayo ung kinanta ko” bat ang init ng mukha ko hindi kaya nagbablush ako?
“hehehe…baliw pero salamat ah kasi ang sarap ng boses mo sa tenga nakakarelax”
“wala yun ako nga dapat magpasalamat eh kasi nagandahan ka eh…”
Hindi ko alam pero masaya ako kapag kasama ko siya parang nalilimutan ko ung mga problema ko kahit sa sandaling panahon lang…