CHAPTER FIVE
_
"Wala kang puso!"
"Wala kang atay!"
"Wala kang sikmura!"
"Wala kang lungs!"
"Merciless Witch!"
Bored ko silang tinapunan ng tingin at saka muling binalik ang tingin sa binabasang diyaryo.
"Bilisan niyo diyan. Marami pa kayong kukuskusan" sabi ko at saka dumekwatro pa ng upo. Nilipat ko sa second page ang dyaryo, napa-ungot ako ng makita ang malaking pagmumukha ni North kasama si Sylina, magkayakapan ang dalawa at naka-long gown pa sila. Binasa ko ang caption at kulang nalang masuka ako.
"Ther President Daughter, Northern Land Benedicto was with Sylina Howard last night at Katipunan Exhibit. The two really looks great together. just like a mother- and - daughter relationship."
I smirked tauntingly. Really, huh? Mother and daughter? Oo, mukhang mag-ina nga talaga sila. Parehong impakta!
Sa inis ko ay pinunit ko ang diyaryo at walang pasidlang tinapon nalang basta sa sahig.
"What the f**k?! You heartless, Witch! Can't you see that we are cleaning this goddamn floor?! Nagkalat ka pa talaga!" bulyaw ni Genesis. Masama ang tingin nito sa akin at kulang nalang sugurin na niya ako at patayin.
Bagot ko siyang tinapunan ng tingin. "Don't care."
Mas lalong nagdilim ang mukh niya. Gumalaw ang panga nito at tumalim ang mga mata. Kinilabutan ako ngunit hindi ako nagpahalata na apektado. Umiwas nalang ako ng tingin.
"Wala ka talagang puso!" naiiyak na asik naman ni Peter.
"Wala kang awa!" That's Psalm dabbing a clean cloth on his sweating face.
Kung nagtataka kayo kung ano ang ginagawa nila, pinagkuskos ko lang naman sila sa sahig gamit ang toothbrush.
Parusa nila 'yan sa pag-ubos ng pagkain ko. Actually, kulang pa nga iyan, eh. May balak pa akong ipakuskos sakanila ang bubong ng bahay. They should be grateful I did not kill them. May puso pa naman ako kaya imbes na patayin ay pinaglinis ko nalang sila.
"Damn you, Witch! You're gonna pay for this. Damn you. Damn you. Ugly Witch."
Tinaasan ko ng kilay si Genesis na kanina pa nagrereklamo at nagmu-mura. Hindi ko nalang siya pinapansin dahil hindi naman ako natatakot sa mga mura niya. Sa talim lang ng tingin niya.
Anyway, ano nga ba ang ginagawa niya?
Nagpupulot lang naman ito ng mga basag na salamin sa sahig gamit ang isang tiyani. Pa-isa-isa ang pag-ipit niya sa mga ito kaya naman nagrereklamo.
"Ugh! f**k this stupid little tong!" He hissed frustratedly as he is trying to pick a broken glass with it.
Tss.
"TIMOG! PARANG AWA MO NA! HINDI KO NA KAYA! BAKA MAHULOG AKO DITO!"
Napatingala ako sa pwesto ni Noah nang naiiyak na sumigaw ito.
Kung nagtataka naman kayo kung anong parusa niya?
Nakalambitin lang naman siya sa labas ng bahay at nililinisan ang mga naglalakihang glasswall gamit ang isang maliit na dishwashing sponge. Kanina pa 'yan nagsisigaw pero hindi ko lang pinapansin. Iyan ang napala niya sa pangingialam sa pagkain ko.
"Napakaunfair mo, South!"
Taas kilay akong tumingin kay Psalm. "At bakit naman ako naging unfair? Bakit nang kinain niyo ba ang pagkain ko naging fair kayo?"
"Hindi naman namin alam na sa'yo pala iyon! Atsaka bakit ganito ang parusa namin, samantalang kay Isaiah napakadali lang sakanya!" Panghihimutok niya.
"Oo nga! Unfair! Dapat pagkuskusin mo rin ng sahig si Isaiah!" segunda ni Peter.
"You, Witch! You're a favoritism! Do you like him, ha?" singhal na naman ni Genesis.
I rolled my eyes heavenwards. Me? Like Isaiah? You've got to be kidding me. Kahit magka-edad kami ng isang 'yon ay parang batang kapatid lang ang tingin ko sakanya.
Isaiah reminds me of my two young brothers, East and West. Ewan ko pero sa kanilang lahat na mga Crane, sa bunso nilang si Isaiah ako unang na-attached. Inosenteng inosente kasi ito sa maraming bagay at isa pa, siya ang may pinakamalalang tupak.
"I don't like him" sagot ko kay Genesis.
"Then why don't you give him a heavier punishment?"
"Kasi bata palang siya?" Hindi siguradong dahilan ko.
"He's f*****g 18 years old! He's not a kid anymore!"
"Just shut up, Genesis! Tapusin mo na iyang ginagawa mo dahil magpupulot ka pa ng mga dahon sa labas gamit iyang tiyani!" Ang daming satsat!
If looks could kill, I am probably convulsing to death right now.
"Witch" He grumbled.
Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. It's almost 10am. Hindi ako makapagluto dahil wala namang pagkain sa kusina - hmm, wait!
Grocery. Tama! Walang stock kaya mag-go-grocery ako!
Ngunit agad ding nauwi sa ngiwi ang ngiti ko nang mapagtantong hindi pala ako marunong mag-grocery. Hindi pa ako nakakapasok sa kahit na anong supermarket kaya wala akong experience sa pamimili. Back in the mansion, we have maids to do that and I have personal shopper too. Pero iba na ang situation ko ngayon - nasa bingit na ako ng kamatayan kasama ang mga Crane na 'to kaya kesa sa magutom ako at mamatay ng walang kinakain - kailangan ko ng mag grocery.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan ang sarili ko. Magpapalit nalang ako ng pants at pupunta na ako ng Mall para mamili.
"Where are you going, Timog?" tanong ni Peter nang makitang nakatayo ako.
"Titignan ko lang si Isaiah at baka nalunod na sa inidoro 'yon" sagot ko at tinalikuran na sila.
Kung nagtataka kayo kung anong binigay kong parusa kay Isaiah at ganoon nalang maka-apila ang mga kapatid niya?
Ito lang naman ang pinag-linis ko ng CR. Easy lang 'yong task niya kumpara sa mga Kuya niya. Actually, there's reason behind that.
Tinawagan ko kasi si Tito Jackal kanina at tinanong kung may mga sakit ba ang mga anak niya bukod sa pagiging tokmol. Kailangan ko lang malaman dahil baka magulat nalang ako na may matumba na sakanila bigla edi kasalanan ko pa.
"Bukod sa sakit sa pag-iisip. Wala naman na silang ibang sakit. Pero 'yong bunso kong si Isaiah ay may asthma ito kaya hindi siya pwedeng mapagod ng sobra."
Iyan ang naging sagot ni Tito sa akin. It made me think of giving his youngest son a different task - an easier one. Hindi naman siguro nakakapagod ang paglilinis ng CR 'di ba?
Pagkarating ko sa CR ay nadatnan ko agad si Isaiah na pinupunasan ang malaking salamin. Nakatopless ito kaya kitang kita ang tagaktak ng pawis niya sa katawan. He looked so hot and innocence. Hindi ko man lang siya makitaan ng pagod kaya medyo nagtaka ako.
"Hindi ka ata mukhang pagod? Sure ka bang naglinis ka talaga?" tanong ko.
Gulat itong napalingon sa akin pero ganoon nalang ang ngiti niya ng makita ako. Ang saya naman ata niya?
"Nag-linis po ako, Ate! Nag e-enjoy lang ako sa ginagawa ko kaya siguro hindi ako napagod, hehe. Actually, tapos na nga ako eh, hinihintay ko lang na puntahan mo ako" he said with a light red tint on his cheeks. Malaki ang ngiti niya na parang bata na nakatapos ng assignment.
Mukhang masaya nga ito. Buti pa siya, samantang iyong apat niyang kapatid kulang nalang patayin na ako sa tindi ng pagre-reklamo, eh. Pero sandali... tinawag na naman niya akong ate, tsked!
"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Ate! Magkasing edad lang tayo!" reklamo ko. "Anyway, mabuti naman at tapos ka na. Sige na, magbihis ka na. May pupuntahan tayo."
Kumunot ang makinis nitong noo, hinugasan niya ang mga kamay saka tumingin muli sa akin.
"Where are we going?" inosenteng tanong niya.
"Mall. Samahan mo akong mag-grocery ng lalamunin natin."
"Magde-date tayo?"
Wow, ha.
Date mo mukha mo.
"Mamimili nga 'diba? Anong date ka diyan? Mag ayos ka na nga bago pa magbago ang isip ko at ilambitin din kita sa labas katulad ni Noah!"
Ngumuso ito. "Mag-aayos na po ako, Ate!" He flashed his sweetest smile again.
Ate na naman?! Lintik na tokmol na 'to!
"I said stop calling me that! Magkasing edad nga lang tayo!" Ang kulit!
"Okay po... Ate!" nakangiting aniya bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya.
I slapped my forehead and dragged it down to my face. Susme!
Napailing nalang ako at nagtungo na rin sa sariling kwarto para magpalit ng damit. Pinalitan ko lang ng pantalon ang suot kong short. Hindi na ako nagpalit ng damit. I put my hair into a messy bun and apply light face powder on my face. Kinuha ko ang pitaka at sinilip kung nasa loob ba nito ang credit card na ibinigay sa akin ni Tito. Great!
Lumabas na ako ng kwarto matapos kong mag-ayos. Sakto ring lumabas si Isaiah sa sariling kwarto niya.
"South! Mag-mall na tayo!" He beamed excitedly. Pinasadaan ko ito ng tingin at ganoon nalang ang pangu-ngunot ng noo ko ng makita kung ano ang ayos niya.
Jusko naman!
"Bakit ka naka-hubad? Mag damit ka nga!"
Paano ba naman kasi nakatopless parin ito. Seriously? Alam kong maganda ang katawan niya pero public area ang pupuntahan namin kaya sana magdamit naman siya. Kargo ko pa kapag pinagkaguluhan sa mall at akalaing ramp model.
Kumamot nito ang ulo at saka nakangusong tumingin sa akin.
"Wala na akong damit, South."
"Anong wala? Magdadamit ka ba o ilalambitin kita sa labas?"
Susmeyo! Pinapainit na naman niya ang ulo ko.
"Pero wala na talaga akong damit! I mean, kaming lahat. Wala na kaming mga damit."
Walang damit? Paano nangyari 'yon? Kaya ba sila nakatopless lang dahil wala na talaga silang mga damit?
"Nasaan ang mga damit niyo?" tanong ko.
"Nandoon!" turo niya sa loob ng kwarto niya at nang silipin ko - bumungad sa akin ang kabundok na maruruming mga damit. Kung hindi ako nagkakamali ay mukhang nilalangaw na rin ang mga ito.
Oh, damn.
"Damit niyong lahat 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Grabe na talaga 'to!
"Damit ko lang 'yan, South hehe. Isang bundok nga lang sa akin, eh. Kay Peter tatlong bundok ng mga maruruming damit ang nasa kwarto niya!" sabi niya na mukhang proud na proud pa.
Napatampal nalang ako sa noo ko. Ano bang mga tao ang mga ito?
"At hindi man lang kayo naglalaba?" asik ko. Wala na ngang katulong, wala pang labandera!
Nagkibit-balikat ito.
"Hindi kami marunong, eh hehe!"
Jusko Lord!
Wala akong nagawa kundi ipahiram sakanya ang isang puting panlalaki kong damit. Good thing I love wearing big T-shirts. Sakto naman ito kay Isaiah kaya pwede na.
Nang maayos na ang itsura niya ay inaya ko na itong umalis pero biglang humabol ang apat na kapatid niya at himalang nakadamit din sila! Akala ko ba wala na silang mga damit?
"Sasama kami!" Psalm beamed excitedly.
Nag-isang linya ang kilay ko habang nakatingin sakanila ng nagtataka at nagtatanong. Hindi ba naglilinis pa ang mga ito?
"Timog tapos na kaming maglinis kaya sasama kami sa date niyo ni Isaiah!" ngiti ni Noah.
"Magkakamatayan na basta sasama kami!" Peter said with determination.
"I actually don't want to come but these assholes dragged me. I had no choice" pagpapaliwanag naman ni Genesis.
I blinked three times then ask, "Saan kayo nakakuha ng mga damit nyo?" Iyon kasi ang bumabagabag sa isip ko, eh.
Wala namang issue sa akin kung sasama sila. Mabuti nga iyon para may mga tagabitbit ako, eh. Hindi ko naman pwedeng ipabuhat lahat ng ipapamili ko kay Isaiah dahil paniguradong mapapagod ito.
"Uhm... this is not our clothes" si Noah ang sumagot.
"Kanino?"
"Nakita namin ang mga ito sa dating guard house. Kinuha namin at sinuot. Hehe, bagay ba?" Pumustora pa sa harap ko ang panganay na Crane.
Hinilot ko ang pagitan ng mga kilay ko. Kaya naman pala mukhang luma na ang mga suot nila. But the clothes are cheap but why does it looks like a branded shirts when they wore it? Mukha ng basahan ang mga suot pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nila - actually, nagmukha nga silang rugged models. Nasaan ang hustisya 'diba?
"These are old clothes of those freaking old guards and it's freaking dirty and full of germs!" reklamo ni Genesis. Kasing lukot ng damit ang mukha niya.
Nagpaikot nalang ako ng mga mata. Wala na bang mas i-aarte ang isang 'to? Pasalamat nga siya at may naisuot pa siya.
"Ang arte mo! Edi maghubad ka at huwag ka nang sumama sa amin!" Hindi ko ito maiwasang singhalan. Badtrip siya, eh. Tinalikuran ko nalang ang mga ito at pumasok na sa loob ng malaking Van. Iyon kasi ang sinabi ko kay Isaiah na gamitin namin para may malalagyan ng mga pamimilhin namin.
Wala pang ilang segundo ay sunod-sunod nang pumasok ang mga Crane. As usual, ang gugulo nila. Napataas ang kilay ko ng makitang sumama din pala si Genesis. Ang arte-arte ng isang 'to sasama din naman pala.
"Hoy, Noah! Ikaw mag-drive!" utos ng bunso sa Kuya.
Kita mo ang isang 'to, bastos. Hindi man lang tawagin na kuya ang mga kuya niya. Kung maka 'hoy' akala mo siya ang pinaka matanda.
"Tinantamad ako, eh. Si Peter na lang" sagot ni Noah at saka preskong naupo sa backseat.
"Tangina mo! Bakit ako?" himutok agad ng isa.
H'wag niyong sabihin na mag-aaway pa sila kung sino ang mag da-drive? Iwan ko nalang kaya ang mga 'to? Pero hindi ko pa alam kung saan ang Mall dito kaya kailangan ko sila sa pupuntahan. Bago lang ako rito sa Hunk City - kung Hunk City na talaga ang tawag sa lugar na 'to.
"Psalm?" tawag ko sa pang-apat na Crane.
"Yes?"
"Ikaw na mag-drive. Libre kita sa Jollibee."
"WAAAAH! TALAGA?"
Basta pagkain, eh.
"Hehe, Timog? Ako nalang mag dri-drive ha?" si Noah.
"Tangina mo, Noah! Ako nga ang tinawag 'diba? Tabi diyan! Ako magda-drive! Ako magda-drive!" parang batang kanta ni Psalm at lumipat na sa driver seat. Sa shotgun seat ako naka-upo kaya katabi ko na si Psalm na siyang magda-drive.
Walang pang trenta minutos ay nakarating narin kami sa Mall, particularly, sa Supermarket. Agad naglingunan sa amin ang mga tao pagkapasok namin. They gaped at us as if we are some Angels that falls from Heaven.
Imagine five hot-gorgeous men walking like a Kings who ruled the world inside the Supermarket. Matatangkad sila at isama mo pa ako na 5'5 lang ang height at ubod ng ganda kaya nagmumukha na kaming mga artista. Halos mabali ang leeg ng mga tao - it looks like the clocked stopped inside the Supermarket - lahat nakapause habang nakanganga at naglalaway pa sa aming mga bagong dating.
"Grabe, ang gwa-gwapo nila 'no?"
"Oo nga, eh. Mga artista ba sila?"
"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang ka-gwapong mga nilalang."
"Kyaaaahh! Ang cute ng naka-green!" tili ng mga babae. Naka-green? Tumingin ako sa mga kasama ko at tanging si Peter ang nakasuot ng ganoong kulay.
Ngising-ngisi naman ang gago. Halatang enjoy na enjoy sa attention na nakukuha sa mga kababaihan. Nag-flying kiss pa ang tokmol sa grupo ng mga babae. Tudo tili agad ang mga ito.
"Pero hot din 'yong naka-black! Kyaaahhh!"
Si Noah naman 'yung naka-black. Feel na feel din nito na sinabihan siya ng Hot. Kumindat pa sa nagsabi niyon.
"Kyaaahh! Crush ko 'yong naka-white!"
Bukod sa ako ang naka-white ay si Isaiah din. Pero parang walang naririnig si Isaiah. Tuwang tuwa itong palinga-linga sa paligid na parang nasa bilihan ng mga laruang pambata.
"Ang charming ng naka-blue! Kyaaahhh!"
Si Psalm ang naka-blue. Katulad ni Isaiah, parang wala din itong naririnig. Abala din kasi itong palinga-linga sa paligid at naghahanap ng mga pagkain.
"kyaaaahh! Ang gwapo gwapo ng naka-maroon!"
Si Genesis lang naman ang naka-maroon sa amin. I expect that he will looked arrogant at the attention he's getting but to my surprise, he only yawns and looked at his surroundings with boredom.
Kunwari pa ang tokmol. If I know, lumalaki na ang ulo nito sa papuring naririnig para sakanya.
I sighed and scowled. Edi kayo na ang mga gwapo!
Kumuha nalang ako ng isang big cart at pinasa ko kay Noah ng may pandidilat ng mga mata, ayaw pa kasing kunin, eh. Pinakuha ko rin ng cart ang apat at mabuting hindi naman sila umangal. Mamimili na sana kami nang bigla naming marinig ang mga kalalakihan na naka-pwesto malapit sa lagayan ng mga carts, nagu-usap.
"Tol, tignan mo, oh! Ang ganda niya 'no?"
"Oo nga pare! Sobrang ganda. Kapatid ba niya mga kasama niya?"
"Parang hindi, eh. Mukhang mga bodyguards niya."
"Grabe! Ang ganda-ganda talaga! Ano Kaya ang pangalan?"
Wala sa sariling napangisi ako. Tumingin ako sa mga lalaki at nginitian sila ng matamis. Naestatwa naman sila at nagningning ang mga mata.
"s**t, pare! Nginitian niya ako!"
"Gago! Sa akin siya ngumiti!"
"H'wag na kayong mangarap mga, tol! Ako ang pinaka-gwapo kaya sa akin siya ngumiti!"
Ang ganda ko nga naman. Ngiti ko palang, pinag-aagawan na. Salamat sa magandang genes ng nanay ko kaya nabiyayaan ako ng ganitong ka-gandang mukha.
"Tss. Let's go."
Napatingin ako kay Genesis na mukhang badtrip? Nauna na itong naglakad habang tulak-tulak ang cart niya. Problema 'non? 39
"Tara na, South? Excited na akong mag grocery, first time ko kasi hehe!" Isaiah clapped his hands then put his arm on my shoulder. Tinignan ko ang kamay niya saka ang mukha niyang nakangiti.
"Kamay mo, Isaiah, baka madikitan mo ng bacteria si Timog" sabi ni Noah at kapansin-pansin ang masamang tingin sa kapatid.
"Ang sabihin mo inggit ka lang!" Isaiah snapped at him.
"Whoa! Ramdam mo ba ang tensyon Kaps, Psalm?" sabi ni Peter at inakbayan si Psalm na may hawak ng apple. Saan naman niya iyon kinuha?
"Ewan ko, Peter. H'wag mo nga akong akbayan! Baka akalain pa ng mga tao na bakla ako at jowa kita!" sabi ni Psalm at tinangal ang pagkaka-akbay sakanya ng kapatid.
"Bakit hindi ba, baby Psalm?" Peter grinned at him.
"Kadiri kang hayop ka! Mukha kang tae!"
"Hahahaha!"
Iyong totoo? Anong problema ng mga tokmol na 'to?
Napailing nalang ako at sumunod sakanila.
Habang nagtitingin ako kung ano ang pwedeng magamit sa bahay ay may biglang bumangga sa pwet ko. Pagtingin ko ay isang cart kaya inis kong nilingon ang may-ari nito - agad napataas ang kilay ko sa nakita.
"Ano bang problema mo Genesis?" singhal ko. Lakas din ng trip ng tokmol na 'to, eh!
Masama ang tingin nito sa akin at hindi ko alam kung bakit na naman. Wala pa atang isang segundo na hindi ako nito tignan ng masama. Am I really that bad? Well, masama talaga akong tao pero kakikilala pa lang naman niya sa akin, ang bilis naman niyang naamoy na masama ako. At 'yong klase pa ng tingin niya parang papatay ng tao. Ewan ko ba sa taong 'to, gwapo sana lalo na kapag ngumiti naman pero mukhang pinaglihi ata sa sama ng loob at may galit sa mundo.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay nginuso niya ang likod ko. Nagtataka man ay nilingon ko ang nginunguso niya. Nangunot ang noo ko ng makita ang section ng mga Ice Cream. Ano namang meron doon?
Agad naman niyang sinagot ang nasa isip ko.
"Buy me three gallons of strawberry Ice Cream."
I look at him flatly.
"Wow lang, ha! Anong akala mo sa akin? Bakit hindi ikaw ang bumili?"
Grabe na 'to! Ang kapal ng mukha niyang utusan ako. Eh, kung isampal ko kaya sa mukha niya ang cart niya? Pati Ice Cream niya sa akin ipapabili? Wala nga akong pera, eh!
"I don't have any f*****g money. Dada, took all our cards and cash! I only have 50 pesos here and it won't be enough for me to buy that f*****g gallons of strawberry Ice cream!" humingal ito matapos magsalita.
Napakurap-kurap ako. So, 50 pesos nalang ang pera niya? At ano naman kaya ang naisip ni Tito Jackal kung bakit kinuha niya ang cards ng mga anak niya? Siraulo talaga ang matandang 'yon. May something din eh.
"Tss, fine!" may puso naman ako, eh. At gusto ko din ang strawberry Ice Cream.
Hindi na ako nagtaka nang talikuran nalang ako nito bigla. I sighed, bastos na bata hindi man lang nagpasalamat. Naiiling akong pumunta sa mga Ice Cream at akmang kukuha na sana ako ngunit may biglang nahagip ang mga mata ko.
Kumirot ng todo ang sintido ko sa nakita.
Tangina talaga ang mga Crane.
Si Noah, nagtatalon sa section ng mga mattress. Sa malaking King sized bed pa talaga ang napili nitong pagdiskitahan. Para itong batang nagtatalon sa kama. At ang mga staff naman ay walang pakundangan nila itong inaawat pero hindi papigil ang tokmol.
"Sir, hindi po pwede ang ginagawa niyo!"
"Sir, itigil niyo na po ang pagtalon. Sir, awat na!"
"I WANT HERE! I WANT HERE!" sigaw niya habang pumalakpak pa.
Susmaryusep naman, Noah!
"Hala, Sir! Air freshener po 'yan hindi pabango!"
Bumaling sa kabilang direction ang tingin ko kung nasaan si Peter na inaawat din ng ilang staff. Ini-spray lang naman ni Peter sa sarili niya ang Air freshener.
"GUSTO KO 'TO! MAGMULA NGAYON, ITO NA ANG PABANGO KO!"
Oh my God!
"Sir, bawal po 'yang ginagawa mo!"
Nanghihinang napatingin ako sa kabila namang direksyon. Hindi na ako nagtaka ng makita ang mga staff na pinipigilan si Genesis. Naka-indian sit ang loko habang pinalipat-lipat ang channel sa malaking flat screen tv na naka-display.
"Shut up, b***h! Leave me alone! Oh wait, before you do that, will you f*****g tell me of what channel I can watch Dora The Explorer? I can't wait to watch it!" he shouted pressing furiously at the remote control. Mas lalong nasira ang tv.
Napahilot ako sa magkabilang sintido ko. Jusko, ano bang kahihiyan ang pinagagawa ng mga Crane na 'to? BAKIT KAILANGANG AKO ANG SUMALO NG MGA KAHIHIYAN NILA?!
"Hala, Sir! Bawal pong buksan at kainin ang mga pagkain hangga't hindi niyo nababayaran!"
Halos maiyak na ako ng makita sa ibang direksyon si Psalm na inaawat ng mga staff dahil sa pagbukas at paglantak nito sa mga pagkain. At ang ma-mahal pa ng presyo ng mga pinagdiskitahan niyang kainin.
"Lumayo kayo sa akin! Kakain ako hangga't gusto ko! Aagawin niyo lang ang pagkain ko, eh!" nagpumiglas si Psalm ng hawakan siya sa braso para pigilan ng mga staff.
Lord, have mercy on me!
"Sir! Bakit niyo po pinakawalan ang mga isda sa aquarium?!"
Sigurado ako. Siguradong sigurado na isa sa Crane na naman ang dahilan ng pagsigaw ng staff na 'yon.
"Anong hindi?! Mamatay na sila! Wala kayong puso!" boses ni Isaiah.
Nanghihina na ako nang bumaling ako sa direksyon kung nasaan si Isaiah na nagwawala habang pinapakawalan ang mga panindang isda sa aquarium. Todo saway sakanya ng mga staff.
"Sir, hindi naman sila mamamatay eh, nasa tubig naman sila. Hindi sila mamamatay!"
"Anong hindi?! Kinausap ako ng mga Isda, sabi nila, nalulunod sila! Naiintindihan mo? NALULUNOD ANG MGA ISDA!!"
King ina. King ina talaga. Ayoko na. Suko na ako sa mga taong 'to.
Lesson learned: H'wag isama ang mga Crane kapag mag go-grocery. NAKAKABOBO!