Chapter 6: Powder

3317 Words
CHAPTER SIX _ Sa tanang buhay ko, isa lang ang naalala kong pinakahihiyang nangyari sa akin. And it was when I was in second year high school. Na-utot ako ng malakas sa kalagitnaan ng General Assembly namin sa school. It was embarrassing and dreadful because everyone knew it was me. Buong linggo akong inasar at binansagan pang 'Fart Ranger'. At ngayon, panibagong kahihiyan na naman ang na-experience ko, and it's all because of these tokmol brothers. Wala silang ibang ginawa kundi ang gumawa ng kalokohan. Nadadamay pa ako dahil ako lang naman ang nag-iisang babae na kasama nila. First day ko palang silang kasama gusto ko nang sumuko agad. They are draining me physically and mentally. Mas malala pa sila sa mga toddlers na malilikot. "Tangina mo, Peter! Subukan mong maglakad pa dito puputulan na kita ng paa kang hayop ka!" sigaw ni Psalm na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. I looked at him only to witness his murderous glare at his brother who keeps on walking on the floor he was mopping. "Dammit, Noah! Don't f*****g sit on that couch! I will kill you fucker!" sigaw naman ni Genesis kay Noah nang umupo ito sa sofa na pinaghirapan pa niyang ibilad sa araw sa labas ng bahay kanina. "Tangina mo, Isaiah! H'wag mong patungan 'yang lamesa! Kakapunas ko lang!" sigaw naman ni Peter sa bunso. Kung nagtataka kayo sa ginagawa nila. Ayan, kusa silang nag-prisinta na maglinis ng bahay. Nakakagulat talagang malaman iyan sa una, muntikan nga akong naniwala na nagiging matino na sila pero sinabi nila agad ang kapalit sa paghihirap nila. Iyon ay ang ipagluto ko sila ng Spaghetti. Matapos kaming makaladkad - oo, nakaladkad lang naman kami palabas ng supermarket kanina. At sa sobrang badtrip ko sakanilang lima ay iniwan ko ang mga ito at naglibot ako sa mall pero ang mga tokmol ay sumunod pa rin sa akin. Hanggang sa nangyari ang kagimbal-gimbal at nakakahiyang pangyayari. [FLASHBACK...] "Timog! Sabi mo ililibre mo ako sa Jollibee?" pangungulit ni Psalm habang nakabuntot sa akin. Naalala pa pala niya ang sinabi ko. Basta talaga pagkain hindi niya nakakalimutan. "Jollibee? Gusto ko Jollibee!" Noah exclaimed while bouncing like a kid. Grabe. Parang gusto ko na tuloy isipin na si Isaiah talaga ang panganay sakanilang lima. Tahimik kasi ito at panay ang linga sa paligid habang hawak-hawak ang notebook of new knowledge niya raw. Nililista kasi nito ang mga bagay na hindi niya alam. Ewan ko kung saan naman niya nadampot ang notebook niya. Lahat ng mga bagay na hindi niya alam ay itatanong nito sa akin tapos ililista sa notebook. He's weird. Good thing he's cute. Matanong nga mamaya si Tito Jackal kung nag-aaral ba ang mga tokmol na ito. "What is Jollibee?" inosenteng tanong niya. Napabuga ako ng hangin. May tao pa palang hindi nakakaalam kay Jollibee? "Isa 'yong fast food, Isaiah" sagot ko. "Okay." He nodded then scribble down on his notebook. "Jollibee! Let's eat to the Jollibee!" sigaw ni Psalm at tumalon-talon narin katulad ni Noah. "Timog! I want Jollibee! I want Jollibee!" sigaw ng panganay na Crane at niyugyog pa ang braso ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Imagine, Noah and Psalm in a body of a handsome man yet acting like a toddlers. Ibang klase. Sobrang nagsisi tuloy ako na hinayaan ko pang sumama ang mga ito sa akin. Hindi lang problema ang ibinibigay nila sa akin, pati kahihiyan! Matapos ang eskandalong ginawa nila sa Supermarket, mukhang may balak pa silang dagdagan ang kahihiyan ko! "Tumigil nga kayo! Hindi na kayo nahiya. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh!" suway ko sa dalawa na ngumuso pa na parang mga batang napagalitan ng ina. "Mommy! I want fried chicken!" Napatingin kami sa batang lalaki nang huminto ito sa harap namin. Kasama niya ang mommy niya. Ngumiti sakanya ang ginang at ginulo ang buhok ng anak. "Saan mo gustong kumain?" Nagni-ningning ang mga mata ng bata saka tinuro ang malaking statue ni Jollibee. "Jollibee!" "Sige. Kakain tayo sa Jollibee." Hinawakan niya ang anak sa kamay bago sila nagtungo sa fast food. "Timog, I want fried chicken..." sambit ni Peter habang sinusundan ng tingin ang mag-ina. "I want Jobeeli..." sabi ni Genesis na nakatingin din sa mag-ina. I rolled my eyes. "Jollibee, Genesis. Jo-lli-bee" I corrected. Pero ang tokmol inirapan lang ako. "Whatever." "Mommy, I want Jollibee." Napatingin ako kay Isaiah nang magsalita ito. Did he just say Mommy? Who? "Timog! Jollibee!" sigaw ni Noah na sinundan agad ng mga kapatid niya. "Jollibee!" "Jollibee!" "Jollibee!" "Jollibee!" People looked at us weirdly so I bow down my head to cover up my flushed face. Nakakahiya talaga silang mga kasama, letse! Sa susunod talaga hindi na ako magbabangit sakanila ng tungkol sa pagkain. At mas lalong hinding hindi ko na sila isasama sa mga lakad ko! "Oo na, kaya manahimik na kayong letse kayo!" asik ko sakanila. Peste! Sumasakit na naman ang ulo ko. Makadaan nga mamaya sa botika nang makabili ng gamot. Bibili narin ako ng lason para malason ko na ang mga tokmol na 'to. Pag-pasok namin sa loob ng fast food ay lingunan agad ang mga tao sa amin. Mapa-babae o lalaki nabibitin sa ere ang mga kinakain pagkakita sa mga Crane. Even the senior citizens are shamelessly gawking at them. I sighed and shook my head. These men are really a spotlight. They are oblivious of the attention. Hindi nila alam na may mga taong ititigil ang ginagawa masilayan lang sila. "Anong gusto niyong kainin - eh?" Nagtaka ako nang makitang wala na sa tabi ko ang mga Crane. Nasaan na naman ang mga yun? Nilibot ko ang paningin ngunit ganoon na lang ang paghilot ko sa sintido nang makita sila sa malaking rebolto ni Jollibee. Nagpapa-picture at nag-aagawan sa kulay pulang tutubi. "Tangina mo, Peter! Ako naman ang kunan mo!" sigaw ni Noah. "Ako muna! Alis ka diyan, Genesis!" "Jollibee! Say, cheeeeese!" "f**k you, Isaiah! That's my pose! You have no originality!" "Sa Jollibee, bida ang sayaaaa~" Oh, God! Please, have mercy on me! These men... nakakahiya na talaga sila! Mga letseng isip-bata! "Oh, anak. I thought you wanted to have a photo with Jollibee?" Bumaling ako sa mag-inang nakita rin namin kanina. The kid watch the Crane stupidly clinging on the statue. "I want to, Mommy, pero may mga unggoy na nakalambitin sa kamay ni Jollibee. Does even pets allowed here? Sana isinama rin natin si Brownie." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Tinawag ba namang unggoy ang mga Crane? Sabagay. Binalik ko ang tingin sa lima at napailing nalang nang makita ang mga pinag-gagawa nila. Si Noah at Peter ay nakayakap sa magkabilang binti ng statwa. Habang si Genesis at Psalm ay parehong nakayakap sa magkabilaang braso nito at si Isaiah, nakapasan sa likod ni Jollibee. Lahat ng mga tao ay pinapanood sila na tuwang-tuwa pa sa nakikita. Ang mga lintik na Crane naman ay walang pakialam sa paligid at panay ang pa-picture nila. "1..2..." Aba! May taga-litrato pa sakanila. "WACKY!" Crane Brothers shouted in unison. "Timog! Sali ka dali! Family Picture!" tawag ni Noah sa akin kaya lahat ng mga tao ay lumingon sa akin. Shit! "Hindi ko po sila kilala!" sigaw ko. --Fast Forward--> "South, what's this?" tanong ni Isaiah sabay turo sa fries. Pati ba naman fries hindi niya alam? Hindi ba 'to lumalabas ng bahay? "Fries ang tawag diyan, Isaiah" sagot ko bago kumagat sa burger. Tumangu-tango ito saka nagsulat sa notebook niya. Ang weird talaga. Hindi ko nalang ito pinansin at bumaling naman sa apat na mukhang mga pulubi na ngayon lang nakakain. Ang iingay nila at syempre, hindi nawawala ang pagmumurahan nilang magkakapatid. Ayoko nalang idetalye pa. "Kuya!" tawag ko sa dumaang staff. Lumapit naman ito kaya ngumiti ako. "Paki-follow up naman po ang order ko." "Yes ma'am!" at umalis na. Kanina ko pa kasi hinihintay ang in-order kong spaghetti. Ang kinuha ko kasing pagkain ng mga Crane ay dalawang bucket ng fried chicken at mga burger, fries, sundae at coke float. Spaghetti at burger lang sa akin. Nakakahiya naman kasi kapag makikipag-sabayan pa ako sa katakawan ng mga tokmol na 'to. At last, dumating na rin ang spaghetti ko. Masayang kinuha ko ang tinidor pinaikot-ikot dito ang noodles. Akmang isusubo ko na sana nang mapansin na nakatingin sakin ang mga Crane. "Oh?" Tinaasan ko sila ng kilay. "Gusto ko 'yan!" "I want that too!" "Patikim, Timog!" "Spaghetti!" "Pahingi, South!" Kanya-kanya silang reaksyon kaya napailing nalang ako. Grabe, sakanila na nga ang friend chicken, eh! "Ito na nga lang ang pagkain ko, aagawan niyo pa ako?" Tinignan ko sila ng masama. Pagkain ko na nga hindi pa sasantuhin. "Gusto ko 'yan!" "Gusto ko 'yan!" "Gusto ko 'yan!" "Gusto ko 'yan!" "I want that!" "HINDI! AKIN 'TO!" sigaw ko rin - and ladies and gentlemen, the show is on us again but that doesn't stop these shameless assholes. "Spaghetti!" "Spaghetti!" "Spaghetti!" "Spaghetti!" "Spaghetti!" "HINDIIIIIII!" Sa sobrang inis ko, pinaghahampas ko ang mga pagkain sakanila at hindi pa ako nakuntento at binuhos pa sakanila ang mga coke float. Ending, kinaladkad kami ng mga guards palabas ng Mall. [END OF FLASHBACK...] Sa isang araw, dalawang most embarrassing moment agad ang naipon ko. And thanks to the Crane brothers. Note the sarcasm please. Pagka-uwi namin ay agad ko silang sinermunan at tinaga sa bato na hindi na kakain sa fast food kasama nila. "Noah, may f*******: ka?" dinig kong tanong ni Peter sa kapatid. Kahit nasa kusina, dinig at kitang-kita ko ang mga ito na nakasalampak sa sahig ng sala. Hindi nila magalit ang mga sofa dahil pina-ikutan ng mga ito ni Genesis ng caution tape. Ayaw niya raw madumihan ang mga sofa na nilinis niya kaya nagtiis nalang sa sahig ang mga kapatid. Mukhang sanay na rin naman sila. "f*******:? Librong may mukha? Astig yun, ah!" Psalm beamed. Napabuga nalang ako ng hangin. Para talagang mga taong bundok ang mga Crane na 'to at walang kaalam-alam sa mundo. "Book with a f*****g face? Are you kidding me? Where's the mouth, eyes, nose and eyebrows of this book?" kunot noong tanong ni Genesis habang sinisipat ng tingin ang hawak na libro. Seryoso ba talaga ang tokmol na 'to? Tss. Sayang talaga ang mga magkakapatid na 'to, gwapo pero mga baliw. Napalitan ng awa ang inis ko sakanila. Anong pagpapalaki ba ang ginawa ni Tito Jackal sa mga ito? "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin, eh. f*******:. A social media account that was developed by Mark Zuckerberg in February 4, 2004. f*******: is a way of making the world more open and connected" paliwanag ni Peter sa mga kapatid na siyang nagpanganga sa akin. Wow! May utak pala ang isang 'to! Masabitan nga siya ng medalya. "Saan mo naman yun nalaman?" tanong ni Noah. Pinakita ni Peter ang cellphone. "Google." Pambihira. Maniniwala na sana akong may alam ito pero gumamit lang pala ng Google. "Nasa f*******: ba si Dora?" inosenteng tanong ni Isaiah. This youngest Crane is really something. "Oo. Friend ko na nga siya, eh. Pati si Boots!" malaki ang ngiting hayag ni Peter. "Talaga? Sabihin mong maging friends din kami!" "Sige! Pero h'wag nating kaibiganin si Swiper. Bad 'yon!" Dora? Boots? Swiper? Pati ang negritang lakwatsera nadamay sa kabobohan nila. Naiiling na tinuon ko nalang ang attention sa niluluto kong spaghetti. I honestly don't know how to cook this but thanks to YouTube for guiding me on how to. Wala akong pasensya sa pagluluto pero bilang suhol sa paglilinis ng mga Crane, ginawa ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil hindi ko sila maindihan. They should be grateful. Kahit sobrang kahihiyan ang dinala nila sa akin sa araw na 'to, pinagluluto ko parin sila. Ang bait ko talaga, grabe. "Ay, peste, wala ng ketchup" bulong ko sa sarili nang naubos ang ketchup para sa sauce ng spaghetti. Inis kong tinapon sa basura ang walang laman na plastic ng ketchup at naghanap ng pwedeng ipamalit dito. Nakita ko ang bote ng Mang Thomas at iyon ang kinuha ko. "Pwede na siguro 'to" tumatango kong bulong at yung Mang Thomas ang hinalo ko sa sauce ngunit agad akong napangiwi nang nag-iba ang kulay nito. Naging brown. Kamag-anak ng ketchup ang Mang Thomas kaya siguro pwede na 'to. Basta may magawa akong Spaghetti. Bahala na sa kulay. "Timog, luto na ba 'yan?" tanong ni Noah. Nandito na pala ang isang 'to. Nakadungaw ito sa niluluto ko at puno ng pagkatakam ang mukha. "Malapit na. Pero mamaya pa kayo kakain." "Haaaa? Bakit?" sabat ni Psalm. Nakalapit narin ang ibang Crane. "Pero gutom na ako, Timog!" protesta ni Peter. "I'm f*****g done cleaning, yet I still can't eat my spaghetti?" asik naman ni Genesis. "Spaghetti! Spaghetti! Spaghetti!" Isaiah chant while clutching his stomach. Ano ba 'tong mga 'to? Hindi pa ba sila nakakain ng spaghetti? "Mamaya nga sabi, eh." "Bakit?" sabay-sabay nilang tanong. Napangisi ako sa naisip. "Maglalaba muna kayo."Wala na silang maisuot dahil wala na silang malinis na damit. Iyon ang konklusyon ko kung bakit lagi silang naka-topless. Mabilis silang sumunod. It's like the word spaghetti is a spell that made them follow all my command. Nandito kami sa likod ng bahay at sine-set na nila ang mga lalabhan. Limang kabundok na maruruming damit ang naka-linya at nilalangaw pa. Sa dami, hindi ko alam kung papaano nila ito matatapos. "Dammit! This is so f*****g gross! It smells so bad!" reklamo ni Genesis habang hinihiwalay ang di-color at puting mga damit. Kita mo, sobrang arte na isang 'to. Sariling mga damit pandidirihan. Sa lahat ng Crane, siya ang pinaka-gusto kong sapakin minsan, ang daming reklamo sa buhay. "Yeah, right. That's your clothes Genesis, and that's so f*****g ewww!" I mocked, imitating his annoying voice. He glared at me. "You, f*****g Witch! How dare you rule us here! This is our house for f**k sake!" I rolled my eyes. "Bahay ko na rin 'to dahil dito na ako nakatira! And for your f*****g information, I'm doing this for your f*****g sake!" pagmumura ko rin. Totoo naman. Sa tingin nila, magpapakahirap ako dito kung pwede naman akong magbulakbol nalang? I honestly do not care about them. Ang inaalala ko ay ang ama nila. Ginagawa ko ito para kay Tito Jackal, pambawi man lang sa kabaitan niya sa akin. Even if I did not agreed on his favor, I am already babysitting his sons.Wala rin naman akong choice na iba, nandito na ako. "Who really are you?" biglang tanong ni Genesis. Nakatitig siya sa akin na parang binabasa ang nasa isipan ko. I gave him my coldest look. Iyong klase ng tingin na kinakatakutan ng mga tambay sa amin. "Hindi mo gugustuhing malaman kung sino ako." Mukha namang nakuha nito ang gusto kong ipahiwatig dahil hindi na niya ako pinansin at tinuloy ang ginagawa niya. Mananahimik din naman pala. "Tangina mo, Psalm! Akin 'yan!" Bumaling ako kay Peter at Psalm na nag-aagawan sa isang... brief? "Akin 'to! Brief ko 'to! Kita mong may nakalagay na letter P! And that stands for, Psalm!" sabi ni Psalm at pinakita pa ang sulat na letter P. sa garter ng brief na hawak. King ina. Siya lang ba ang may pangalan na nagsisimula sa P? "Walang sa'yo, Psalm! Akin lang ang brief ko!" sigaw din ni Peter at inagaw ang brief kay Psalm. "Akin 'to!" Nag-tag of war silang dalawa sa iisang brief. Dahil mga isip-bata silang lahat, nakisali pa sa agawan sina Noah, Genesis at Isaiah. Nagamit. Na-agaw. Napunit. Iyan lang naman ang talambuhay ng kawawang brief. "Tangina, sayo na!" sabay hagis ni Peter kay Psalm ang punit-punit na underwear. "Sayo na! Ayoko na niyan!" sabi naman ni Psalm saka hinagis pabalik kay Peter ang brief. "Oh, sayo na daw Genesis!" at hinagis na naman ni Peter ang brief at sakto ito sa mukha ni Genesis. Pansin ko agad ang pag-daan ng tensyon sa dalawa. Hindi sila mapakali at agad natahimik. Dahan-dahan na tinangal ni Genesis ang brief sa mukha saka tinitigan ito. Then he turn his head and look at his two brothers who paled instantly. Hindi ko alam na takot sila kay Genesis. "Sagot ko na ang kape!" basag ni Noah sa katahimikan habang nagsasalin ng tubig sa plangana. "May nakita ako kaninang buy one get one na kabaong. Sagot ko na yun!" segunda naman ni Isaiah habang pinaghihiwalay din ang mga di-color at puting damit niya. "Tangina niyong dalawa diyan!" Peter scowled the two with a quivering voice. Pinagpapawisan siya kahit presko naman dito sa labas. Binalik ko ang tingin kay Genesis na may madalim na ekspresyon at masama ang tingin sa dalawang kapatid. Anong meron sakanya at natatakot sila dito? Hindi naman nakakatakot ang sama ng tingin niya. "South, tulong, please?" naiiyak na humingi ng saklolo si Psalm sa akin. Mga isip bata na nga, mga duwag pa. Bahala kayo sa buhay niyo. Ang dami kasing pwedeng pag-agawan iyong brief pa? "Itigil niyo na yan at simulan niyo na ang paglalaba. Walang kakain ng Spaghetti kapag hindi kayo natapos," sabi ko at wala pang isang segundo ay nagkukuskos na ang mga ito ng sariling mga damit. I smiled secretly. Mas takot parin talaga silang hindi makakain. I think, that's their greatest fear. Kahit isang araw ko palang nakakasama sa bahay ang mga Crane, marami na akong natuklasan na mga ugali nila. Hindi sila mahirap basahin pagdating sa emosyon pero may mga bagay pa rin akong pinagtatakahan. Katulad na lang iyong pagiging takot ni Peter at Psalm kay Genesis. Bakit? Ano bang meron sa maarteng tokmol na 'to? "Noah, anong gamit mong powder?" Dinig kong tanong ni Peter kay Noah. Imagine niyo ang mga itsura nila ngayon. Mga malalaking tao. Naka-topless at naka-form ng bilog sa sahig habang naka-upo sa bangkito at may mga plangana sa harapan nila. Nagkukuskos at nagpipiga ng sariling mga damit. Para silang mga nakatira sa Olympus Mountain at may mga asawang diyosa na inutusang maglaba. "Ariel. Ikaw ba?" tanong ni Noah habang kinukuskos ng mabuti ang damit niya. "Bonux. Maganda ba 'yang Ariel?" Piniga ni Peter ang kinuskos na damit at sinalin sa ibang plangana. "Oo. Affordable pa ang price. 7.50 lang sa tindahan." "Ganoon ba? Maganda rin naman 'tong Bonux. 3 in 1 pa. Hindi ko na ka-kailanganing gumamit ng downy dahil mabango na ito" pangungumbinsi ni Peter. -_____- Seryoso ba sila sa usapan nila? "Ikaw Genesis, anong gamit mong powder?" baling ni Noah sa kapatid. "Surf" maikling sagot nito habang nagpapatak ng Zonrox sa puting damit. "Maganda?" "Yeah. May free text pa." "Talaga? Astig - teka! Psalm! Ang daming mantia ng damit mo!" turo ni Noah sa damit ni Psalm. "Ayos lang 'yan" sagot naman nito. "Huh? Anong ayos lang? Bakit ano bang gamit mong powder?" tanong ni Peter. "Breeze. Sige sa mantia!" proud na sagot nito at pinakita pa ang gamit na sabon. These men... are they even real? Palipat-lipat ang tingin ko sakanila hanggang sa tawagin ako ni Isaiah. "Uhm... South, I think there's something wrong with my powder. Ayaw bumula, eh." Abala ito sa pagpapabula sa tubig niya pero ayaw bumula gaya ng sinabi niya. Ang ipinagtaka ko ay bakit parang gatas na sa puti ang tubig niya. "Ano bang ginawa mo?" lumapit ako sakanya at sinuri ang laman ng plangana niya. "Sinunod ko lang naman ang sinabi mong instructions, eh" inosenteng ngumuso ito. Nakakapagtaka naman ang kinalabasan. Anong nangyari? "Baka pangit ang ginamit mong powder? Sabi sayo na gamitin mo yung Tide, eh. Powder yun ni Bossing" sabi ni Psalm habang binabaliktad ang damit. "Pwede rin yung Champion. Walang halong chalk yun!" rekomenda naman ni Peter habang bina-brush ang mangas ng damit. "Or you can even use Calla, by Jodi Santa Maria" suggestion din ni Genesis habang pinapatakan ulit ng Zonrox ang ibang puting damit. "Bakit, Kaps? Ano bang gamit mong powder?" tanong ni Noah habang binababad ang panibagong set ng lalabhan. Ang bilis namang maglaba ng isang 'to. "Baking Powder." >____< Tangina. Kaya naman pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD