Chapter 7: Condom Boy

4278 Words
CHAPTER SEVEN _ Matapos maglaba ng mga Crane ay para silang mga batang bigla nalang sumalampak sa sahig ng sala at natulog. Mabuti nalang may carpet ang sahig kaya hindi sila masyadong nalalamigan. Naka-topless ba naman. "Tangina mo, Psalm! Spaghetti ko 'yan!" pag i-sleep talk ni Noah. "Mukha kang tae, Genesis!" pag i-sleep talk din ni Isaiah saka sinipa ang mukha ni Peter. Dumaing ang isa bago yumakap sa katabing si Noah. Natawa ako sa mga posisyon nila. Ang panganay ay nakahiga sa sahig at naka-unan sa binti ni Genesis. Si Genesis naman ay nakaupo at nakasandal ang likod sa sofa habang tulog. Si Peter ay nakayakap kay Noah. Si Isaiah naman ay naka-unan sa tiyan ni Psalm na nakadantay naman ang mga binti kay Peter. Kahit sa pag-tulog ang gu-gulo nila. A smile crept into my lips. Seeing these crazy men brought unexplainable feeling inside me. Wala pa akong 48 hours na nandito pero ang pakiramdam ko matagal ko na silang kasama. I just met them yesterday but they were able to make me feel at ease. These men are like a puzzle that's hard to put at peace. Challenging and exciting. Magaan ang loob ko sakanila na siyang nakakapagtaka. Siguro dahil naawa ako sa situation nilang magkakapatid. Mga walang ina at kulang ng aruga mula sa kanilang ama. Katulad ko. Magkakapareho kami ng mga Crane — ah, mali. Mas maswerte pala sila kesa sa akin. Parehas kaming mga walang ina pero hindi katulad ko, mahal sila ni Tito Jackal. Kulang sila ng aruga dahil busy ang ama nila pero ako kahit halos araw-araw kong kasama si Daddy sa bahay, hindi ko maramdaman ang pag-aaruga niya bilang isang ama. Instead I became his own prisoner. Prisoner of his own wrath. Apat kaming magkakapatid pero sa akin siya mas galit. Sa t'wing nakikita niya ako halos idura niya ako sa paningin niya. He hated me because I remind the root of his sufferings. Maswerte ang mga Crane dahil kahit walang ina — kahit magkakaiba ang ina, mahal sila ni Tito Jackal. Tanggap sila at malaya sila. Hindi katulad ko na kahit wala na sa puder ng ama, ramdam ko pa rin na bilanggo pa rin niya ako. Walang takas. "Hayss.." huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata. Nang magmulat, tinignan ko ang reseta ng gamot na hawak ko. Napulot ko ito kanina sa harap ng kwarto ni Isaiah. Mukhang nahulog niya. Tinawagan ko agad si Tito tungkol dito at nakompirma ko ngang kay Isaiah ito. Reseta ng gamot niya at ubos na rin ito. That means I need to buy his meds. Pambihira talaga! "I pledged to be a gangster, not to be a babysitter!" palatak ko bago naiiling na nagtungo sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba din ako agad at naabutan paring tulog na tulog ang mga Crane. Mukhang masyado silang napagod sa paglalaba. Alas kwatro palang naman ng hapon kaya medyo mahaba pa ang oras ko bago magluto ng hapunan namin. Oo, peste! Anong aasahan ko sa mga Crane? Malamang ako na ang magluluto ng kakainin namin. Pipihitin ko na sana ang door knob palabas ng pinto nang marinig na magsalita ang isa sa mga Crane. "South, saan ka pupunta?" boses iyon ni Isaiah. His voice were husky yet still sound innocent. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako pupunta dahil baka sumama pa ito at imbes na makabili ako ng gamot niya ay sa Hospital ko siya ide-deretso kapag tinupak na naman siya. Humarap ako sakanya ng walang emotion. "Sa impyerno, sama ka?" Ngumuso at umiling. "No, thanks. Mainit doon, walang aircon" aniya at natulog ulit. Ibang level talaga ang pagiging abnormal ng isang 'to. Bahala ka na nga diyan. Napailing nalang ako at tuluyan nang umalis. Makalipas ang kinse minutos ay nakarating din ako sa sakayan ng mga Jeep. Sa isang exclusive Village kasi ang bahay ng mga Crane kaya kailangan mo munang lumabas ng Village para makasakay ng sasakyang pampubliko. "SM! SM! SM! SAKAY NA! SM!" tawag ng konductor ng Jeep. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay. Ilang sandali lang ay naging punuan na at halos magkandungan na ang mga pasahero pero ang pesteng konductor, nagtatawag pa. "WALO PA! WALO PA! APAT SA KANAN, APAT SA KALIWA!" Isang pisngi na nga lang ng pwet ko ang naka-upo, nagtawag pa ng walo? "Ano ba 'yan! Siksikan na nga, eh!" reklamo ng mga pasahero. "Pa-usod naman diyan, ipit na ipit na ako dito!" Hindi na ako makahinga sa sobrang siksikan. Hindi naman ito ang unang sakay ko ng Jeep kaya sanay na ako pero minsan nakakabadtrip din ang mga konductor na walang puso. "Hala, Lola! Puno na po, eh." Napatingin ako sa pumasok na matanda sa Jeep. Mukhang naghahanap ito ng ma-uupuan pero dahil puno na nga talaga, bumaba nalang ito. Sighing, I called her back. "Lola! Dito nalang po kayo!" Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nagtatakang mukha pero bakas sa mga mata nito ang kagalakan. "Pero ineng saan ka naman uupo kapag diyan ako?" "Ako na po ang bahala doon. Dito na po kayo." Umalis ako sa pwesto at pinaupo ang matanda. "Salamat ineng." Ngumiti siya kaya ginantihan ko rin ito. At dahil sa wala na akong mau-upuan, wala na akong choice kundi ang sumabit sa jeep! May dalawang lalaking studyante ang nakasabit at nagtaka pa ang mga ito nang makita akong sumabit. This is not my first time too. Minsan gawain namin ito ni Atarah kapag kapos kami sa barya. Sumasabit sa jeep para libre sa pamasahe. "Miss, baka mahulog ka" sabi ng isang katabi kong nakasabit. "Edi saluhin mo ako kapag nahulog ako" bored kong sagot pero ang mukha ng lalaki namula. "Miss, sure ka ba talagang sasabit ka?" tanong naman ng isa. "Oo. Wala akong choice." Alangan namang kumandong ako sa driver. Masyado ng matagal kapag naghintay ako ng ibang sakayan. Bihira lang ang sasakyan dito. "OH, ANIM PA! ANIM PA DIYAN! MALUWAG PA SA KANAN!" sigaw ng konductor. Letse! Kung maluwag pa edi sana hindi na ako sumabit pa 'diba? Gagong konductor 'to. "King inang anim na yan! Nagkakandungan na nga ang mga pasahero nagtatawag ka pa ng anim?! Saan mo isusuksok ang anim na yun Kuya? ha?!" asik ko. Nakakainit din ng ulo 'to, ha. Mukhang natakot naman sa sigaw ko ang konductor kaya hindi na siya nagtawag pang muli at umandar narin ang Jeep. Tumingin ako sa dalawang katabi kong nakasabit nang marinig ko ang mga itong natawa ng mahina. "Ang astig mo, miss!" "Ikaw lang ang naglakas loob na sigawan ang konductor. Cool!" Napangisi ako. Astig ko na pala? "Hindi naman masyado." Mahigit bente minutos din ang tinagal ng biyahe bago ako nakababa sa Mall — iba 'to sa Mall na pinasukan namin kanina ng mga Crane. Banned na kami doon. Naisip kong bumaba muna dito para makabili ng mga personal na gamit at para na rin makahanap ng pwede kong gamitin pang-kontak kay Atarah. Pagpasok ko sa loob ng building ay nagtaka ako nang mapatingin sa akin ang ilang mga tao. Eyebrows frowning, I feel my face if I have some dirt on it — or maybe, they saw my familiar face. With that thought, agad akong yumuko at iniwasan ang mga tao. Hindi nila ako pwedeng makilala dahil paniguradong masisira lang ang araw ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako. Sa mga issue. Laging trending ang pangalan ko dahil sa mga eskandalong kinasasangkutan ko kasama si Atarah at ang gang. Hindi ako pwedeng mabalita ulit at baka katapusan ko na kapag nalaman ni Daddy. Mabilis akong bumili ng mga personal na gamit ko, kasama ang bull cap na siyang sinuot ko agad. Pagkatapos kong bumili, agad akong naghanap ng telephone booth at laking pasasalamat nang may makita. Agad kong tinawagan ang numerong kabisado ko at umasang sagutin niya. "Pick it up, Atarah.." I mumbled, watching my surroundings. Three rings before she picks up her phone. Nakahinga ako ng maluwag. Walang sumagot sa kabilang linya kaya ako na ang unang nagsalita. "Atarah, It's me.." I heard a loud gasped on the other line, then cusses. "f**k! Milagro? Ikaw ba 'yan?" I grunt on what she calls me. "Ako nga." Nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya kaya napataas ang kilay ko. Ano naman kayang ginagawa ng babaeng 'to? "f**k you, b***h! I've been contacting you pero hindi kita makontak! Alam mo bang pinasok ko pa ang mansion niyo para lang makita kita?" Napanganga ako. "Are you kidding me?" Pero malakas ang kutob kong hindi ito nagbibiro. Kilala ko si Atarah, kung basagulera ako, mas malala ang isang 'to. She's aggressive than me. "Tingin mo?" Kahit hindi ko nakikita ay alam kong pina-ikot niya ang mga mata. "Dalawang araw kitang hindi matawagan! At bilang isang magiting na bayani mo, pinasok ko ang bahay niyo para sana iligtas ka dahil akala ko tinali ka na ng ama mo at tino-torture naman ng bruhang si North!" Natawa ako. "Gaga, hindi. Babaliin ko muna ang mga buto nila bago nila ako mahawakan." "Yeah, right. Ikaw pa!" "What happened to you inside the house? Buti buhay ka pa." Mahigpit ang security ng bahay. Isang kilometro palang ang layo mo, amoy ka na ng mga mala-leon naming mga aso kaya nagtataka talaga ako kung papaano ito nakapasok. "Good question" I heard a munching sound on the other line. Tiyak na kumakain siya habang kausap ako. Wala ring manners ang isang 'to, eh. Hindi alam ang salitang 'Don't talk when your mouth is full.' "Nakaharap ko ang demonyitang si North at hinamon ako sa espadahan. Syempre pumayag ako. Gusto ko kasing saksakin ng espada ang lalamunan ng kapatid mong iyon, eh. Naiirita talaga ako sakanya!" Napangiwi ako dahil sa mga sinabi niya. Atarah and North hated each other. Tingin ni North walang kwenta ang mga kaibigan ko. Hindi niya alam na mas wala siyang kwenta kesa sa mga ito. "Oh? Nagawa mo ba?" Nagpakawala ito ng malalim na hininga. Alam ko na agad ang sagot. "Unfortunately, I failed! Damn that woman! Tuso iyang kapatid mo, eh! May balak pa atang chop-chop-in ako mabuti nalang maliksi ako at nakaiwas ako sa mga atake niya. Napaka-astig ko habang ka-dwelo siya blah blah blah..." She talked non-stop, bragged about her skills but end up groaning became she failed killing my sister. Ang lakas kasi ng loob na makipag-laban kay North, eh, Valedictorian ito sa sword fighting. She's an expert and I could not even defeat her. "Tangina ni North." Atarah grunted on the other line. Tumango ako bilang pagsang-ayon "Oo, tangina talaga niya, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag" sabi ko. Bigla siyang tumahimik sa kabilang linya pero ilang sandali nagtanong ito. "Teka nga! Sabi ni North pinalayas ka. Nasaan ka ba talaga?" Huminga ako ng malalim bago sumagot. "I'm in Hunk City." Nangunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang naka-suit na lalaking dumaan sa gilid ng telephone booth. Mukha silang mga body guards. Tindig pa lang. "Hunk — what?! Is there even a place like that?" "Yeah — don't know" bawi ko rin agad. "Damn! Pero teka, pinalayas ka talaga?" She asked curiously. "Pinatapon ako ni Ama." Nagkaroon ng mahabang katabi sa kanina linya pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla itong tumawa ng malakas. "HAHAHAHAHAHA! TANGINA HAHAHAHA!" "Kabagin ka sana!" I hissed. "Hahaha! Sorry naman! In-expect ko naman na mangyayari talaga sa iyo 'yan pero hindi ganitong kaaga!" "Tss." "Oh, eh, bakit ka napatawag?" tanong niya. Lumingon muli ako sa paligid bago nagsalita. "I need your help." "Basta ikaw, Milagro! Alam mo namang malakas ka sa akin. Should I inform the gang too?" sigurado akong nakangisi na ito ngayon. "No. Not yet. Ikaw lang ang kailangan ko muna." "Game!" Napangisi ako at sinabi na sakanya ang kailangan ko. Hindi nagtagal ay natapos din ang usapan namin. Bigla akong naihi kaya dumiretso muna ako sa comfort room bago ako bibili ng gamot ni Isaiah. Mabilis akong natapos at nang lumabas ako ng banyo, nakita ko sa labas ng panlalaking cr ang dalawang lalaki na napansin ko kanina habang kausap si Atarah. Nakatalikod sila sa gawi ko kaya umatras muna ako at medyo nagtago sa pader ng ladies room at sinikap na dininig ang usapan nila. Masama kasi ang kutob ko sa dalawang 'to. "Está seguro, que usted vio a la hija del Presidente aquí?" "Sí, la vi y estoy seguro, era ella." I don't understand any word aside from President. "Debemos repórtelo a señorita." Señorita lang ang naintindihan ko. "Bien." Matapos nun ay umalis na sila. Kunot noong lumabas narin ako sa pinagtataguan at sinundan sila ng tingin. What are they talking about? Pinilig ko ang ulo ko at hindi ko nalang inintindi kung sino ang mga yun. Baka nagkamali lang ako ng hinala. Kailangan ko na palang bumili ng gamot ni Isaiah. Pagkalabas ko ng building ay agad nangunot ang noo ko nang makitang madilim na. Mukhang napatagal ang pakikipag-usap ko kay Atarah kanina. I need to be hurry, paniguradong gutom na ang mga Crane. Wala sa loob ng mall ang gamot na hinahanap ko kaya kailangan kong pumunta sa ibang drugstore. Kaonting lakad lang ang ginawa ko pero parang pagod na ako. It's an eventful day with the Crane. Unang araw palang pagod na ako, ano pa sa mga susunod? Pagpasok ko sa drugstore ay agad akong nagtungo sa counter pero dahil may lalaking nakapila ay pumila din ako sa likuran niya. Binuklat ko yung reseta ni Isaiah saka pinilit na intindihin ang nakasulat pero hindi ko talaga maintindihan. Hindi ba kayang isulat ng mga doctor ng maayos ang mga gamot? Pambihira. "Uhm... Miss, p-pabili ng... condom." Naningas ako nang hindi sinasadyang marinig ang sinabi ng lalaking sinusundan ko sa pila. His back was facing me, I couldn't see his face but I saw how red his ears are. "A-anong f-flavor sir?" I wasn't surprised to hear the awkward voice of the cashier. "Uhm... ano ba yung newest edition niyo?" Newest edition? Anong klaseng tanong yun? Wengya, condom ba ang binibili nito o cellphone? Okay, South. Stop listening. "Ah, sir. Try niyo yung bago naming hot ang spicy flavor. Super hot sa pakiramdam yun, Sir." I don't want to hear any of it but they are conversing loudly. Hindi maiiwasang marinig. "Uhm... ano pa?" "Sweet and Sour flavor, sir." What the hell? "Wala na bang iba?" "Meron pa sir. Iyong chilimansi flavor, orange flavor at buko pandan. Meron din kaming cheese flavor, barbeque flavor and roasted beef chicken flavor, Sir." My cheeks felt burn hearing those flavors. What the hell? Condom ba ang binibili o nag-oorder ng pagkain sa restaurant. "Wala sa mga yun ang gusto ko, eh. Wala ba yung super newest edition niyo?" The guy demanded. Damn, matagal pa ba 'to? "Meron, Sir. Iyong bagong labas lang na condom. Sobrang mabenta yun ngayon dahil high daw sa pakiramdam." I swallowed and distract myself. These two are oblivious of the other customers. Hindi nila alam na may naiilang na sa usapan nila. "Talaga? Ano yun?" "Iyong rocky road, sir." "Pero meron din kaming bago ngayon sir, pulka dots!" My God. Ngayon lang ako nakarinig ng pulka dots na condom. Bakit ba ang tagal nilang mag-usap? Baka pag-uwi ko naghihingalo na si Isaiah dahil wala pa akong nabibiling gamot niya. "Ayun! Iyon na lang!" Hays! Buti naman! "Okay, Sir. Eto na po." Akala ko okay na nang i-abot na ni ateng cashier ang binili ng lalaki pero nagkamali ako. "Uhm... miss?" Hirit pa nitong lalaki. "Yes, sir?" Sinilip ko ang cashier para makita kung matagal pa ba sila pero napansin ko ang titig niya sa mukha ni condom boy. Hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki dahil nasa likuran niya ako. Mukha ngang hindi siya aware sa pila sa likod niya, eh. "Uhm... ano... kasi.." Ano naman bang problema nitong lalaking 'to? Anong oras na! Hindi pa ako nakakapag-saing! Paniguradong gutom na gutom na naman ang mga Crane. "Sir?" Humugot ng malalim na hininga itong si condom boy bago nagsalita. "M-meron ba kayong fitting room? Pwede ko bang i-sukat 'to?" What the heck?! The cashier's face reddened, so do I. Just what the heck? S-sinusukat ba talaga ng condom kapag binibili? Oh, my innocent mind! "W—w-wala sir.." "S-sige, hehe! Kalimutan mo na ang mukha ko, okay? Kunwari hindi ako nagpunta dito!" Nagmamadaling umalis si condom boy ngunit sa pag-ikot niya ay nabunggo niya ako dahil nasa likuran niya lang naman ako. Mabuti at na balance ko kaagad ang sarili kaya hindi ako natumba. "S-sorry, miss — " Matangkad ito kaya kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya at natagpuan itong nakanganga habang nakatitig sa akin. Kumurap-kurap ako dahil baka nagha-hallucinate lang ako pero, langya! I cussed mentally when I take in his forest green eyes, pointed nose, plump lips and well-structured jaw. Damn. I'm indeed in Hunk City. This guy is a solid proof of that. Buong akala ko ang mga Crane brothers na ang biniyayaan ng perpektong mukha pero hindi pala. Meron din pala dito sa botika! "Uhm... miss?" My dreamy face was cut short when the cashier called out while waving her hand in front of me. Mukhang kanina pa ako nakatulala dahil pansin ko ang iritasyon sa mukha nito at pagtingin ko sa nakabunggo sa akin, wala na siya. Naka-alis na si condom boy. Phew! Na starstruck ako doon, ah! Gwapo na sana mukhang condom nga lang. "Anong sa'yo miss?" Binigay ko sakanya ang reseta ng gamot ni Isaiah. "May RiteMed ba nito?" Dalawang oras na akong nag-aantay ng masasakyan pero sa kamalas-malasan, wala man lang dumadaan dito. Damn, what time is it? Paniguradong hinahanap na ako ng mga Crane. Tiyak na gutom na rin ang mga iyon. "Tss, no choice!" bulong ko sa sarili at nagsimula nang maglakad pa-uwi. May kalayuan pero okay na 'to kesa ma-stuck ako sa kakahintay ng masasakyan. Sana lang pag-uwi ko madatnan ko pang buhay ang mga Crane. Mahigit sampung minuto na ata akong naglalakad ng mapansin na walang ng ka-tao-tao ang paligid. Gabi na rin. Sa paglalakad, napadaan ako sa isang makitid na daan papuntang eskinita. Lalagpasan ko lang na sana ito ngunit nakarinig ako ng mga sigawan at kasabay nito ay pag-daing ng kung sino mang nasa loob nito. With years experience as a gangster, this sound trouble. And to feed my curiosity, I trek carefully along the alley. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng excitement. It's been days? Yeah. The last time I felt this kind of excitement is when Atarah and I beat up the Senator's son and his gang. It was a boring fight, so I'm hoping this one could give me a blast. Malakas ang kutob kong may adventure ako ngayong gabi. Hindi pala masasayang ang paglalakad ko. My hunch was confirmed when I saw group of men surrounding a limping guy. I shook my head in disappointment. One guy versus six men. This is so boring. "Ano?! Nasaan ang angas mo ngayon, ha?!" sigaw ng isang lalaki. Despite the dim light from a post light, I was able to see their faces. This one has piercing on his lips. He punched their victim making the poor guy fell on the ground, groaning and coughing with blood. "Wala ka pala, eh! Lampa! Ang lakas ng loob mong hayop ka wala ka naman palang binatbat!" sigaw ng kasama ng lalaki saka sinipa naman sa sikmura ang biktima nila. Depositing the stuff I bought on the ground, I leaned against the wall and crossed my ankles together as I watch these men bully the guy, comfortably. "Hindi ka lalaban?! Akala ko ba malakas ka?! Bakit ang lampa mo?!" another guy shouted then kick the guy on his leg. "Argh!" daing ng biktima nila habang sapo-sapo ang nakasaktang katawan. The guy was facing his back on me so I couldn't see his face. Pero ang mga nam-bubully sakanya, malinaw sila sa paningin ko. "Ilabas mo ang tapang mo ngayon! Tangina ka! Ano? Lumaban ka!" another guy kicked his face. Mga walang kwenta. Akala ko exciting 'to pero mukhang masasayang lang ang pagpunta ko rito. "Lumaban ka! Ilabas mo ang angas mo ngayon!" They kicked his face again and even in the dim light, I saw blood spurted out from his lips. Pinagsisipa nilang lahat ang biktima pero kahit gaano karaming sipa ang natatamo, pilit pa ring binabangon ng biktima ang sarili niya. Matigas din ang isang 'to. Kung ang isang ordinaryo at mahinang tao, isang sipa palang ay tulog na agad ito. Nakakapagtaka naman na may ganitong klaseng lakas at resistensya ang isang 'to. "Lumaban ka!" He fell on the ground again after a hard kick on his side. "Ano?! Tumayo — " "Tsk." Napailing ako sa sobrang pagkadismaya. This is so boring. How I regret coming here. Sana pala dumiretso na ako pa-uwi. The men stopped and everyone turn their heads at me with wide eyes and lips parted open. "Sino ka?!" someone growled at me Humikab ako bago sila bagot na tinapunan ng tingin. Inaantok na ako tapos wala pa akong kain. Speaking of kain — nakakain na kaya ang mga Crane? I shook my head, bakit ko nga ba sila inaalala? I shouldn't care about them. Pakialam ko ba kung kumain na sila? Dapat sarili ko lang ang iniisip ko. With that self conviction, I turn to the men. "Ako si Wonder Woman" sagot ko sakanila. They looked at each other then... "Hahahaha!" "Wonder Woman, daw! Hahaha!" "Ang pangit na pala ni Wonder Woman ngayon? Hahaha!" What the hell?! King inang mga gagong 'to, ah! Ako, pangit? "May mga unggoy na palang tumatawa ngayon?" I feigned shocked. "Aba't! Gago kang babae ka, ah!" someone shouted at me "Gago ka rin!" "Ang tapang mo! Isang buga lang sayo tumba ka na, eh!" Aba! Hinahamon talaga ako ng mga kumag na 'to. "Tumba talaga ako lalo na kapag mabaho ang hininga mo!" "Ang lakas ng loob mong babae ka! Akala mo kung sino kang matapang!" "Matapang talaga ako. Ako si Wonder Woman, 'diba?" I smirked. "Oh, siya! Ikaw na si Wonder Woman, ako naman si Hulk!" the piercing lip man showed his skinny arm. "Ako naman si Captain America!" deklara naman ng isang kasama niya at pinulot pa ang takip ng basurahan at ginawang panangga. Katulad ng shield ni Captain America. "Ako si Iron Man!" The third guy declared with his one hand raised and the other one is on his waist. "Ako si Spiderman!" the fourth man mimicked a Spiderman move. Palm out as if producing a web. "Ako si Thor!" the fifth man showed his rib. Kadiri. "Ako si Captain Barbell!" Sabay-sabay kaming tumingin sa pang-anim na lalaki. We gave him a flat look. "Gago ka, pre! Justice league ang binubuo namin!" "Oo nga! Mga imported na superheroes kami dito! Captain Barbell ka dyan! Ang cheap mo, ha!" "Wala, pre! Ang cheap mo pala!" His friends mocked him. "Idol ko si Captain Barbell, eh!" nguso nito. Napabuga ako ng hangin. "Tigil niyo na nga 'yan! Ikaw nalang si Superman, oh ano? Okay ka na dun?" I offered. Napaisip naman ang gago. "Ayoko. Labas ang brief niya, eh! Hindi ba talaga pwedeng si Captain Barbell nalang?" He bargained. "HINDI!" we said in unison. Ngumuso ang lalako at nilagay ang hintuturo sa sintido na parang nag-iisip. "Bilisan mo ang mag-isip! Bobo nito!" "Oo nga! Bobo mo, pre!" sabay-sabay na sabi ng mga kasama niya. "H-hindi ako, bobo! 74 nga ang grade ko sa Filipino!" he defended "Bobo ka nga! 75 yung akin!" "Mas mataas parin ako kesa sainyo sa Math! 73 ako!" The sixth guy smirked proudly. Nagkatinginan ang lima saka ngumuso. "Mas mataas nga siya mga, pare. 70 lang ako sa Math, eh" the second guy sulk. Then his friends followed. "Ako naman ay 71." "69 yung akin." "72 ako. Isang points nalang sana tabla na kami." Are they even serious? Proud na sila sa mga grades nilang 'yan, ha? Wala pa nga sa pasang awa. Buti pa ako 88 ako sa Math. But I won't bragged about that. "Argh!" We all turned to look at the beaten guy on the floor. Tinaas nito ang kanang kamay saka nag-angat ng tingin sa amin. Teka! He looked familiar. "A-ako... 75 ako sa Math.. " nahihirapang aniya. "Ang yabang mo talagang, gago ka! Sinisigurado ko sayo 76 na ako sa next grading period!" sigaw ng isang nambugbog sakanya na agad sinang-ayunan ng mga kasama. "Ako rin! Tatalunin kita sa Math, gago!" "Mga dude, may quiz tayo bukas sa Math. Tara na nang makapag-review tayo para matalo natin ang mayabang na yan!" "Oo nga! Tara! Magpapaturo pa ako kung papaano mag-addition sa kapatid ko!" "Ako din. Mahina ako sa subtraction, eh." "Ako naman ay mahina sa dibided." "Ito ang tandaan mong gago ka! Sa susunod na magkikita tayo! Mas mataas na kami sa Math!" sabi ng anim saka tinalikuran kami at umalis na. Na-alarma ako. What the f**k? Yun na yun? Damn. Nasaan na ang bakbakan? We are supposed to beat up each other, right? Pero bakit na sila umalis? Letse naman, oh! Wala na ang adventure ko sa gabing ito! Kainis! "Argh!" daing ng lalaking binugbog nila. Buhay pa pala ang isang 'to. Nagpakawala ako ng hininga bago ito nilapitan. Wala akong puso pero ayoko namang iwan 'to dito ng mag-isa. "Hoy! Mamamatay ka na ba o ano?" tanong ko sakanya at tinapik ito sa balikat. Nanghihinang humarap siya sa akin. I gasped when I realized who he was. "N-naghihingalo pa lang naman.." he muttered. "Condom boy?!" Damn! He looked like a mess. Sayang naman ang mukha nito. Pinagtaka ko ang biglang pag-ngiti niya. His teeth was covered with blood so I grimaced. "H-hi... Wonder Woman.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD