CHAPTER EIGHT
_
Mabilis ang takbo ng araw. Akalain mong mag-iisang linggo na ako sa mga Crane? Unbelievable, right? Hindi rin ako makapaniwala. Sinong magsasabi na magagawa kong matagalan at pakisamaan ang mga isip batang mga 'to. They are the worst. Pero sanayan sa ugali at pag-iisip lang ang kailangan para matagalan mo sila.
Sa loob ng isang linggo, ganoon ang ginawa ko. Sinanay ang sarili sa mga pagiging baliw nila. Ganoon din sila sa akin.
"Kumusta ka na dito, iha?" tanong ni Tito Jackal.
He's here to check on me. Aniya, titignan niya raw kung hindi ko pa napapatay ang mga anak niya. Mukha ba akong killer para patayin ang mga siraulo niyang mga anak? Well, muntikan na pero at least napigilan ko.
"Maayos naman... sa ngayon" napangisi ako sa huli.
Tito Jackal took in a deep breath and I wonder why he's looking at me intently. Tinaasan ko ito ng kilay. Ano naman kaya ang problema ng matandang 'to?
"Tinatanong sa akin ni Gideon kung maayos ba ang lagay mo rito" he said after a long silence.
I laughed without humor. Talaga lang, ha? I doubt it. Tiyak na inaalam niya lang kung may kagaguhan na naman akong ginagawa.
"So far, wala pa akong nababaling buto ng mga tao. Tell that to him." Nagtagis ang bagang ko. Hindi agad nagsalita si Tito pero ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpatindig balahibo ko.
"South, you have to go back to school."
Am I hearing it right? Babalik ako sa school? No way! I hate school and I won't go back to study. I don't need it. Matalino na ako at hindi ko na kailangang mag-aral.
"You know how much I loath going to school, Tito, so it's a no. Hindi ako babalik sa pag-aaral."
School is the best definition of boring for me. Subjects and Teachers are annoying and the students, are a pain in the ass. Ayokong makakita ng mga studyanteng matataas ang tingin sa mga sarili.
Malalim na bumuntong hininga ito saka ngumuso. Grimacing, I looked away. Mukha siyang pato.
"It's an order from your father, South."
Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko kaya para akong nasisiraan ng bait na tumawa. Nangangati ang mga kamay kong magdampot at magbasag ng mga bagay.
I look at him, he swallowed upon seeing the hatred in my eyes. "Una, pinatapon niya ako dito kasi kinahihiyan ako bilang isang anak. Second, he blackmailed me, and third, he confiscated all my money! And now, he wants me to follow his order? Masisiraan na ako ng bait, Tito! f**k him! I f*****g hate him!" puno ng hinanakit at galit na sigaw ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa matinding paghihinagpis. Sumu-sobra na siya. Wala na nga ako sa puder niya pero hawak pa rin niya ako sa leeg. Kailan ba siya titigil? Hanggang kailan ba niya ako pahihirapan?
Tito Jackal's eyes softened. He reached my hand and gently squeezed it to calm me down.
"Naiintindihan kita, iha. Kahit ako naiinis na kay Gideon pero kailangan mo siyang sundin, or else... " he trailed.
Pagak akong natawa. "Or else, what?"
"He will not let you see your mother."
Nanigas at napanganga ako. Gusto kong umiyak sa galit pero hindi ko kaya. Ubos na ata ang mga luha ko.
"Hanggang kailan ba niya gagamitin ang panakot na yan sa akin, Tito? Alam na alam niya kung ano ang kahinaan ko."
My father is always like that. Kapag alam niyang papalag ako gagamitin niya ang alas niya laban sa akin. Gagamitin niya iyon para mapa-amo ako. Napaka-sama niya talagang tao. He's using my mother against me. My biological mother. Our real mother.
"I know, iha, but let's just follow his orders, okay? You have to go back to school. Para rin naman sa'yo yun" Tito Jackal advised.
Umiling ako at walang emosyon siyang tinignan.
"I won't go back to school and tell that on his face. Hindi na niya ako madadala sa pananakot niya sa akin!" I won't succumb to his orders again. Kapag sumunod ako sakanya tiyak na tatawa lang ito dahil alam niyang nahuli na naman niya ako. No, I won't give him that satisfaction. I'll fight him.
He blackmailed me once, hindi na mauulit yun ngayon.
"Pero, iha —"
"I don't want to talk about it, Tito. Stop or else papalayasin kita ngayon din" salansan ko sa iba pa niyang sasabihin.
The old man pouted his lips and batted his eyelashes, cute on his belief, but disgusting on my eyes.
"Ang bad mo, isusumbong kita sa mga junakis ko!" he threatened.
"Edi magsumbong ka!" Akala naman niya takot ako sa mga tokmol niyang anak. Isang tingin pa nga lang tiklop na ang mga Crane, eh. Speaking of, may bigla akong naalala. Tumingin ulit ako kay Tito. "May tanong nga pala ako, Tito. Tungkol ito sa mga anak mo," I began.
Lumingon ako sa mga Crane na nasa sala at abala sa paglantak sa Ice Cream na pasalubong sakanila ni Tito. Tig-isang gallon sila at wala pang ilang segundo ay nangangalahati na sila. Mga patay-gutom talaga ang mga isip bata na 'to.
"Sure thing, iha. Ano yun?"
Binalik ko ang tingin kay Tito. I wet my lips and ask straight to the point.
"Nag-aaral ba ang mga anak mo? No offense, ha. Bakit ang bopols ata nila?"
They are clueless and innocent in a lot of things so I'm wondering if they are attending school or just stuck here in their house. Mukha silang matitino in one look, but look twice and you will see how stupid they are.
"Hahahahaha!"
It looks like the apples haven't fallen far from the tree.
May sayad din ang ama nila. Tumawa ba naman bigla? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, unless, na-realize niya na bobo nga talaga ang mga anak niya kaya siya natawa.
"Sige, Tito, tawa pa. Kita ko na kulay itim mong ngala-ngala" sabi ko saka kumagat sa tobleron. Pasalubong sa akin ni Tito. Akala mo naman galing sa ibang bansa kung mamigay ng mga chocolates.
"Grabe ka naman! Hindi ba pwedeng kulay blue? Hehe, favorite color ko kasi yun."
Muntikan akong mabilaukan.
Magtaka ka kung may color blue na ngala-ngala. Utak din nitong si Tito, hindi na talaga ako magtataka kung kanino nagmana ang utak ng mga anak niya.
"Whatever, Tito. So ano nga? Nag-aaral ba ang mga anak mo? I-enroll kaya natin sila sa kindergarten?" suggestion ko. Seriously, they badly need to study. Sila dapat ang mag-aral at hindi ako.
Ngumisi ng malaki si Tito. "Of course, nag-aaral sila! Kung hindi mo naitatanong, South, matatalino ang mga anak ko. Top 1 silang lahat sakanilang mga klase."
Weh?
Matatalino?
Top 1?
You've got to be kidding me!
"Nakakatawa yang joke mo Tito" tumawa ako pero natahimik din agad nang makitang nakangiti siya ng malapad.
Lumingon ako sa mga anak niya na dinidilaan na ang gallon ng Ice Cream. Wala sa itsura nila ang matatalino. Sa loob ng isang linggong kasama ko sila, hindi ko pa sila nakitaan ng katinuan.
Kabobohan pwedeng-pwede pa. Top 1 sila diyan para sa akin.
"Oo nga, South."
"Weh?" Napanganga ako.
"H'wag mong sabihing hindi ka naniniwala?"
Sino bang maniniwala?!
"Hindi nga po."
Bumuntong hininga ito saka kinuha ang libro sa ilalim ng coffee table at inabot sa akin.
Anong gagawin ko sa libro na 'to? Mukhang nabasa ni Tito ang nasa isip ko dahil sumagot ito.
"Go and ask them anything about that book." Confident na confident ito.
"Are you sure?"
Malaki ang ngiting tumango siya. "Ang mga anak ko ay best in science mula pa fetus," proud na proud na sabi nito.
Talaga lang, ha? Hmm... ma-try nga. Binuklat ko ang libro saka lumapit sa mga Crane.
"Hoy, mga tokmol! Makinig kayo, kita niyo itong librong 'to? Ano 'to?" tanong ko sakanila saka pinakita ang hawak.
Nagkatinginan sila saka binalik ang tingin sa akin.
"Science 'yan, Timog. Hindi ka ba marunong magbasa?" inosenteng tanong ni Noah.
The heck?
"Alam ko! Anong akala niyo sa akin bopols na katulad niyo?" Ibang klase talaga.
"Nagtanong ka kasi. Malay namin." Aba nga naman.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili bago nagsalita ulit sa harapan nila. "Let's have a deal, Crane brothers. Magtatanong ako ng tungkol sa science at kapag nasagot niyo ng tama, ipagluluto ko kayo ng spaghetti!" I bargained.
Agad nagningning ang mga mata na parang iyon na ang pinaka-magandang narinig nila sa tanang-buhay.
"Sure!"
"Game ako diyan!"
"Deal!"
"Sige ba!"
"Spaghetti! Spaghetti! Spaghetti!"
Kita niyo na? Basta pagkain, eh. Tignan lang natin kung makasagot kayo sa mga itatanong ko.
Naupo ako sa single sofa saka nagdekwatro. Mabilis naman na nagsi-upuan ang mga Crane sa sahig sa harap ko. Mukha tuloy akong mag-i-story telling sa mga maliliit na bata. Psh!
"What is Science?" nakangising panimula ko.
Pero agad napawi ang ngisi ko nang mag-unahan silang nagtaas ng kamay.
"Ako!" si Noah.
"Me!" sigaw ni Genesis.
"Ako! Ako! Ako!" atat na nagtaas ng kamay si Peter.
"Akooooo!" Psalm shouted excitedly.
"Ako, Teacher! Alam ko ang sagot!" nakangiting sigaw ni Isaiah.
Natawag pa akong Teacher pambihira.
Gulat ko silang tinignan. I looked at Tito Jackal who's grinning proudly.
"O sige, ikaw nga Noah?" turo ko sa panganay.
Tumayo siya na tila isang masunuring estudyante saka sumagot.
"Teacher Timog, science is the intellectual and practical activity encompassing the systematic study of the structure and behavior of the physical and natural world through observation and experiment."
*laglag panga*
o....ryt.
Nanlalaki ang mga matang binasa ko ang nasa libro at napalunok nang sakto sa nakasulat dito ang sagot niya.
Okay, South. Naka-tiyamba lang siya! pagpapakalma ko sa sarili.
"V-very good.." Malaki ang ngiting bumalik siya sa pagkakaupo. Nilipat ko sa ibang pahina ang libro saka naghanap ng mga pwedeng itanong.
"I told you, iha. Matatalino ang mga anak ko" sabi ni Tito sa gilid na may hawak pang banner na may nakasulat na 'Go! Mga Anak!'
Hindi ko nalang siya pinansin.
"What is Atom?" baling ko sa mga Crane.
Nag-unahan na naman silang nag-taas ng kamay. Parang napasubo ata ako bigla dito, ha?
"Ako! Teacher Timog!" sigaw ni Peter.
Hindi ko pinansin ang tinawag niya
"O siya, ikaw Peter."
Tumayo rin ito at ngumiti sa akin ng malaki. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Atom is a fundamental piece of matter. An atom itself is made up of three tiny kinds of particles called subatomic particles: protons, neutrons, and electrons. The protons and the neutrons make up the center of the atom called the nucleus and the electrons fly around above the nucleus in a small cloud. The electrons carry a negative charge and the protons carry a positive charge. In a normal (neutral) atom the number of protons and the number of electrons are equal. Often, but not always, the number of neutrons is the same, too."
I checked if my jaw is still intact. Good.
Hingang malalim, South! Langya, si Peter ba talaga ito? Nasaan na yung Peter na shunga-shunga? Iyong Peter na bopols?
"S-sige, upo ka na.." Napalunok ako.
"Nasaan ang very good ko, Teacher?" he demanded.
"V-very good.."
"Teacher Witch! I will be the one to answer your next question" sabi Genesis. Confident na confident ito na tama ang isasagot niya sa itatanong ko.
Ang yabang talaga ng isang 'to. Tignan natin kung makasagot ka. Nilipat ko sa ibang page ang libro at naghanap ng mas mahirap na tanong.
"What is Neuroplasticity?" Nginisian ko siya.
Maangas itong tumayo saka namulsa pa sa harap ko. Umiwas ako bigla ng tingin dahil bukod sa naka-topless na naman silang lahat ay nailang ako bigla sa uri ng tingin niya sa akin. Sa lahat ng mga Crane, kay Genesis ako hindi masyadong komportable. It feels like every time he looks at me, he's promising to punish me.
"Neuroplasticity. A general term used to describe the adaptive changes in the structure or function of nerve cells or groups of nerve cells in response to injuries to the nervous system or alterations in patterns of their use and disuse... am I correct, Teacher Witch?" He asked arrogantly.
Ang yabang talaga!
Umirap ako at hindi siya sinagot. Nilipat ko nalang sa iba ang pahina ng libro.
"Next. Psalm. What is Acetylcholine?"
Tumayo sa Psalm saka nagkamot ng ulo. Ngumuso pa ito kaya napangisi ako. Ito na! Hindi niya alam 'to for sure. Sinasabi ko na ngang tyamba lang ng tatlong nauna, eh.
Pero ganoon nalang ang panghihinayang ko nang sumagot ito.
"Acetylcholine is a neurotransmitter active both in the brain, where it regulates memory and in the peripheral nervous system, where it controls the actions of skeletal and smooth muscle."
Fuck! Mukhang malapit na akong maniwala kay Tito na matatalino nga ang mga anak niya.
"Isaiah?" tawag ko sa bunso. Tumayo naman ito agad saka ngumuso sa akin.
Sa lahat ng Crane kay Isaiah ako nabobobohan talaga. Remember? Mga basic things nga hindi niya alam. May notebook pa nga siya ng mga bagong kaalaman na natututunan niya kaya malakas ang kutob ko na hindi ito makakasagot.
"What is a Second Messengers?"
Mas lalong humaba ang nguso niya saka tumingala sa kisame na parang naghahanap doon ng sagot. Ilang sandali lang ay binalik niya ang tingin sa akin tapos tumingin sa mga daliri niya. Ginalaw-galaw niya ito saka... nagbilang?
What the hell is he doing? Ang weird talaga ng isang 'to.
"Second Messengers is an uhm... uhm... Substances that trigger communications among different parts of a neuron. These chemicals play a role in the manufacture and release of neurotransmitters, intracellular movements, carbohydrate metabolism, and processes of growth and development. The messengers' direct effects on the genetic material of cells may lead to long-term alterations of behavior, such as memory and... uhm... drug addiction."
Hindi lang panga ang nalaglag, pati eyeballs ko!
Si Isaiah ba talaga 'to? Nasaan na yung sobrang bobong si Isaiah?
Nanghihinang napasandal ako sa inu-upuan saka hindi makapaniwalang tinignan ang mga Crane. Bakit ang talino ata nila bigla?
Nasaan na yung mga bobong crane na nakakasama ko?!
*clap*clap*clap*clap*
"Mga anak ko 'yan! Woohoo! Ang tali-talino niyo talaga mga junakis! I'm so proud of you guys!" sigaw ni Tito habang tumatalon-talon pa.
Maling-mali pala na inakala ko na bobo ang mga Crane.
O baka naman may kudigong tinitignan ang mga 'to? Sinuri ko ang paligid at naghanap ng possibleng kudigo nila pero wala naman akong makita.
"Hehe Teacher Timog, magluluto ka na ba ng Spaghetti?" excited na tanong ni Noah.
Tinignan ko siya ng masama.
"Mamaya! May mga itatanong pa ako!"
Hindi parin talaga ako kombinsido na matatalino talaga ang mga 'to. Naniniwala parin ako na naka-tyamba lang sila.
"Okay, pero Spaghetti later, ha?"
"Deal 'yon, Timog. H'wag kalimutan." Peter smiled.
"Don't you dare break the deal, Witch. We are going to answer all your easy questions in exchange for spaghetti" mariing sabi ni Genesis.
Anong akala nila sa akin, hindi tumutupad sa deal?
"Oo, na! King inang mga tokmol na 'to" hindi ko maiwasang mapa-mura
Bigla akong tignan ng masama ni Genesis na kinagulat ko. He even clenched his jaw like he's irritated or something. Ano na naman bang problema niya?
"Don't you dare cuss, witch!" he growled at me.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I cuss whenever I want, Genesis. Wala kang magagawa dun."
Pati ba naman pagmu-mura ko po-problemahin niya? Astig din eh, 'no?
"You're a girl! It's so unlady of you cussing like a man! Wala ka man lang kadese-desente!" singhal niya sa akin.
"It's none of your freaking business! Cussing is my language! Wala kang pakialam!" I retorted.
Bakit hindi nalang din siya mag-mura kung gusto niya? Ang laki talaga ng problema ng isang 'to.
"You are really a Witch! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw nito at nag-walk na at umakyat sa kwarto niya.
Napanganga ako. Hindi lang ako ang nagulat, maging ang mga Crane na naguguluhan sa inakto ng kapatid nila.
What the hell was that?
Mukhang hindi na kay Isaiah ako mawi-wierdu-han, kay Genesis din. Iba din kasi ang klase ng tupak niya.
"Tito, may na-inom bang expired na gamot ang anak niyong yun kaya ganun ka-weido ang utak?" baling ko kay Tito.
Ngumuso ito at kunwaring nag-isip pa. Pambihira.
"Wala naman. Pero iyong Ice Cream na pinakain ko sakanila, expired na yun."
What the...
"Ahhh! Kaya pala masarap!" sabay-sabay na sabi ng mga anak.
I slapped my hand on my forehead and dragged it down my face. Buti nalang hindi ako kumain ng Ice Cream. Iyong tobleron lang na binigay sa akin ni Tito kanina.
Masarap nga yun, eh. Matamis na maasim. Kakaibang chocolate.
"Oh, before I forgot. Pati pala 'yong tobleron mo, South. Expired na rin."
Tang...ina...
"Noah, may nakita akong armalite kanina sa bodega. Paki-kuha, please?" Hinilot ko ang kumirot na sintido.
Agad nanlaki ang mga mata ni Tito at nanghihinlakutang tumingin sa akin. Mukhang alam na niyang katapusan niya ngayon.
Humakbang ito paatras habang lumulunok.
"South... iha... he he."
"South, nakahanda na ang canon ball. Susugurin na ba ang kalaban?" tanong ni Peter at naka-position pa na parang sasabak sa giyera.
"Ge."
It was like a spell. Pagkasabi ko ay biglang nag-transform ang sala into a battlefield.
Naulit na naman ang nangyari. Nabasag na naman ang bagong bili kong lamp shade. Iyong mga flower vase na ang mamahal ng bili ko, kung saan-saan tumatalsik.
"RATATATATATATATATATAT!"
"BOGHSSSS! BOGSHHHH!"
"FIRE IN THE HOLE!"
"BRATATATATATATATATATATAT!"
"TUUUGSSHNYAW!"
"BOOM! BOOM! BOOM!"
"South! Tumabi ka diyan! Baka matamaan ka ng fire ball ni Guko!" siga ni Isaiah habang umiiwas sa pagbato sakanya ni Tito ng mga throw pillow.
"Hindi ako si Guko, Junakis!" sigaw ng ama.
"Hala! Sino ka? Ako kasi si Piccolo!" sabat ni Psalm.
"Hehe, ako si Pikachu ng pokemon! Picapi! Pikachu!"
Mas lalong kumirot ang sintido ko.
Kawawang, pikachu na 'yan. Nadamay pa.
"RATATATATATATATAT!"
Umilag ako nang may wall clock na papunta sa direksyon ko. Binuklat ko nalang muli ang libro ng science.
"Psalm, what is chromosome?" tanong ko sa gitna ng sagupaan nilang mag-aama.
Tumigil ito sa akmang pagbato ng tsinelas kay Tito saka tumingin sa akin.
"Chromosome is a threadlike structure of nucleic acids and protein found in the nucleus of most living cells, carrying genetic information in the form of genes." At nang matapos ay tinuloy na nito ang pagbabato.
Peste!
"BOOM! BOOM! BOOM!"
"RAKATAKATAKATAKKATAK!"
"LEVEL 2! ATTACK!"
Nilipat ko sa ibang pahina at tumingin kay Isaiah na gumagapang sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa ulo.
"Isaiah, what is genetics?"
Tumigil ito sa pag-gapang at ngumuso.
"Genetics is the study of genes, genetic variation, and heredity in living organisms. It is generally considered a field of biology, but intersects frequently with many other life sciences and is strongly linked with the study of information systems... Waaahhh!" sagot niya at nagpagulong-gulong na nagtago sa ilalim ng sofa.
Oh my God! Nagkamali nga ako.
Matatalino nga talaga sila.