CHAPTER NINE
_
"South, ang sarap talaga ng spaghetti mo!" masayang sabi ni Psalm habang sinisimot ang plato niyang may sauce ng spaghetti.
"Oo nga, kakaiba pa. Spaghetti na kulay brown, astig!" namamanghang komento naman ni Noah.
"Timog, ano bang ginamit mong sauce? Ang sarap kasi" nagningning ang mga mata ni Peter.
"Mang Thomas" bored kong sagot at uminom sa juice ko.
Nasa kusina kaming lahat at bilang pangako sakanila ay pinagluto ko sila ng brown Spaghetti. Gustong gusto kasi nila yung una kong luto kesa sa ordinaryong spaghetti na kulay pula. Ewan ko kung masarap talaga ang luto ko. Hindi ko pa natitikman, eh.
May duda pa ako sa sarili.
"Ang saraaaaapp!!" Isaiah exclaimed, dancing in his seat.
"Sana natikman ni Dada ito bago siya umalis. Pero ayos narin na hindi niya natikman baka kainin niya lahat, eh!" tawa ni Psalm habang pinapa-ikot ang noddles sa tinidor.
Nagpaalam at umalis narin kanina si Tito Jackal matapos ang question and answer portion namin ng mga Crane. Aniya, may aasikasuhin pa raw siya para sa nalalapit na SONA ng Presidente.
"Genesis, hindi ka ba nasasarapan sa spaghetti ni Timog?"
Napatingin ako kay Genesis sa naging tanong ni Peter. Matapos ang weird na inakto nito kanina ay parang walang nangyari na lumabas ulit sa kwarto niya. Hindi ako nito matignan sa mga mata na siyang pinagtataka ko pero pinagsawalang-bahala ko rin. Ngayon ay tahimik na itong kumakain ng spaghetti at saka lang magsasalita kapag may kakausap sakanya.
"No" sagot nito pero pangatlong round na niya ng kain.
"Masarap kaya" nakangusong sabi ni Isaiah.
Sighing, I put my glass on the table and stood. Sumama ang pakiramdam ko bigla. Siguro epekto ng expired tobleron ni Tito Jackal.
"Noah, ikaw maghugas" utos ko sa panganay saka tumalikod. Akmang aalis na sana ako ng kusina pero may nagsalita.
"Where are you going?" tanong ni Genesis.
Napangisi ako at humarap sakanya.
"My room. Wanna join me?" Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Ang sasabihin ko sana ay wala siyang pakialam kung saan ako pupunta — but f**k! Why the hell I blurt that out?! I should punish my mouth later.
Genesis's eyes widened and he quickly averted his gaze from me. His face flushed, mirroring mine. Dammit, Southern!
"Anong gagawin niyo sa kwarto mo, South?" inosenteng tanong ni Psalm.
Ano nga ba? Oh, God. Baka kung ano ang isipin nila!
"M-maglalaro lang sana kami ng Jackstone, pero h'wag na pala. Mukhang ayaw niya, eh" palusot ko bago nagmamadaling umalis.
Mabilis akong umakyat sa kwarto at pagkasara ko ng pinto ay agad kong tinakpan ang bibig. That was embarrassing! Napabuntong-hininga nalang ako saka nahiga sa malambot kong kama.
Bigla kong naalala ang pagiging matalino ng mga Crane.
Hanggang ngayon parang bangungot parin sa akin na malamang matatalino sila. Hindi talaga kapani-paniwala.
Hays. Ewan. Pero at least, masaya naman ako kahit papaano na may laman pala talaga ang utak nila. May himala sakanila.
Habang nakatitig sa kisame ay biglang napako ang tingin ko sa bintana ng kwarto ko. It's open and I heard noises from outside. Curious, I rise and look at what's happening outside. Ganoon nalang ang pagbuntong-hininga ko nang makita ang mga magkakapatid na nagtatampisaw sa infinity pool. Naka-trunks sila at kung ano ang kulay ng buhok, iyon din ang kulay ng swimming shorts nila.
I drooled when I saw how define their body are. Their shining shimmering tight abs are ravishing and they are oblivious of how they affect their audience. These men are downright gorgeous and it's undeniable. Kung nakakasala lang ang pagtitig sa mga Crane tiyak na kanina pa ako nasa loob ng selda. These men are shamelessly flexing their ripped muscles and I melted, just watching them.
I lean on my window frame and shamelessly gawking at them but not until Noah notices me.
"Timog!" kumaway-kaway ito sa akin. Sa sigaw niya ay agad tumingala sa gawi ko ang mga kapatid niya.
"Timooog! Halika ditooo!" tawag din ni Peter.
"South? Anong ginagawa mo diyan sa bintana?" tanong ni Psalm.
"What the hell, witch?! Come down here!" galit na sigaw ni Genesis.
Ano na naman bang problema ng isang 'to?
"South? H'wag kang magpapakamatay! H'wag mo kaming iwan!" umiiyak na sigaw ni Isaiah.
Magpapakamatay?
Mga abno talaga.
"Timooog! Hindi ko kayang mawala ka!" sigaw ni Noah.
"Timog! kulang ako kung wala ka!" at sinundan ni Peter.
"Witch! Just dammit!" then Genesis.
"South! Mamamatay ako kapag namatay ka!" that's Psalm.
"South! Paano nalang ako kapag iniwan mo ako? Saranghamnida!" lastly, Isaiah. May paluhod-luhod pa itong nalalaman habang ang mga kamay ay inaabot sa akin.
Ang sarap lunurin ang mga tokmol na 'to. Okay na ako, kampante ng matatalino sila pero pinapatunayan na naman nila sa akin ang pagiging baliw nila. Anong turnilyo ba ang nawala sa mga utak nila? O baka naman kulang sila sa bitamina? Matanong nga si Tito Jackal kung ano ang pwedeng ipa-inom sakanila.
"King ina niyo!" sigaw ko sakanila at sinara ang bintana pero bago ko pa ito masara nang tuluyan ay narinig ko pa ang hirit ni Genesis.
"Dammit, stop cussing!"
Psh!
Naiiling na bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at muling nagbilang ng butiki sa kisame. I was on a count of four when I suddenly heard a knock on my door. Kunot-noong lumingon ako sa nakasarang pintuan at hindi na nagulat nang bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang basang-basa na si Noah pero hindi ito ang napansin ko. It was his six packs abs dripping with water. Natulala ako roon at dahan-dahang napalunok.
"Timog, hindi ka patay?" inosenteng tanong niya. Pulling me out of my dirty imagination.
I rolled my eyes in disbelief. Seryoso ba talaga 'to?
I rise, sat on my bed and arched my eyebrow at him.
"Patay na ako. Kaluluwa ko lang itong nakikita mo" sarkastikong sagot ko.
He gasped, covering his lips with both hands, and looked at me, terrified. He then slowly move back as if scared and to attempt an escape. He shakes his head and the next thing he does make me massage my temple.
"MULTOOOOOOOOO!" tili niya bago kumaripas nang takbo pero hindi pa man siya nakakalayo ay sunud-sunod kong narinig ang mga kalabog na parang may nahuhulog sa hagdanan.
Panibagong araw at panibagong sakit na ulo. Sa loob ng isang linggo ay walang araw ang lumipas na hindi pinapasakit ng mga magkakapatid na ito ang ulo ko.
Ito na siguro ang karma ko sa lahat ng mga kalokohang pinag-gagawa ko sa buhay sa puder ng ama ko. He sends me here to suffer knowing these men will be the death of me. Hindi niya ako kayang durugin gamit ang sariling mga kamay kaya gumamit siya ng ibang tao para gawin iyon.
I wasn't gifted with long patience. Iyon ang pinag-kait sa akin kaya akala siguro ni Daddy na kaya akong durugin ng mga Crane. I don't have patience but the crazy part is, these men can't bring out the demon inside me. Yes, madali nilang napapainit ang ulo ko pero hindi ako nagagalit katulad ng galit na nararamdaman ko sa ibang tao. I break bones when I am mad but I can't even seem to let myself physically hurt these men. I couldn't. Even if I wanted to, I can't. They are a pain in the ass but they are innocent. Fragile. They are different cases.
Nagtataka na ako sa sarili. Pakiramdam ko, may mali na sa akin. Hindi ako ganito kabait at iniisip ko palang na mabait ako, nangangati na ang buong katawan ko.
I took in a deep breath and decided to leave my room. Magtatanghali na at hindi pa ako nakakasaing ng kanin na siyang hindi ko pa alam gawin. Pambihirang buhay.
Pagkababa ko ng hagdanan ay nadatnan kong tahimik ang sala ngunit maingay sa labas, sa swimming area. Nandoon ang mga magkakapatid na siyang mabuti para walang gumambala sa akin sa pagluluto.
I headed straight to the kitchen and sighed for the umpteenth time. Sa isang linggong kasama ko ang Crane, wala pa kaming tamang kinakain. Walang marunong magluto sa amin. My kitchen skills are sucks big time. Lahat ng niluluto ko sa loob ng isang linggo ay imbento lang. Kadalasan ay umaasa ako sa YouTube na siyang hindi ko parin nagagaya.
Malay ko ba naman kasi sa gawaing kusina? I was born with a golden spoon in my mouth.
"Paano ba magluto ng kanin?" tanong ko sa hangin.
I already searched it on YouTube but I always end up failed. Imbes na ang bigas ay maging kanin, nagiging-lugaw ito o kaya biko-biko.
"Bahala na si Dora" kinagat ko ang ibabang labi.
Kinuha ko ang kaldero at nilagyan ng bigas, hinugasan, at saka sinukat ang tubig gamit ang mga daliri, gaya ng napanood ko. Pagkatapos ay sinalang ko na ito sa kalan. Habang hinihintay ko itong maluto, naghalughug ako sa refrigerator ng uulamin namin. Inilabas ko mula rito ang isang repolyo, apat na carrots, dalawang red bell pepper, dalawang patatas, cauliflower, talong, ampalaya, celery, at lemon. Inilapag ko lahat sa table ang mga gulay saka pinakatitigan.
Ano kayang luto ang pwede kong gawin sa mga 'to?
Habang nag-iisip ay biglang umapaw ang tubig ng sina-saing ko kaya mabilis kong tinanggal ang takip ng kaldero. I stared at the boiling rice then an idea popped into my head. Nakakaumay ang kanin na walang lasa kaya kinuha ko ang asin at binudburan ang sina-saing. Nilagyan ko rin ito ng magic sarap at ketchup.
I have now a red rice. I grinned proudly. I'm so amazing!
Sunod ko namang ginawa ay pinaghihiwa ang mga gulay, syempre binalatan ko ang mga pwedeng balatan. Hindi naman ako tanga para hindi gawin 'yon. Kumuha ako ng kawali at nilagay sa kalan. Pinaghahalo ko dun ang mga hiniwa ko. Nilagyan ng kaonting tubig at hinintay na kumulo. Nang kumulo na ay nilagyan ko ng mga seasonings, like asin, betsin, magic sarap, knor cubes, paminta, at patis. I also squeeze lemon juice on it.
"Wooooow! Ang bango naman ng niluluto mo, Timog!"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Peter sa likuran ko. Nakadungaw ito sa niluluto ko at kita sa mga mata ang takam at tuwa. I smiled at him.
"Paniguradong sobrang sarap niyan!" dagdag pa niya.
"Syempre, ako nagluluto, eh!" pagmamalaki ko at nagpakitang gilas sa paghahalo. Pumalakpak naman sa tuwa si Peter.
"Ano ba niluluto mo, Timog?" kumikinang ang mga matang tanong niya.
Ngumisi ako at may pagmamalaki siyang hinarap.
"Pinakbet."
*_____* ---> mukha niya
^_____^ ---> ako
"Woooow! Pinakbeeet!" parang batang nagtatalon kto.
Napangiti ako ng malapad. Masarap pala sa pakiramdam kapag may natutuwa sa luto mo. Sana lang talaga masarap ang lasa nito para mas lalong matuwa ang mga Crane.
"Tss."
Sabay kaming napalingon ni Peter kay Genesis nang padabog nitong nilapag ang baso sa lamesa. Nakakamatay ang tingin nito sa aming dalawa na animo'y sabay kaming sinasaksak ni Peter sa isipan niya. Napalunok ako ng walang dahilan pero si Peter hindi man lang na-apektuhan.
"Kaps! Amoyin mo ang luto ni Timog! Ang bangooo!" he beamed and shake his brother's arm.
Inis na hinawi ni Genesis ang kamay ng kapatid at tinignan ito ng masama. Nanahimik agad si Peter at parang tuta'ng takot na umatras. Binalik ni Genesis sa akin ang masamang tingin niya.
"It smells like s**t" aniya na agad nagpa-init ng ulo ko.
"Anong sabi mo?!" I barked, clenching my fist.
Ngumisi ito na mas lalong nagpa-inis sa akin.
"I said, It smells like shit."
Aba nga naman. Ibang klase talaga ang tokmol na 'to.
Nanlilisik ang mga matang tinignan ko siya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" Dinuro ko siya gamit ang sandok. Nangigigil talaga ako sa lalaking ito. Ang sarap niyang chop-chop-in at ihalo sa pinakbet na niluluto ko.
Pero imbes na makinig, mas lalong lumaki lang ang ngisi niya na tila nang-aasar. "I won't. Witch" diin niya sa huli. Nagpantig ang tenga ko kaya nang akmang tatalikod na ito ay mabilis kong dinampot ang isang patatas at binato iyon sa Abs niya.
Oo, sa abs talaga dahil nakaka-distract ang shining shimmering enchanting tight na pandesal nito. Masyadong maganda sa mga mata pero delikado sa utak. Kung ano-anong kababalaghang bagay kasi ang naiisip ko. And besides, I'm annoyed at him.
"What the..." bulong niya at tinignan ang abs, sunod ay sa patatas na pagulong-gulong ngayon sa sahig bago siya nag-angat ng tingin sa akin. Nang nakanganga.
Ngumisi ako at namewang. "Now, Genesis, I want you to take back what you said about my food. Say it smells good!" I demanded. Pinandilatan ko pa ito ng mga mata pero hindi man lang siya natinag.
"Your food is..." he trailed then grinned devilishly. "awful."
Napanganga ako at napabuga ng hangin. I cannot believe this guy. "I hate you!" nangigigil na sigaw ko. Nais ko siyang sakalin pero hindi ko magawa. Lintek!
Ang nakangisi nitong mga labi ay biglang nag-isang linya. Lahat ng kapilyuha sa mga mata ay nabura at napalitan ng blanko.
"The feeling is mutual" aniya sa malamig na boses bago ako tinalikuran at iniwan sa kusina kasama si Peter na katulad kong naguguluhan sa inaasal ng kapatid niya.
Ano ba talaga ang nangyayari sakanya? I understand his hatred towards me but sometimes, he's confusing the f**k out of me. He's treating me weirdly.
Napailing nalang ako at tinulak ang kuryusidad palayo sa utak at tinuon ang buong atensyon sa pagluluto. Hindi nagtagal ay dumating na sina Noah, Psalm at Isaiah sa kusina at pinuri kung gaano kabango at katakam-takam ang luto ko. Syempre, nag-uumapaw sa tuwa ang dibdib ko. I had never been appreciated like this. My heart is swelling with joy and gratefulness. Sa mga papuri nila ay mas lalo akong na-motivate na ipagpatuloy ang pagluluto.
"Ang galing mong magluto, South!" humahangang sabi ni Psalm habang pinapanood akong mag-halo.
Mayabang akong tumingin sakanya saka ngumisi. "Syempre! Ako pa!"
"Pwede na kaming kumain, Timog?" Noah asked excitedly. May benda ito sa noo. Hindi na ako nagtanong kung saan niya ito nakuha.
Umiling ako. "Hindi pa. Wala pang 12 o'clock at bago yun, magbihis nga muna kayo! H'wag niyong sabihin na haharap kayo sa hapag-kainan na ganiyan ang mga itsura niyo? Magbihis kayo! Dali, bihis!" Tinulak ko sila palabas ng kusina at mabuti nakinig sila sa akin. Nagmamadali silang umakyat sa pangalawang palapag.
Naiiling na napangisi ako nang maiwan mag-isa sa kusina. Mga isip-bata talaga ang mga Crane. Masakit sa ulo.
Kumuha ako ng kutsara saka kumuha ng sabaw sa niluluto ko para matikman kung ano ang lasa. Excited pa akong hinipan ito at nang ma-isubo at nalasahan, nagmamadali akong nagtungo sa lababo at dinura doon ang nakain ko.
"Pwe! Pwe! Pwe!"
Shit! Bakit ganoon ang lasa? Mabango naman ang amoy pero bakit?!
Dammit. Mukhang lason ata ang naluto ko at hindi pinakbet.
Nanghihinang sumandal ako sa gilid ng lababo at sinapo ang noo. Anong ipapakain ko ngayon sa mga Crane? Excited pa naman ang mga itong tikman ang luto ko. Their happy faces in my head made me feel down and broken. Ayoko silang ma-dissapoint. Goddamnit! Bakit hindi man lang kasi naka-tiyamba ang lasa?
I shake my head. "Hindi, South! Kaya 'yan! May pag-asa pa, tiwala lang!" pampalakas loob ko sa sarili.
Matapang kong hinarap ang niluluto ko at malakas na bumuga ng hangin. Tinusok ko ng kutsara ang patatas na sahog nito at napangiwi nang maramdamang sobrang tigas pa. Pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin ito, ang mahalaga ay maisalba ko ngayon ang lasa ng pinakbet ko.
Kumuha ako ng limang plastic ng magic sarap at binuhos lahat ng laman sa niluluto. Sana ma-magic nga nito ang lasa at sumarap. Hindi pa ako nakuntento at kumuha din ako ng sampung knor cubes, naglagay ng asin, betsin, dahon ng laurel. May nakita din akong suka kaya binuhusan ko ang niluluto ko. Kumuha din ako sa ref ng hotdog, bacon, chicken nuggets at tosino. Nilagay ko lahat sa pinakbet na niluluto ko. Pinaghalo-halo ko silang lahat gamit ang sandok
Sana naman sumarap na ito.
Ilang segundo lang ay sunod-sunod kong narinig ang yabag ng paa ng mga Crane. Ibig sabihin ay nandiyan na sila.
"South, nakabihis na kami!" masayang sigaw ni Psalm at parang unggoy na nagtatalon papalapit sa akin. Abnormal.
"South, kakain na ba?" excited na tanong ni Isaiah.
Napalunok ako at sinilip ang niluluto. Good God, help me!
"S-sure, hehe. Peter, sumandok ka muna ng kanin. Noah, prepare the plates. Psalm, prepare the glasses and Genesis, make some juice and Isaiah, help me serve this."
They all obliged.
And now, they were all sitting on their chairs as they wait for me to serve our food. Pinagpapawisan ako ng malapot habang nagsasalin ng ulam sa mangkok.
Malakas ang panalangin ko na sana, sana pang-tao na ang lasa ng luto ko.
"Bakit parang umasim yata ang amoy ng luto mo, Timog?" tanong ni Peter matapos kong ilapag sa lamesa ang ulam.
"Ganyan talaga ang amoy ng pinakbet kapag luto na, hehe" ngumiti ako para hindi nila mahalatang alanganin ako.
"Anong mga main ingredients ng pinakbet mo, South?" tanong naman ni Psalm.
"Syempre, patatas, carrots, repolyo at suka!" sagot ko. Tumangu-tango ang mga ito na parang naintindihan ang sinabi ko.
"Kainan naaaa!" sigaw nila at sa isang kurap lang ay nilalantakan na nila ang pagkain.
"S-sandali lang!" pigil ko pero hindi na sila naawat. I bit my lower lip as I watch them eat the food I cooked.
"Ganito ba talaga ang lasa ng pinakbet, South?" tanong ni Isaiah habang ngumu-nguya.
Napangiwi ako. I honestly don't know. Hindi ko nga rin alam kung ganiyan ang itsura ng pinakbet. Hindi naman nagpapaluto ng ganiyan si North sa mansion.
Napatingin ako kay Noah nang biglang natigilan sa pagkain. Kinabahan ako bigla. Tumingin siya sa akin, then sa luto ko, then sa akin ulit at sa pagkain na naman. Paulit-ulit na ganoon hanggang sa bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. And the next thing I know, natumba na siya sa sahig at nawalan ng malay.
"Noah — oh my God!" I cover my lips as I stare at him, horrified.
Hindi lang si Noah ang natumba at nawalan ng malay. Sumunod si Peter, Genesis, Psalm at Isaiah.
"Oh God! Psalm!" sigaw ko at natatarantang dinaluhan si Psalm na nangi-ngisay sa sahig. Tumitirik ang mga mata nito at bumubula ang bibig. Lumuhod ako sa tabi niya at sinapo ang mukha niya.
"Psalm! Psalm! Can you hear me? Psalm, tell me what's happening to you!?" nagpa-panic na ako pero hindi niya ako masagot dahil sa pangi-ngisay niya kaya sinampal ko ito ng malakas.
"Psalm! Anong nangyayari sa'yo?!"
"H-hindi m-mo ba m-m-makita na nangi-ngisay a-a-ako, S-s-south?" pilosopong sagot nito habang nangi-nginsay parin.
Sa inis at takot ay nasuntok ko ang sikmura niya. Nagulat ako ng may isang buong patatas ang lumipad mula sa bibig niya at nagpagulong-gulong sa sahig, tumigil na rin ang pangi-ngisay niya kaya tumingin siya sa akin.
"Now tell me. Anong nangyayari sainyo?" tanong ko.
"Y-yung luto m-mo, South" aniya na paputol-putol.
Napalunok ako. "A-anong meron sa l-luto ko?"
"Ma-ka-man-dag." At bigla nalang siyang nawalan ng malay.
Mas nagpanic pa ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na sila magising pa kahit anong gawin ko. Sinabunutan ko ang sarili bago kinapa ang bulsa ni Psalm at kinuha ang cellphone niya. I scanned his contacts and realized there are only five names on his list. His brothers and his father.
Kinakabahan man ay tinawagan ko si Tito. Two rings after he answered my call.
"Junakissssss! Miss mo na ba si Dada?" masayang tanong nito sa kabilang linya.
"Tito, it's me."
"Huh? Psalm, anak? Tama ba ang naririnig kong boses babae ka — oh no! Babae na ang anak ko! Waaaahh! Bakit ka nagpa-transgender, junakis ko huhuhuhu!" 1
What the hell?
Anong transgender?!
"This is South, Tito."
Suminghap ito sa kabilang linya. "South? Paano ka naging si South, anak? Huhuhu, sumanib ka ba sa katawan ni South? Kaluluwa na ba ang baby ko?"
Mariin kong pinikit ang mga mata saka hinilot ang pagitan ng mga kilay ko.
"This is me, Southern Miracle Benedicto, and I'm not Psalm! Get that, Tito?!" sa inis ay nasigawan ko ito. Hindi lang ang mga anak ang sakit sa ulo ko, maging ang ama nila. Pambihira.
"Owws, hehe. Hi, South! Musta?"
Sighing, I glance at his unconscious sons.
"Tito, sagot ko na ang kape" sabi ko sabay kagat sa ibabang labi.
"Kape? Hehe, sige iha, sagot ko naman ang biscuit. Pero para saan ba ang mga yun?" tanong nya.
I swallowed hard.
"Nakapatay ata ako ng mga tao."
"Owws, ilan? Hehe."
"Lima."
"Waahh! Ang galing! Lima na agad ang napatay mo? Astig mo talaga, South!"
"Hehe."
"Dadamihan ko ng biscuit, hihi! Pero, South, sinu-sino ba ang mga napatay mo?" 1
Napatingin muli ako sa mga katawan ng mga anak niyang walang malay saka sinagot ang tanong ni Tito.
"Mga anak mo."