KOFFIE Mabilis akong umalis sa kandungan ni Kuya Kaio. Nang tinapunan ko siya ng tingin, wala siyang kakurap-kurap. Para siyang natulala. “Gosh, ang lakas ng kulog!” sambit ko, na parang walang nangyari. Pero ang totoo, biglang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi alam kung paano siya haharapin. “Papasok na ako sa kwarto, Kuya,” sabi ko nang akma siyang titingin sa akin. Tumalikod agad ako at nagmamadaling pumasok sa silid. Humiga ako sa kama at agad na tumalukbong ng kumot. Mayamaya, tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko. “Oh my god,” I breathed out, still completely unable to believe what had just happened. Inalis ko ang kumot dahil pinagpapawisan ako kahit may electricfan naman sa loob ng kwarto. Umupo ako at kinapa ang leeg at pisngi ko. Ang init ko, pero wala naman akong

