Prologue
“Koffie, are you done?”
Nanatili akong nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa pinto at pinapakinggan ang mga katok ni Mama. Kanina pa ako nakabihis at nakaayos. Kung kailan nakapagdesisyon na ako, parang gusto ko namang umatras. Parang hindi ko kaya. Ngayon ako nawalan ng tapang. Pero sa tuwing naiisip ko ang magiging resulta kapag umatras ako, nanlulumo ako.
Huminto ang katok sa pinto. Mayamaya, may kumatok ulit. “Sis, ang Achi Kitty mo ito.”
Biglang nanginig ang labi ko nang marinig ang boses ng kapatid ko. Mabilis na umulap ang buong paligid ng mga mata ko. Sunod-sunod din ang paglunok ko para alisin ang tila bumara sa lalamunan ko.
Tumingala ako para pigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Pagkatapos, tumayo ako at tinungo ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago bumuga ng hangin. Saka ko binuksan ang pinto. Bumungad agad ang nag-aalalang mukha ng nakakatanda kong kapatid. Wala si Mama. Bumaba na siguro.
Lumingon siya. Siniguro niya na walang tao sa likuran niya bago muling humarap sa akin. “You don’t need to do this, sis. Huwag mong akuin ang problema ng mga magulang natin,” pangungumbinsi niya sa akin. Ilang beses na niya akong kinumbinsi, pero hindi ako nakinig sa kanya.
Pinilit kong ngumiti sa harap niya. “It’s okay, achi. Hindi ko rin naman kayang makita na unti-unting bumabagsak ang mga magulang natin.”
“Ayaw mo bang humingi ng tulong sa kanya? Baka maka—”
“No, achi. Pagkatapos ng ginawa ko, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.” Isa pa, wala na akong balita sa kanya.
Nalaglag ang balikat ng kapatid ko. Puno ng awa ang mababanaag sa mga mata niya. Wala rin siyang magawa sa sitwasyon na kinasadlakan ko ngayon.
“Are you sure about this? Wala tayong ideya sa ugali ng lalaking mapapangasawa mo. Paano kung sadista pala siya? Paano kung—”
“I know how to defend myself, achi. He taught me some self-defense moves,” buong pagmamalaki na sabi ko para hindi na siya mag-alala sa akin.
“Pero lalaki pa rin…” Hindi na niya tinapos ang sasabihin at napabuga na lang siya ng hangin, na parang wala rin saysay ang mga sinasabi niya dahil hindi naman ako nakikinig. “Hindi pa huli ang lahat, Koffie. If ever na magbago ang isip mo, nasa likod mo lang ako,” sabi na lamang niya.
Mapait akong ngumiti. Sana katulad din niya akong matapang, na kahit ayaw ni Mama sa napangasawa niya, ay pinaglaban pa rin ni Ate Kitty ang asawa niya. Pero naisip ko ang mga sakripisyo ng mga magulang namin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kaya nga ako na lang ang sumalo ng problema nila kahit labag sa kalooban ko. Ito lang ang nakikita kong paraan para makabawi sa kanila—ang pagbigyan ang kahilingan nila.
Sabay kaming bumaba ni Ate Kitty. Naabutan namin si Mama na naghihintay sa sala. Hindi na maipinta ang mukha nito. Halatang aburido na siya sa paghihintay sa amin. Nang makita niya kami, mabilis na umaliwalas ang mukha niya.
“Let’s go?” nakangiti niyang sabi.
Tumango lang ako. Ang alam nila, okay lang sa akin na ipagsundo nila akong ipakasal sa lalaking ni minsan hindi ko pa nakaharap, pero sa loob ko, gusto ko nang magpakalayo, tumakas, at tumakbo papunta sa taong hindi ko alam kung kaya pa akong tanggapin pagkatapos ng ginawa ko.
Kung noon, masaya ang loob ng sasakyan kapag kumpleto kami, ngayon ay puno na ito ng nakakabinging katahimikan. Matagal nang nagbago ang samahan ng pamilya namin. Simula nang suwayin ni Ate Kitty si Mama… simula nang bumagsak ang aming negosyo… simula nang mabaon sa utang si Papa. Ang masiglang pamilya namin noon, ngayon ay puno na ng bigat, na parang laging may pasan na problema. Kung may pagkakataon na humiling, gusto kong balikan ang masayang pamilya na kinagisnan ko noon.
Makalipas ang ilang minuto, huminto ang aming sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Dito ko na makikilala ang fiancé ko. Kung ang iba, sabik na makita ang fiancé nila, ako naman ay walang emosyon sa mga oras na ito. Para lang akong robot na nakasunod sa mga magulang ko.
“Sis, gusto mong tumakas? Pagkakataon mo na ito,” bulong ni Ate Kitty sa akin. Hindi pa rin siya sumusuko na baguhin ang isip ko.
Kung gugustuhin ko, lalo na’t nasa likod lang kami ng mga magulang namin, ginawa ko na. Pero ang kahihiyan ng mga magulang ko ang iniisip ko. Nandito na ako. Wala na itong atrasan.
“You know I can’t, achi,” matamlay kong sagot. Isang malalim at mabigat na buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Wala rin siyang magawa sa desisyon ko.
Makalipas ang ilang sandali, nandito na ako, nakatayo sa harap ng lalaking nakatakdang ipakasal sa akin.
He’s quite good-looking and he doesn’t look like he’s purely Filipino.
“Who among them is Koffie?” asked the man, who seemed to be in his mid-60s, but he looked fine-looking. Bagamat hindi naitago ang kanyang mga wrinkles sa mukha, hindi maipagkakaila na pinipilahan siya noong kabataan niya. Maganda rin ang tindig niya. Mukhang kahit na may edad na siya ay maalaga pa rin siya sa katawan. But the way he asked, wala rin siyang ideya sa mukha ko. I wonder kung paano sila nag-usap ng mga magulang ko nang hindi pa nila nakikita ang aming mga mukha?
Hinawakan ako ni Mama at hinila palapit sa kanila, kaya nabitawan ako ni Ate Kitty. Kung paano niya ako iharap sa dalawa, para bang inaalok niya akong ibenta. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ang laki ng pinagbago niya simula nang magkaroon ng problema ang aming mga negosyo. Hindi niya matanggap na nawala sa isang iglap ang pinaghirapan nila sa mahabang panahon.
She blamed my father for his negligence, and her point was valid. Si papa ang dahilan kung bakit humantong kami sa ganito. Haligi si papa ng tahanan, pero nasaan siya ngayon? Heto, nakatayo lang at tahimik sa gilid.
He saw himself as completely hopeless, but as his daughter, I never let on that I’d ever felt he was useless to our family. I couldn’t bear to make my father feel any more down than he already did. I never changed how I acted around him. Even through everything, I made sure to stay the cheerful daughter he’s always known me to be.
But I really can’t blame my mom for how she treated him. She transformed from the kind of loving, devoted wife anyone would admire into someone so distant and cold—and I get it. Hindi ko alam kung paano pa nila natatagalan ang isa't isa, samantalang malaki ang pinagbago ng relasyon nila. Ayoko namang maghiwalay sila. Alam ko sa sarili ko na mahal pa rin nila ang isa’t isa, pero pinili lang nilang huwag iparamdam dahil nga sa mga nangyari.
“Good afternoon po,” magalang na sabi ko at pinilit na ngumiti sa dalawa. Pero hindi man lang ako nginitian ng magiging fiancé ko. Napaisip ako na baka katulad ko ay tutol rin siya sa ganitong set-up. Baka pwede ko siyang kausapin na huwag ituloy ang kasal.
“It’s a pleasure to meet you, hija. I’m Rufu, your soon-to-be father-in-law. And this is my son, Rafaello Yvo. You can call him Ello,” he said as he introduced his son to me.
Nilahad ko ang kamay kay Ello nang nakangiti. “Nice to meet you, Ello. I’ve heard so much about you. I’m glad we’ve finally met in person.”
Muntik na akong mapangiwi. Walang totoo sa sinabi ko. Walang kahit sino ang matutuwa na makita ang lalaking gustong ipagkasundo sa ‘yo ng magulang mo, lalo na kung hindi mo naman ito kilala. At ‘yong marami akong naririnig tungkol sa kanya, ni minsan ay hindi ko pinagkakaabalahan na magtanong sa mga magulang ko. Wala akong interes sa kanya!
Bumaba ang mata niya sa kamay ko. Ilang segundo niya itong tinitigan bago inabot. Unang tingin ko pa lang sa kanya, parang masyado siyang seryosong tao. Bigla akong napaisip kung magkakasundo ba kami kapag nagsama na kami.
“It’s a pleasure to finally meet you too, Koffie,” he said. His voice was deep, rough, and distinctly masculine. I just smiled at him. He was good-looking, but not my type.
Ako na ang nagpakilala kay Ate Kitty dahil mukhang walang balak si Mama na ipakilala ang kapatid ko. May gap pa rin silang dalawa simula nang suwayin ng kapatid ko si Mama. Ako nga lang ang nagsabi na sumama si Ate Kitty sa amin para may sasalo pa rin sa akin kapag may mga gusto akong sabihin, pero wala akong lakas ng loob dahil iniisip ko pa rin ang posibleng maramdaman ni Mama.
Pag-upo namin, napansin kong palinga-linga si Ello sa paligid pagkatapos niyang tingnan ang cellphone niya.
“Ello, kanina ka pa parang may hinahanap. May hinihintay ka ba?”
“Yes, Dad. Nandito na raw siya.”
Mukhang may makakasama pa pala kami. Sino naman kaya?
“Don’t tell me you invited your cousin? This is supposed to be just about us, hijo.”
Hindi sumagot si Ello dahil inaabangan niya ang pagdating ng pinsan niya. Pinsan lang naman pala, kaya okay lang. Parte pa rin ang pinsan niya ng pamilya nila. Baka malapit sa kanya ang pinsan niya, kaya gusto niyang isama sa pagtitipon namin. Mayamaya pa, awtomatikong umangat ang isang kamay niya.
“Oh, he’s here, Dad!”
Sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon ng pinsan niya. Pero para akong tinulos na kandila sa kinauupuan ko nang makita kung sino ang parating. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Ang tahimik kong puso ay biglang nagwala nang makita ko siya.
Bago pa magtagpo ang aming paningin, mabilis kong iniwas ang mga mata ko. Yumuko ako. After leaving him without a single word, I felt like I had no right to show my face to him at all. Hanggang sa napatingin ako sa ilalim ng mesa nang hawakan ni Ate Kitty ang kamay ko. Magkatabi lang ang aming mga upuan. Naramdaman kong marahan niya itong pinisil. She knows him because I introduced him to her. Only my sister knows about the relationship I had with him.
“Am I late?”
Oh, God. That voice! Lalo lang naghuramintado ang puso ko nang marinig ang boses niya.
“No, couz. You’re just in time,” Ello said.
“So, let’s get started. Which one of them is your soon-to-be bride, couz?” tanong niya, na parang wala rin siyang ideya.
Unti-unti akong umangat ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, lumabas ang puso ko sa sobrang kaba nang magtagpo ang aming mga mata.
The way he looks at me now is so different from before. I used to be the only woman he admired, but now his gaze cuts right through me—it’s so cold it makes my chest tight every single time. Nagkrus nga ulit ang landas namin, pero sa ganito namang sitwasyon.
“Kaio, meet Koffie. She’s the woman I am going to marry,” pakilala ni Ello sa amin ng pinsan niya. Wala silang kamalay-malay na matagal na kaming magkakilala.
Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ate Kitty. Kailangan kong kumuha ng lakas ng loob mula sa kanya.
“Great!” He smiled, but it wasn’t the same smile I used to see. Nilahad niya ang kamay sa harap ko. “So great to finally meet you, Koffie,” kaswal niyang sabi. Aakalain talaga ng mga kasama namin ay hindi kami magkakilala.
Ayokong mahalata ako ng mga kasama namin, kaya inabot ko agad ang kamay niya. “Same here,” pormal kong sagot.
Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko, kaya napatitig ako sa kanya. Wala akong mabanaag na emosyon sa mga mata niya. Napaisip ako kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito.
“Oh, your hands are so cold. And you look incredibly tense, Koffie—as if you’ve done something awful,” he said, his tone carrying a hint of sarcasm.
Mabilis kong binawi ang kamay ko at pinili kong huwag siyang sagutin. Alam kong may ibig sabihin ang sinabi niya, dahilan para maapektuhan ako. Mas lalo lang niyang mahahalata na tensionado ako kapag sinagot ko siya.
“Pasensya na sa pamangkin ko. Talagang maloko iyan.”
Tama, maloko talaga siya kahit noon pa. Pero sinadya niyang sabihin iyon para iparating sa akin ang ginawa ko.
Narinig ko ang malutong niyang tawa. “Oh, come on, Tito. I’m just really glad to finally meet who my cousin is going to marry.”
Masaya ba talaga siya para ipakita na wala na siyang pakialam sa akin? Sabagay, pagkatapos kong iwan siya ng walang paalam, magkakaroon pa ba siya ng pakialam sa akin?
They ordered food. Si Ate Kitty na rin ang pumili ng pagkain para sa akin dahil alam niyang hindi ako makakapili ng maayos.
Habang kumakain, pinag-usapan nila ang tungkol sa amin ni Ello. Maririnig lang ang boses ko kapag may kailangan akong sagutin na tanong. Halos hindi gumana ang utak ko. Malaki ang naging epekto sa sistema ko nang pagkikita namin.
Hindi ko magawang mag-angat ng mukha dahil alam kong nasa harap ko lang siya. Hindi ko siya magawang tingnan dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya. Pero kahit hindi ko siya sulyapan, ramdam ko ang mga titig niya sa akin.
Alam kong nag-aalala na si Ate Kitty sa akin, kaya maya’t maya niyang pinipisil ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Sa totoo lang, nanlalambot na ang buong katawan ko. Malamig sa loob ng restaurant, pero pinagpapawisan ako ng malapot. Kung hindi ko katabi ang kapatid ko, baka kanina pa ako hinimatay.
I need to get some air to breathe!
“Excuse me po, magbabanyo lang ako,” magalang na paalam ko at tumayo. Kumapit ako sa edge ng mesa nang naramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko.
“I’m coming with you, sis.”
“Stay here, achi. Okay lang ako,” nakangiting tugon ko.
I forced myself to walk with good posture because I didn’t want them to notice that I wasn’t feeling well.
Pagdating ko sa banyo, mabilis akong pumasok sa cubicle. Para akong nasusuka. Nanghihina ako. Sana matapos na ang gabing ito dahil hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos ng normal sa harap nila.
Pinakalma ko muna ang sarili bago lumabas ng cubicle. Pero napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang nakapamulsang nakatayo sa harapan ko, na para bang hinihintay talaga niyang lumabas ako.
“A-anong ginagawa mo rito?” tensyonado kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Napaatras na lang ako nang maglakad siya palapit sa akin. Sa isang iglap lang, ipinasok niya ako pabalik sa cubicle. Wala akong nagawa nang makorner niya ako sa loob.
“The world really is small, isn’t it? And of all people, you chose to marry my cousin!” he snapped, his voice laced with bitter anger.
“P-please, not now,” pakiusap ko. Sinubukan ko siyang itulak, pero napasinghap ako nang hinapit niya ang bewang ko. Parang gusto niyang durugin ang mga buto ko sa katawan. Ramdam ko ang galit na matagal niyang inipon sa loob ng anim na taon.
His jaw clenched. “Marry my cousin if that’s what you want—but never forget this, Koffie—you were once mine, and I still f*****g own you! You still f*****g belong to me!”