KOFFIE Mag-iisang linggo na simula nang umalis si Kuya Kaio. Sa mga araw na hindi ko siya nakikita at kasama, hindi niya pinaramdam na malayo siya sa akin. Magkasalungat ang oras namin, pero gumagawa siya ng paraan para lang makausap ako. Si Kuya Kaio ang nag-a-adjust kapag gusto niya akong makausap. “Girls, let’s go to The House of Sweets. It’s my treat.” yaya ko kina Tamie at Vergie. Tapos na ang klase namin, kaya pwede na kaming pumunta kahit saan. Sinusulit ko habang wala pa ang parents ko. Bukas kasi ay babalik na sila. “Gusto ko ‘yan,” sang-ayon ni Vergie. “Sorry, girls. Hindi ako pwede,” tanggi ni Tamie. Umikot ang mata ko. “Lagi ka na lang, hindi pwede. Dahil ba sa guardian mo?” tanong ko. Alanganing ngumiti si Tamie. Muling umikot ang mata ko dahil kahit hindi niya sagutin,

