KOFFIE I ended the phone call immediately. Dali-dali akong bumangon sa kama at maingat na lumabas sa aking kwarto. Nakayapak na lang ako nang bumaba sa hagdan dahil baka may makarinig sa akin. Matalas pa naman ang pandinig ni Yaya Mildred. Kaunting kaluskos lang ay naririnig na niya agad. Pumunta ako sa likod ng bahay at tinawagan si Kuya Kaio. “Kuya, Don’t stay in front of the gate. Go a bit further straight,” I said firmly. “Why are you whispering?” puna niya sa boses ko. Mahina lang ang boses ko, kaya parang pabulong ko siyang kausapin. Umikot ang mata ko. “Kailangan ba sumigaw ako?” sarkastiko kong sabi. Napanguso ako nang marinig ang malutong niyang tawa. Maingat kong binuksan ang maliit na gate sa likod ng aming bahay at lumabas. Inabangan ko si Kuya Kaio. Mayamaya, nakita ko

