LEKAIO Tulala pa rin ako kahit wala na siya sa harap ko. Dalawang araw akong walang komunikasyon sa kanya, at nang nalaman ko ang totoo, nawala ang mga gumugulo sa isipan ko. I really thought we’d fix things and go back to how we used to be, but she wanted to end it, so I agreed. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti pa nga siguro na nabawasan ang nagpapasakit sa ulo ko. Masakit na ang ulo ko sa mga kapatid ko, lalo na kay Starr; dumagdag pa ako ng isa. Lumabas agad ako sa library. Siya lang naman ang sadya ko, kaya ako pumunta dito. Pero sa bandang huli, nagtalo lang ulit kami. Ngunit napahinto ako nang makita ko si Koffie na nakatayo hindi kalayuan sa labas ng library. Mayamaya, humarap siya. Agad naman akong nagtago para hindi niya ako makita. Kumunot ang no

