Prologue
"hi maam "bati ko sa babae pababa sa magarbong hagdan ,ito siguro ang magiging amo ko
"oh hello"grabe ang ganda ganda niya manamit para siyang reyna
"maam ako po si Portia Ele Del Gatilio maga-aply ho sana ako bilang maid ,kasi po nakita ko sa nadaan ko kanina wanted maid kaya ho ganon"mahabang lintaya ko
"oh i see miss del gatilio-.. "pinutol ko siya ,masyadong pormal si maam ,magiging yaya din naman niya ako
"ele nalang ho maam "magalang kong sabi
"ele kong ganon,hali ka mona rito "pina-anyayaan niya ako sa malaki nilang dining area.
'grabe ang laki'
"ilang taon ka na ele"pormal niyang sabi
"17 ho"magalang kong sabi
"masyado kang bata"kumento niya"at isa pa talaga bang maga-aply ka ....kong tignan ka ay para kang anak mayaman ,wag mo sanang masamain ele"tumango ako roon
"marami nga pong nag-sabi sakin niyan bago ako maka-pasok rito sa mansion niyo maam"ngumiti siya kaya ngitian ko siya pabalik
"call me Janine you're too formal and isa pa hindi ako ang magiging amo mo ,bisita lang ako rito ni kuya"
huh KUYA?akala ko naman siya .....SAYANG mabait pa naman to si maa- i mean Janine
"i make sure lang na hindi ka nag-papanggap or something"nag-taka naman ako sa sinabi niya
"hindi po ako ganon"kaagaran kong sabi
"hindi ko sinasabing ganon ka ele mabait ka naman maamo ,pero kasi ang raming desperadong mapansin lang ng kuya ko hindi sa pag mamayabang isang sikat na modelo at mayamang Ceo si kuya maraming naghahabol roon kaya hindi maiiwasan ele"mahabang lintaya niya tumango naman ako
"grabe naman pala tong magiging amo ko kong ganon janine"friendly kong sabi
I'm not supper FC huh, ganto lang talaga ako
"hahaha sinabi mo pa ,ikaw na ata ang ika 128 na naging yaya niya,kita mo naman walang sumalubung saiyo guard lang ang meron non hindi niya gustong may umaaligid sa mansion niya kaya nga binibisita ko siya rito at nag ha-hire ng magiging yaya niya ,wala ring nag-tatagal dun ang sungit sungit kala mo kong sino hahahah"nag tawanan kaming dalawa ,grabe naman pala tong magiging amo ko baka isang araw lang tanggalin kaagad ako nito ,kinabahan tuloy ako
"oh siya,magaan ang loob ko sayo ele ,iba ka ata sa mga magiging yaya ng kuya ko sana habaan mo ang pasensiya mo sa maarteng halimaw nayun"natawa ako sa pag describe niya sa kapatid niya
"maarteng halimaw"tumawa siya kaya napa-tawa rin ako
"oo ang arte arte non sa gamit at kapag galit nagiging halimaw shhhshsh secret lang natin to ah"tumawa ulit kami ,grabi bait naman niya sana siya nalang naging amo ko ,mapapasubuk ata ako
"siya nga"sakay ko sa sinabi niya
"sapagkaka-alam ko 20,000 a month ang sahod tanong mo nalang sa kanya"grabe ang laki naman
"nag-taka ka no ang laki ,eh kasi naman walang nag-tatagal sa halimaw nayun"tumawa ako sa sinabi niya
" libre na ang tutuluyan mo dito sa mansion pati ang pagkain "wow libre ,salamat at ganon
"sa maid's room ka matutulog dalawa kama non,kaso yun nga mag-isa ka kaya ito susi ipakikilala kita mamaya sa kanya siguro tulog na yun ngayon ,napagod ata sa pagtra-trabaho ,ilagay mo mona yang mga gamit mo nasa pinaka-dulo ang kwarto mo sky blue ang kulay ng pinto"
"sigi ,maraming salamat "naka-ngiti kong sabi
"walang ano man "
Pagka-tapos kong ayusin ang mga gamit ko ,bumaba ulit ako ,nakita ko siya nag-hihitay sa pag-baba ko nasa sala lang siya
"ele pirmahan mo pala to ,para mag simula kana ngayon ,naka-limutan kong ibigay sayo to"kinuha ko kaagad iyun at pumirma
"diyan ka muna ,gigisingin ko lang si kuya nang makilala mo"tumango ako roon,tumayo naman siya at umakyat hula ko pupunta siya sa black door nakita ko kasi iyun,nadaanan ko kanina nong pababa ako rito
5minutong,naka-lipas.......
tumayo ako nong nakita ko siyang pababa ng hagdan
"pasensiya ka na ele ,ayaw niya magpa-isturbo sa tulog bukas nalang kita ipapa-kilala "tumango nalang ako
KINA-BUKASAN
Nagmadali akong gumising hindi naako kumain nang almusal dahil late na late naako ,sinabi pa naman ni Janine na masungit ang magiging boss ko
Anong susuotin ko?
Dapat ba formal?
Anong suot ng secretary?
Nagpa-panic na talaga ako rito sa maid's room ,Bakit ako nagpa-panic na sabi ko kasi kay janine kahapon na kaylangan ko nang isa pang trabaho ,dahil na kwento rin niya na saka-busy ng kuya niya ,mababagot raw ako rito sa mansion kong wala siya kaya ayun ,tinulungan niya akong maka-hanap ng isa pa ,ginawa niya akong secretary ng boss doon ,kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanaya
Kinuha ko nalang ang di-formal at formal na damit ,mag-papalit nalang ako kapag mali ang suot ko ,ang pinili kong suotin ay di-formal,mabilis akong bumaba ,hindi ko siya nadatnan sa pagbaba ko sabi ni janine maaga raw yun umalis ,sumakay kaagad ako sa jeep ,nang naka-rating ako sa adress na sinabi sakin ni janine ay namangha ako sa laki ng building nato hula ko mga 30 floor or higit pa ,nakita ako nang guard
"miss anong kailangan mo"sabi sakin ni janine ipakita ko lang daw ang sulat na ibinigay niya sakin kapag nakita ako nang guard
"ah kuya kasi ito oh"sabay bigay ng kapirasong papel ,tumango naman siya
"sigi pasok na "tumakbo kaagad ako ,kitang kita na late naako dahil walang ka-tao-tao sa 1st floor,dumiritso ako sa elevator sabi ni janine sa pinaka end floor raw yong office ng boss ,pagka-bukas ng pagka-bukas kaagad akong pumasok salamat at walang tao,nang malapit ng sumirado ang pintuan nagulat ako nang isang kamay ang pumigil rito ,isang matikas ,gwapong lalaki ang pumasok napa-tagal ata ang tingin ko sa kanya kaya biglang tumaas ang kilay niya kaya inilihis ko yong tingin ko
Hala okey lang ba ang suot ko ? matanong nga ,siguro naman nag-tratrabaho siya rito diba
"hello ako nga pala si Portia Ele Del Gatilio ,mhh ele nalang for short ,magta-tanong lang sana ako sayo"sana sagutin niya ,tingin ko naman kahit masungit ang aura niya eh mabait parin iyun
"you're asking"simpleng sabi niya ,abay pilosopo
"kasi ano ,yong suot ba dito formal o di formal"ngisihan niya naman ako,nag-taka tuloy ako,pinasadahan niya nang tingin ang damit niya kaya napa-tingin din ako sa damit niya
"what do you think"malamig niyang sabi ,grabe siya ah ang lamig naman nito
"ah sige salamat "kaagad kong ,hinalungkat ang formal na damit sa bag ko
"Hala san ko ilalagay to ,baka madumihan "mahinang bulong ko ,nakita ko siyang nagkibit ng balikat ,ngumiti ako sa kanya ,tinaasan niya lang ako nang kilay
"heheh,pasensiya na sa abala ,paki-hawak naman"sabay bigay ko sa kanya ng bag
Kapal ng mukha ko noh hahahhah
"WTF"rinig kong bulong niya ,nong simulan ko nang mag-hubad ,oy excuse me may naka-loub paring damit no ,kaagad kong hinablot sa kanya ang formal na damit ,hindi siya gumalaw at hindi rin maka-tingin sakin
"heheheh sorry ah,nakakahiya kasi baka pagtignan ako ng tao pag-iba yung damit ko ..salamat"naka-ngiti kong sabi,sinubukan kong hulihin ang tingin niya pero umiiwas talaga siya
"kuya ,anong pangalan mo"Friendly kong sabi ,hindi na niya ako na-sagot dahil bumukas na ang elevator ,inayos ko ang damit ko at sarili ko ,nagulat ako nong may lumipad na papel ,kinuha ko kaagad yun
"Symon Axel"basa ko,sayang at napunit yung pinaka-dulo ,calling card niya ata to,kaso walang,kasunud ,tinakbo ko kaagad siya ,tatanongin ko kong saan ang office nong boss nato ,nakita ko siyang tuwid na tuwid na nag-lalakad nagulat ako nong yumuko ang lahat
Wow Sana All Hahahah
"SYMON!"Malakas na sigaw ko ,biglang tumahimik ang lahat Opsee nasubrahan ata yung sigaw ko ,narinig ko ang mga bulong bulongan nila pero hindi ko yun pinansin
"symon hintay"sigaw ko pero hindi na gaano ka lakas ,napa-tigil naman siya at humarap sakin
"ang kapal ng mukha niya"
"nilandi siguro si sir"
"pokpok ata"
"grabe siya"mga kumento nang mga tao sa paligid ,napa-irap naman ako
"silent!"dumadagong-dong ang tinig niya sa palapag ,tumahimik naman ang lahat
"GO BACK TO YOU'RE WORK "sigaw niya ulit,nag-madali naman silang bumalik sa kani-kanilang trabaho
"And you ele ,come with me "hindi siya tumingin sakin diritso na ang lakad niya ,hula ko office niya yan
Ano kayang trabaho niya rito?
Pag-pasok ko namangha ako sa nakita ko malinis wala kang makikitang dumi at ang gagara ng mga gamit niya ,nakita kong umupo si Sy sa pang-boss na upuan
"ang gara mo sy ,grabi office mo to,ang gara ahh"grabe ang ganda ganda talaga
"take a seat"malamig niya sabi-..ay mali utos pala yun,nangingibabaw sa aura niya ang pagiging bossy
"why are you here"malaming niyang tanong
"ay ikaw ba mag ha-hired ng mga tauhan dito ,o sige ulit ako sa pag-papakilala sayo,heheheh"tinignan ko ang reaksiyon niya pero wala talaga kahit ano
"hello ako nga pala si Portia Ele Del Gatilio 17 years old nakatira sa-..."tumigil ako sa pag sasalita nang tinaas niya ang kamay niya
"stop there..."malamig niyang sabi
"eh?"taka kong sabi
"My question is Why are you here?"malaming niya paring sabi
"sabi ko nga hired so ,sabi kasi ni Cassandra Janine Santilian na maha-hired daw ako bilang secretary nang boss mo ,na magiging boss ko na rin"maligayang sabi ko
"alam mo nong papunta ako rito ,marami akong na-isip kong ano ang itsura niya sabi kasi sakin ni janine masungit daw yun kagaya ng boss ko sa mansion nila maarteng boss din daw yong boss rito siguro maputi na ang buhok matandang-matanda na ang itsura at kapag galit daw parang halimaw secret lang natin yun ah "tumango siya nakita ko ang ngisi niya nong tumayo siya
"will then hindi ko sasabihin sa magiging boss mo na maarteng masungit at halimaw that will be our secret "
"and you're hired,you may start you're job tomorrow ,see you ele"inilahad niya ang kamay niya ,tinanggap ko at ngumiti ,hindi siya ngumiti pabalik
"thankyou sy,kaibigan na kita a "tumango siya at umupo na tumalikod na ako ,dahil natanggap ako magce-celebratemona ako ,naka-uwi ako ng gabi na
"JANINE NA TANGGAP AKO!"malakas na sabi ko
"s**t SILENT PLS "nagulat ako sa lalaking boses na iyon
"omg"lumipad ang kamay ko sa bibig ko
"symon"mahinang bulalas ko
"oh nagka-kilala na pala kayo ele this is my kuya ,you're boss you can call him sir axel "natulala na ako ,hindi naako maka-ngiti ,dahil gulat na gulat talaga ako
"nice to meet you again ele"naka-ngisi niyang sabi
SIYA?SIYA ANG BOSS KO !
WTF
____________________________________
____________________________________
Gulat ka na nyan? HAHAHAHA