Episode 1 PANTASYA
Tumatagaktak ang pawis ni Richard ng pumasok siya sa pinto at dumeretso sa banyo upang magshower. Ito ang morning routine niya everyday pagkatapos magjogging.
"Hi Cathy!" Ani sir sa akin pagkalagpas niya bago pumasok ng banyo. Naamoy ko pa ang mabangong pawis ni sir. Sari sari ang pumapasok sa isip ko habang nadidinig ko ang tunog ng lumalagaslas na tubig sa shower. Anu kaya at pumasok ako sa banyo at samahang maligo si sir?.
Ayiee napapangiti ako habang kinikilig at di ko na namalayan kanina ko pa pala kinukuskos ang inidoro sa gigil ko. Napaputi tuloy masyado ang toilet bowl nila mam at sir.
True naman talaga nkakakilig ang kagwapuhan at kakisigan ng amo kong lalaki dagdag pa na super bait niya at magiliw siya sa akin.Minsan nga iniisip ko na me crush din siya sa akin.
"Cathy! Cathy"! Kanina pa ata ako tinatawag ni sir at napatulala pa ako paglingon ko nakatapis lang si sir habang kinukuskos ng towel ang buhok niya at me tumutulo pang tubig sa mukha nya. Halos tumulo din laway ko buti na lang nahabol ko, kakahiya sana kay sir.
"Do you know where is my shaving cream, I know Claire bought me that yesterday but i cannot find it im sorry to bother you?" Namumungay pa mata ni sir habang nkatitig sa akin. Si Claire pla ay ang amo kong babae , ang karibal ko sa napakagwapo kong sir.
"Ay sir ", napatagalog na pati ako at nagkandautal pagsagot kay sir. Sa totoo lang di naman talaga sir tawag ko sa kanya, dito kasi sa Italy ayaw ng mga amo ko tawagin sila sir at mam. We called each other by name.
" Its ok" yun lang nasabi ko sabay ngiti ng matamis kay sir, kinuha ko ang hinahanap niya at iniabot ko sa kanya. Bahagya pang nglapat ang aming mga kamay at para akong mahihimatay sa kilig. Dali dali akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig.
Ganito kami araw araw ni sir dahil kami lang talaga ang naiiwan sa bahay. Work at home kasi si sir, sa America nakabase ang trabaho niya at minsan lang talaga siya umuuwi. Katunayan ngaun ang first time nya umuwi na nagtatrabaho na ako sa kanila, at isang linggo na siya namamalagi dito sa Italya.
Sila mam naman at dalawang anak nila ay maagang umaalis ng bahay. Sa umaga hinahatid ko sa eskwelahan ang dalawang bata at uuwi na ako para maglinis naman ng bahay nila. After maglinis maghihintay ako ng tanghali upang sunduin naman ang mga bata sa skul at bantayan sila. Pagkatapos ko sila pakainin ng dinner saka pa lang ako nkakauwi sa bahay na tinutuluyan ko kasama ang ibang kapwa ko ofw.
Kaya araw araw ko ding pinagpapantasyahan si sir hanggang sa paguwi at nakasakay ako sa tram siya ang iniisip ko. Hindi na ata babalik sa normal ang buhay ko simula ng umuwi si sir galing America. At sana dito na siya magstay para naman masaya lage at inspired ang araw ko.