Hindi na ako makatulog nung gabing iyon dahil sa nangyari at ang ending black circles at eyebags lang ang napala ko. Great Ira, just great. Panaginip lang ba yun o talagang nagiilusyon lang ako? Hay! Gising Ira, masyadon kanang nalulunod sa mga panaginip mo! Pero kasi naman nararamdaman ko parin iyong labi niya sa labi ko. "Hoy Ira bat ka nagblublush?" Napatingin ako sa nasa sofang si Rina na inaayos ang mga make ups at accessory na gagamitin "Hindi naman a! Iyong blush ko to no" napayuko na lamang ako. Kung ano ano kasi iniisip "Girl! Halatang halata yang dark circles mo, natulog ka pa ba?" Pangiintriga sa akin ni Rina "Excited lang at saka kinakabahan" sinabi ko na lamang. "Ay naku girl, kakabahan ka pa sa lagay na yan? Kadate mo si Mico, ang ganda ng damit , natritrigger mo pa si

