Kakalipat lang namin at nasa iisang room yunit lang kami ni Mico ngunit magkaibang kwarto. Kasama namin dito ang RM naming si Ate Len, hindi naman kasi pwede si Ate Pia dahil may ibang handle pa siyang artist. Kanina ay nakasalubong pa ang ibang boyband at girlband groups gaya ng sikat na sikat na boyband group na "Boyscout" kanina na handle din ni Ate Pia. "Lilipat na pala kayo ngayon?" Salubong ni Kyle ang tinuturing nilang leader ng grupo nila. Nakipag high faive ang pitong members kay Mico na parang kilalang kilala ito. Ngayon ko lamang sila makakasalamuha dahil ang alam ko ay sobrang busy nila. Kung sikat kami ni Mico sa lagay na ito ay sampung beses na mas sikat ang pitong lalaking nasa harapan ko ngayon. "Yup bro" sagot ni Mico dito. Napatingin siya sa gawi ko at napagtanto sigu

