Katatapos lamang ang meeting namin sa Paradise Records kasama na doon ang mga mall tours namin. Sobrang hectic na araw-araw ang schedule namin in a good way naman dahil mas lalo lang kaming minamahal ng mga tao. Minsan iniisip ko talaga palang courage ang kailangan mo para matupad lahat ng pangarap mo ano? Kailangan mong ipush ang sarili mo para lang mapatunayan na kaya mo? Nasa van kami ngayon kasalukuyan ay pauwi na sa dorm namin, gusto kong matulog ngunit nagugutom talaga ako. Ayoko naman na matulog nang hindi kumakain dahil paniguradong manghihina ako pagkagising ko kinabukasan lalo na at sasabak nanaman kami sa mga mall shows at guesting bukas. Mommy: huwag ka masyadong magpapagod. I'm more worried about your health than your career Ira. Huwag masyadong tanggap ng tanggap ng project

