Maaga kaming nagising nang umagang iyon upang daluhan ang huling workshop na papasukan namin. Nakailang workshop kami upang mas mahasa ang acting skills namin upang mas maging handa sa kung anong ibibigay sa aming project. Hindi naman na daw kinakailangang patagalin dahil marunong naman na daw kami at may talento daw kami tungkol dito. Nagbigay sila ng script sa amin. Nagnunot na lamang ang noo ko dahil sa mga pamilyar na dialogue na binabasa ko ngayon. "Ready?" Sabi noong mentor namin. Hindi lamang kami ang narito, narito din ang mga rising teen stars ngayon. Mga nanalo sa isang show at pinapasikat ng management. Narito rin ang mga anak ng bigating stars noon na nais sundan ang yapak ng mga magulang nila. "Ira and Mico. Please mauna na kayo" masuyong sabi ng mentor namin. Pagkatapos

