In my dreams
you're with me
We'll be everything
I want us to be
nakarinig ako ng boses, isang malamig na boses na nangagaling sa isa sa mga silid dito sa gusali kung nasaan ako ngayon.
It was a cold voice, so cold that you can actually freeze and it stopped me from walking here in the corridor
And from there,
who knows,
maybe this will be the night that we kiss
for the first time
May isang banda sa aking sistema na nagsasabing sundan ko ang boses na iyon at trinaydor nga ako ng sarili kong sistema, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad patungo sa pinanggagalingan ng boses
Or is that just me
and my
imagination
Nakatayo ako ngayon sa isang silid kung saan ang pinto ay bahagyang nakabukas, sumilip ako para tignan kung sino ang nasa likod ng boses na iyon.
And in that I saw him. He is sitting in the couch, strumming his brown black acoustic guitar. He has a dark brown hair color and same goes with his eyes. His eyes look sad though. Natitigan ko siya ng matagal sa mata, tila mapupungay at pagod na pagod na mga mata.
Maya maya ay bigla na lamang siyang tumigil sa pagtugtog ng kanyang gitara na tila baga naramdaman niyang may nanonood sakanya.
That stunned me kaya agad agad akong umalis sa lugar na iyon, I wanna stay but I dont want him to see me. He is something.
I wonder who is he.
Tumalikod na ako sa pintuan at naglakad na ako palayo nang may makabungo ako.
"Woah there-" natatawang saad ng nakabunggo ko, not knowing it is my bestfriend Karina.
"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo at saka bakit ba nakasilip ka diyan kanina sa may pintuan. Sino bang tinitignan mo?" Should I ask? Huwag na nga lang.
Anyway, we are currently here at the Paradise Records building na pagmamayari ng mga Falcon and that includes Karina because she is the youngest Falcon in her family and her parents run this kind of industry and that is why I am here. Sinama niya ako dito dahil bored na daw siya at magpapapicture siya sa mga singers at performers na nandito ngayon.
I just rolled my eyes, don't judge me I love music really but I just don't like the idea of being famous and all that.
"Wala. Wala I just heard a voice and I just wanna know who is it but apparently hindi ko naman kilala so..." wala na akong balak ituloy pa iyong kuwento ko at gusto ko nalang umuwi
"Huh? Let me see" pipigilan ko sana pero agad naman itong bumalik sa pintuan kung saan ako nakasilip kanina at ginaya lang ang ginawa ko at sumilip na din siya doon.
"Ah siya yung bagong ibubuild up ng Paradise Records. I heard he is really good" sabi ni Rina.
"Yup he is good indeed" pagsang-ayon ko, dahil narinig ko na siya kanina at hindi naman talaga maitatanggi base sa nasaksihan ko kanina.
"Wow, coming from you? He must be really good then" pang-aasar niya pa sa akin. Inirapan ko na lamang siya at tumawa naman ito sa akin.
"Anyway! Umuwi na tayo kasi nagugutom na ako . Its what? 7 pm in the evening and kaninang 1 pm pa tayo dito Rina, balak mo na atang ubusin ang memory ng phone mo para magpapicture sa mga singers dito gayong parang araw araw mo naman sila nakikita" panenermon ko sakanya habnag hila hila ang kamay niya.
Ngunit nagmatigas siya at pinahinto ako sa paghihila sakanya.
"Okay! Pero wait lang, ayaw mo bang malaman ang pangalan niya?" Tanong nito sa akin.
Gusto ko nga bang malaman? Pero bakit gusto kong malaman, he is nothing anyway and who cares.
Imbes na sumagot ay tinalikuran ko na lamang siya at naglakad palayo.
"Hoy teka lang naman! Ang rude mong kaibigan ano?!" Paghahabol sa akin ni Rina. Natawa na lamang ako sakanya.
Bago kami umalis ay nagpunta muna kami sa opisina ng mga magulang niya para magpaalam.
"Mommy alis na kami nito" turo sa akin ni Rina,yup ganyan siyang kaibigan and nagkakasundo kami. Ngumiti naman sa akin si Mrs. Falcon habang may kausap sa telepono. Ngumiti naman ako pabalik. Ll
Mabait naman ang pamilya ni Rina medyo busy lang talaga sila at minsan tila nawawalan na ng oras sa anak pero Rina won't mind hindi siya gaya ng ibang mga bata diyan na nagrerebelde dahil busy ang magulang o di kaya naman ay nasa malalayong lugar para magtrabaho.
"Para naman sa akin ang ginagawa nila so why reklamo, I am happy actually I mean look at them they are trying their best to give me what I want and what I need"
iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag nagtatanong ako tungkol sa pagiging abnormal niyang anak. Naiintindihan ko naman siya at may punto siya. Sino bang anak ang dapat magalit kapag nagpapakahirap ang magulang para maibigay ang lahat sakanila? Well iyon lang siguro iyong mga anak na hindi alam ang salitang pagsasakripisyo.
At naiintindihan ko siya in a way na mas malala pa ang parents ko although ayaw ni Dad na nagtratrabaho si Mommy kaya mas madalas si Mom sa bahay and I am so happy because of that
"Okay! Pahatid na kayo sa driver. Rina you take care okay? And Ira say hi to your mom for me" Pagkatapos ay hinalikan na nito ang pisngi ng ina niya.
"yes mom, anyway where is dad?" Tanong nito sa ina. Marahil ay magpapaalam din ito.
"Nasa studio 21, kinakausap iyong bagong singer for his first appearance and for his first album" sagot ni Mrs. Falcon.
Wow, bago palang pero may album na, looks like he is really good.
Napatingin naman sa akin si Rina at kumindat. Mga kalokohan talaga niya kahit kailan. Napailing na lamang ako
"Can I go there? I mean we? Magpapaalam lang sana ako?" Tanong niya pa ulit sa ina.
Tanging tango na lamang ang naisumbat ng ina dahil kinakailangan nanaman niyang sagutin ang panibagong kakausapin sa telepono.
Agad na hinila ako ni Rina patungo sa hallway.
"So makikita ulit natin siya" hindi ko alam kung crush ba ni Rina iyong bagong singer, mas excited pa ata siyang makita iyon kesa magpaalam sa tatay niya.
"Ayaw mo ba talagang tanungin iyong pangalan niya? I mean puwede kong itanong kung gusto mo" ako ba talaga o ikaw?.
"Huwag na, malalaman din naman ng lahat ng bayan kapag inilabas na siya" sabi ko. Totoo naman kung balak siyang pasikatin. Malalaman at malalaman din ng lahat ang pangalan niya.
"Sabagay pero I heard sikat na daw yun dati pa. He is posting videos of him online daw" never heard about that and I am no fond of social medias anyway.
Mabilis kaming nakarating sa studio kung nasaan si Mr. Falcon.
Pagkabukas namin ng pintuan ay nakita namin agad ang nakaupong si Mr. Falcon habang pinapanood ang lalaking nakita ko kanina na kumakanta habang nakatayo sa loob ng recording room at nagstrum ng guitar. We can hear him sing too.
Bahagya siyang napatingin sa direksyon namin and when our eyes met. May kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko but that doesnt stop him, patuloy lang siya sa pagkanta.
We walk, we laugh, we spend our time walking by the ocean side
Our hands are gently intertwined
A feeling I just can't describe
All this time we spent alone, thinking we could not belong to something so damn beautiful
So damn beautiful
His voice. It never failed me to stop when I hear him singing kahit kanina ko lang siya narinig tila alam at kabisado ko na ang mga iyon.
Hindi ata kami napansin ng tatay ni Rina kaya noong nakalapit kami ay kinalabit niya ito.
Ayaw naman naming mag-ingay dahil baka makaistorbo kami sa ginagawa nila although alam naman namin na hindi naririnig ang boses namin sa kumakantang lalaki sa loob ng recording room.
Ngumiti sa amin si Mr. Falcon at hinalikan ang pisngi ni Rina.
Sumenyas lamang si Rina na aalis na daw kami at isang tango lang din ang sinagot ng ama dito.
Pagkalabas namin ng studio ay agad agad kaming lumabas ng building.
"Ang ganda talaga din ng boses nun no?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
Kasasabi lang naman niya kaninang maganda iyong boses niya. Baliw talaga ito.
Tumango na lamang ako bilang pagsang ayon sakanya.
Dumeretso na kami sa sasakyan niya upang maihatid na niya ako at makauwi na din siya sakanila..
"Pero he is actually a foreign" bukambibig lang talaga kasi ! Hinayaan ko na lamang siya.
"iyong totoo crush mo no?" Hindi ko na talaga pipigilan tinanong ko na.
Umiling naman siya sa akin.
"Damn it! may boyfriend ako shut up ka nga diyan. Ang sinasabi ko lang magaling siya and besides he is 18."
What? He is 18 like me? I thought he is 20 or up. Ang mature nga kasi niya but sabi ni Rina foreign well siguro ganun talaga ata pag foreign mature.
I am beginning to admire him.
"Sabi mo e" nagcrossed armsa na lamang ako at tumingin sa labas. Pinanood ang mga ilaw na nanggagaling sa bawat gusali dito sa Maynila.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Inaantok na tuloy ako.
We walk, we laugh, we spend our time walking by the ocean side
Our hands are gently intertwined
A feeling I just can't describe
All this time we spent alone, thinking we could not belong to something so damn beautiful
So damn beautiful
Nagflash back sa isip ko ang mga liriko ng kantang huling kinanta, siguro at parte ito ng kantang kinakanta niya noong una ko siyang makita kanina lang din.
Simple lang naman iyong lyrics ng kanta ngunit tila lumalalim ng dahil sa boses niya.
Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin
"Salamat sa pagsama huh? Hindi ko kasi mayayaya si Ronnie sa mga ganito" natawa na lang ako sakanya.
Lumabas na ako ng sasakyan at kumaway sakanya. Tatalikod na ako at maglalakad na sana ngunit nagsalita siya ng pasigaw.
"Mico Salazar ang pangalan niya! Alam ko gusto mong malaman" and with that napatigil ako sa paglalakad. Akala ko ba tatanungin niya palang. So sinusubukan lang ako nun huh
Mico Salazar huh?
Well, nice to meet you Mico. My name is Zamira Harmony Loyola