"And it is official, the 18 years old Mico Salazar signed a contract with the Paradise Records" anunsyo ng reporter sa t.v na kanina pa pinapanood ng kapatid ko sa sala.
Inanunsiyo na pala nilang lahat. Pinanood ko kung paano siya ngumiti sa kamera habang pumipirma ng kontrata kasama ang mga magulang ni Rina sa isang lamesa habang may mga camerang nakatutok sa kanila.
He must be happy. This must be his dreams, pang huhula ko pero bakit his eyes say otherwise, is he really happy?. I am starting to get fond of him. Gosh this is wrong Ira.
"I knew it sisikat talaga siya" pagsasalita niya sa sarili niya. Umiling na lang ako. My sister and her fangirlling things
"Ate, do you know him? Have you watch his videos online? God he was so good" agad na tanong ni Phan sa akin nang umupo ako sa tabi niya habang kumakain ng graham.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko pa sakanya na nakita at narinig ko siyang tumugtog kahapon sa Paradise Records dahil maghihisterical nanaman ito sa harapan. She is like that, a fangirl, kung papasok ka sa kwarto niya hindi mo aakalaing kwarto ng isang babae, more like mga mukha ng mga singers at aakalain mong stalker siya. she loves music too but she loves the singer more.
"Hindi ko pa napanood yung mga kanta niya online but I already heard him last week in Paradise Records" there sinabi ko na dahil tatanong at tatanong din lang niya
Lumaki agad ang kanyang mga mata at napatingin sa akin
"Really God! Ate you are so lucky!!" See I told you. Natawa na lamang ako.
"God I wanna see him sa personal, can you ask ate Karina if ano iyong mga schedules niya like saan siya madalas kumain?" And she is spoiled too.
"Karina dont have something to tell Phan" pangungumbinsi ko sakanya.
"But you two are training for the Paradise Records right?" Yup OJT na kami ni Rina since we are 19 years old and I decided na doon mag OJT imbes na sa kumpanya. I love music thats why and pinayagan ako ng magulang ko. Mahal nila ako e
"That doesnt mean we should tell you, its private" sumimangot na lamang siya sa ibang banda at pinanood si Mico sa telebisyon na tumutogtog at kumakanta.
Maya maya ay bigla nang tumunog ang aking telepono.
Rina Falcon calling...
Pinindot ko ito upang masagot at isang tili ang binungad niya sa akin. I rolled my eyes. I know when she is like this.
"Samahan mo ko utang na loob" see no hellos.
"Saan nanaman ? Kung sa mga events ng mga finafangirl mo no thanks" like my sister, fangirl din siya.
"Please! Tutugtog kasi Mico bukas sa isang event sa MOA concert grounds and I really want to watch him! Gosh pinanood ko kagabi ang mga videos niya online oh gosh" napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa kapatid kong kanina pa tutok ang mata sa telebisyon.
"Fine! But isasama ko tong kapatid ko, since she is obssessed with that singer too" at nabuhayan nga siya ng loob
"Who Phan? Of course you can, sabi ko sayo magkakasundo kami niyang kapatid mong iyan e at saka hindi lang to tungkol sa pagfafangirl noh! Sabi ni dad doon na lamang tayo mag OJT muna sa event ni Mico" natatawang sabi niya. Ginamit nanaman niya ang power niya but fine. If its OJT then go.
Nagpaalam na siya pagkatapos noon at napatingin naman ako sa kapatid kong nakatitig lamang sa akin at hindi makapaniwala sa narinig.
"Saan mo ko isasama ate? May event si Mico?" See hindi pa man masyadong kilala si Mico e obssessed na.
Tumango na lamang ako at tumayo para magbihis, iniwan ko siya doong nagtitili
"Magbihis kana kung ako sayo" sigaw ko sakanya habang paakyat ng hagdan.
We are rich like the Falcons, if they are millionaires? Then we are Billionaires. Our family business is like tons of them, hospital, restautant, resorts at isa sa mga pinakapaborito ko ang music store namin kung saan kumukuha ang Paradise Records
Yes, bata pa lamang ako, namulat na sa akin ang musika. My mom even named me Zamira which means good song or a music lover and my second name Harmony which is about songs and I dont know why napanaginipan niya daw kasing tumutogtog ako ng gitara sa may tabing dagat na parang nakita niya ang hinaharap sa akin. Isa din ito sa dahilan kung bakit nila ako pinayagan sa pag OJT sa Paradise Records, because they know I have something in music. We are their priority always kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko
My parents' lovestory is so much written in the books. Napakaimpossible pero nangyari kaya naman umaasa si Phan na mangyayari din sakanya iyon. Na mainlove sakanya ang isa sa mga idolo niya kahit impossible
Kung tatanungin niyo ko kung naniniwala ako sa pag-ibig? Oo naman who wouldnt right? Love is a very powerful thing. It makes you do the things that you hate to do.
Bumuntong hininga ako at kumuha na ng isang cropped top na kulay puti at isang ripped jeans upang magbihis at mag-ayos. I dont have to dress so special. Wala naman akong dahilan para pumunta doon, sasamahan ko lang itong dalawang taong mamatay na kapag hindi nakita ang mga iniidolo at magaassist ng singers which means Mico and the other guest kaya no need to be special.
Inayos ko ang buhok ko ng messy bun, I like it this way. Makakakilos ako ng maayos dahil sa malamang tatakbo takbo ako mamaya.
Alas sinco ng hapon na nang dumating sa bahay si Rina upang sunduin kami ng kapatid ko.
They both wear shorts and a sleveless polo and they both even wear make up. Bahala kang magkalat yan Rina but being Falcon? I doubt kung pagtratrabahuin kami doon.
"Excited na ako ate Rina! Alam mo ba sinubaybayan ko siya online" kuwentuhan ng dalawa habang bumibyahe kami patungo sa MOA concert grounds.
"I know right! He is so young pero nagsusulat na siya ng mga kanta niya" pagsang-ayon naman ni Rina.
If you are asking if I admire him? Yes I do. I really do. I love his music and he is so attracted but that doesnt mean I have to fangirl him. Napagdesisyonan na susuportahan ko siya sa malayo.
"Itong ate mo e, hindi pa aminin na trip din si Mico" pangungulit sa akin ng mga kasama ko.
"Fine, I like him" pagsuko pero nakatitig lamang ang dalawang ito sa akin. May mali ba akong nasabi?
"His music I mean" pagdedepensa kosa sarili ko
Nagkibit balikat na lamang silang dalawa at tahimik na nagpunta sa MOA grounds.
"Miss Rina nandito na po pala kayo,this way po sa VIP section" napapailing na lamang ako habang inaakay kami ng isang staff. OJT pala a.
"Doon muna kami sa harap a mamaya na kami magbabackstage pagkatapos ni Mico para makapagpapicture itong kasama ko, papanoorin muna namin" pagpapaliwanang ni Rina sa plano nito.
"No, dito na lamang ako sa backstage" sabi ko at napahinto naman silang dalawa sa paglalakad papunta sa harapan.
"Sigurado ka? Ayaw mo manood? Akala ko ba you like his music?" Kindat nito sa akin.
Umiling na lamang ako at nagpaiwan sa likod. May screen naman dito okay nako besides makikita ko naman siya mamaya diba? Pero bakit tila excited ata ako. No no no Ira.
"Miss Zamira, dito na lamang po kayo sa dressing room na ito wala pong gumagamit" tumango na lamang ako at pumasok sa loob. Malinis ang kwarto walang kahit na anong gamit pwera sa upuan, salamin at sa tv na nandoon.
Nakaon amg tv kung saan naipapakita ang paligid ng MOA grounds. Naitama pa sa screen ang dalawang kasama ko na tila hindi na ata maprente sa pagkakaupo.
Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binatang pamilyar. Sa gulat ko ay napatayo na lamang ako. Nagulat din siya sa aking presensya kaya napatigil siya.
"Who are you?" Masungit nitong tanong. Psh sungit mo po Mendes. Gwapo ka na sana.
"No one" mabilis kong sagot.
Tinignan niya ko pataas pababa at saka umupo na sa may harap ng salamin.
"Ah ano, aalis nako akala ko kasi walang gagamit nito kaya dito nako" lalabas na sana ako ng magsalita siya.
"stay Its fine, for as long as you are not my fan. I dont want to be disturb while practicing" kibit balikat niya at nagpatuloy na sa pagstrum ng gitara.
Tumango na lamang ako at naupo ulit sa may sofa na naroon sa gilid.
Maya maya pa ay nagsimula na ang event dahil nagsalita na ang host.
Ngunit bukod doon ay nagsimula na din siyang kumanta. Sanay na siguro siyang may nakakarinig sakanya.
Oh, there she goes again,
Every morning it's the same
You walk on by my house
I wanna call out your name
I want to tell you how beautiful you are from where I'm standing
You got me thinking what we could be 'cause
Did he wrote this song too? Kanino kaya niya inaalay ang lantang yan? Impossible kasing wala kang pagaalayan ng iyong mga kanta diba? Ang kanta ay hindi mananatiling kanta lang.
I keep craving, craving, you don't know it but it's true
Can't get my mouth to say the words they want to say to you
This is typical of love
Can't wait anymore, I won't wait, I need to tell you how I feel when I see us together forever
In my dreams you're with me
We'll be everything I want us to be
And from there, who knows, maybe this will be the night that we kiss for the first time
Or is that just me and my imagination
His song is pain. A pure imagination and there is no love in it. Is it possible? Tumitig lamang ako sakanya habang siya ay nakatingin sa chords na tinutugtog niya sa kanyang gitara
Maya maya ay napatigil siya sa pagkanta nang may dumating na staff. Nagulat pa siya dahil nadatnan niya kaming dalawa. Baka kung anong isipin nila.
"Ay sorry po! Pero nagkagulo po kasi sa may harapan" napatingin naman si Mico sa staff at napakunot ang noo.
"What happen?" Tanong nito sakanya.
"Nakatulakan po kasi ang fans ninyo kanina sa harapan kaya may nga nasugatan po kaya madedelay ng konti ang event. Pinapatawag po kayo ng director" pagkatapos ay umalis na din agad ang staff.
"Kaya ayoko ng fans e!" Binagsak niya ang gitara sa lamesa at lalabas na sana.
"What?" Tanong ko sakanya nilingon naman niya ako at kumunot ang noo.
"If you hate those people who loves and appreciates your music then why enter this kind of industry?" Uh oh. Is he mad at me now?
I just saw his burning eyes.
"You know what? It is none of your business" at tumalikod na siya sa akin.
Gaya ng sabi ko, ang kanta ay hindi lang purong isang kanta. Kikilalanin kita Mendes. Kikilalanin ko ang kanta mo.