Kabanata 2

1700 Words
Kasabay nang pagalis niya ang pagdating naman ni Rina na tila hapong hapo sa kakatakbo mahanap lamang ang kinaroroonan ko ngayon. "Ira" pahapo hapo pa nitong sabi habang hawak hawak nito ang dibdib na tila nahihirapan nadin sa pagsasalita at sa paghinga. Kumunot naman ang noo ko. Teka nasan na kapatid ko? "Rina? Anyare sayo? At saka nasaan yung kapatid ko?" Tanong ko dito. Itinaas niya ang isang kamay upang sabihin na sandali lamang dahil hihinga muna siya. Baliw talaga, sino ba kasing nagsabing tumakbo siya papunta dito. Teka bakit nga ba? "si Phan kasi..." putol nitong sabi. Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Huwag mong sabihin na..." humindi ka Rina kung hindi bibigwasan talaga kita. Ngunit kabaliktaran nga ang kanyang sinabi o kinilos. Tumango ito nang dahan dahan at halatang nag-aalala. Walang ano ano ay agad agad nga kaming nagpunta doon sa isang medical booth na nakaabang kapag may mga ganitong sitwasyon at doon nga kung saan kasalukuyang ginagamot ang aking kapatid. Habang nasa daan ay ikuwenento sa akin ni Rina kung anong nangyari. Masyado daw naging excited at aggressive iyong mga nasa likuran na fans kaya naitulak hanggang sa harapan noong tatawagin na dapat si Mico at iyon na nga nadapa ang aking kaibigan at nagkaroon ng mga galos. Nadatnan namin sila doon na ginagamot si Phan at kasalukuyang inaalalayan ng mga medical staff, director at ni Mico na may kausap na malamang ay kaniyang manager. Pinagmasdan ko siya habang papalapit kami doon sa medical booth, nakakunot ang noo nitong pinapanood ang kapatid kong ginagamot. "Phan?!" Napalingon silang lahat sa akin habang nilalapitan ko ang aking kapatid. "Atee!" Sumbong sa akin ng kapatid ko habang turo turo ang mga galos sa kanyang mga binti at siko. Inihipan ko ang kaniyang sugat na alam ko na ganoon ang ipapagawa sa akin.Napatawa na lamang ako sa kaniyang inaasta. Kaya mahal na mahal ko itong kapatid ko na ito e. Si Phan ay 9 gulang at kasalukuyang pumapasok bilang grade 4 kaya isip bata pa ito kahit na isang libo ata ang crush na singer at artista. Napailing na lamang ako at wala na akong ibang maisip pa kundi ang tanungin kung masakit ba. Maya maya ay lumapit naman si Mico sa amin at naupo sa tabi ko na kaharap si Phan. "Okay ka na? Pasensya na" tanong at paumanhin niya sa kapatid ko. Ito namang kapatid ko parang nakakita na nga ng multo dahil kinakausap si Phan. Mas gwapo din pala ito kapag malapitan kesa kanina na may mga distansya kaming dalawa, he got firm jaw, nakataas ang mga buhok niya ngayon na halatang wax na wax. Tumango ang kapatid ko. If I know kinikilig na yan. Who wouldnt right? Wait am I turning to be a fan too? Ngumiti siya nang labas ang mga mapuputing ngipin. Ang gwapo niya din pag ngumingiti. "Good, ireresched iyong concert dahil sa nangyari kaya sa susunod bibigyan na lamang kita ng backstage pass para dito kana sa backstage agad" umaliwalas naman ang mukha ng kapatid ko dahil sa narinig. Kanina lang kulang nalang umiyak to dahil sa sugat pero kinausap lang ni Mico mababaliw nanaman. Bumaling siya sa akin at tinignan muli ako pataas at pababa. Kumunot naman ang noo sakanya. "She is your sister?" Tanong nito sa akin. "Oo" maikling sagot ko sakanya. Ayoko siyang kausapin, nakakatakot siyang kausap. Naalala ko iyong huling pag uusap namin sa dressing room. "You are the friend of the president's daughter then" tumango na lamang ako. Malamang ay sinabi ito kanina ng staff o kaya ni Rina mismo and besides nakita na niya ako sa studio noon ewan ko nga lang kung natatandaan niya dahil tila hindi. Tumango tango siya at agad na tumayo upang puntahan. "I dont want this to happen again, sayang ang oras" naririnig kong sabi ng director sa ibang staff habang si Mico ay nakikinig lang. I know what you are thinking Mico , ayaw mo ding nangyayari to lalo na ayaw mo din sa mga fans mo Pero bakit nga ba? Bakit siya pumasok sa isang industriyang ganitong klase kung ayaw niya ng ganitong mga complications? Maya maya ay ako naman ang kinausap ng mga nakatataas at nagmamanage ng show. "Ira naman! OJT diba? Hindi porket kaibigan ka ng presidente ng Paradise Records ay umaasta kanang ganyan ka" pinapagalitan na ako ng staff. Hinintay muna nilang umalis si Rina bago nila ito ginawa sa akin. Hindi ko din naman sila masisisi dahil hindi ko pinaalam sa lahat na isa akong Loyola at Montecillo. Tingin tuloy ng ilan ay ginagamit ko si Rina. Dito ako umiikot, ngunit ayoko kasing gamitin ang pangalan ng magulang ko para magtagumpay. And thats what name and power can do at the en of the day. Bahagya akong napatingin sa kinaroroonan ni Mico sa malapit. He is staring at me, nakakahiya pero siguro ay alam nadin niya na ganun nga ako. Pareho lang tayo Mico , nagtatago. - Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at walang araw na pinapaalala sa akin nang kapatid ko na ang araw na ito ang araw kung kailan naka schedule ang conert na naudlot dahil sa gulo. Mabilis din naman kaming nakarating sa MOA grounds, mas naging maigting ang seguridad doon. Mas dumami ang mga gwardiyang nagbabantay at nagmamasid sa bawat paligid. Mayroon na ding mga staff na nakakalat sa audience para mabantayan ang bawat galaw ng mga ito. Sometimes fans can be too much pero masisisi mo nga ba sila? Kung ang tanging kaligayahang nararamdaman nila ay nakikita nila sa mga taong gaya ni Mico ? Kahit alam naman nila na impossible silang mapansin lahat. "Ate! Kahit naman hindi ako nasugatan puwede parin naman tayong makapunta dito dahil nagOOJT ka dito at dahil kaibigan mo si Rina" user po talaga itong kapatid ko kaya huwag niyong kakaibiganin. "Baliw ka talaga! Alam mo kahit mayaman ka matuto kang maghirap minsan" inirapan lang niya ako at hinintay si Mico na makarating sa kanyang dressing room. Dito narin kami naghintay sa loob dahil iyon daw ang sabi ni Mico sa mga staff. Si Rina ay nasa harapan ng stage at inaasikaso ang mga staff na nadoon, pinagalitan kasi siya ng nanay niya dahil dapat daw ay inasikaso na muna niya ang concert. Naiintindihan naman iyon ni Rina kaya babawi siya ngayon sa concert na ito at ayaw niyang may mangyaring kahit na anong gulo. Kung tatanungin niyo ako. Mamaya pa ako magtratrabaho, isa ako sa mga staff na magbabantay sa harapan mamaya kapag tumutogtog na si Mico . Mamaya maya lamang ay nagbukas na ang pintuan at iniluwa noon ang isang Mico Salazar, naka suot siya ng black jeans at gray shirt, nasa likod nito ang acoustic guitar niya. Ang simple lang din talaga niyang manamit ano? Kaya din siguro siya nagustuhan ng iba niyang fans, simple pero ang lakas ng dating pero natatakot parin ako sakanya, totoo. "Hi Mico" bati ng kapatid ko sakanya, bumaling siya sakapatid ko at ngumiti pagkatapos ay tumingin siya sa akin pataas at pababa, anong problema niya sa damit ko? Lagi nalang a! Yumuko lamag ako at tumingin sa ibang banda ng kwarto. "Ready kana?" Tanong nito kapatid ko. Tumango naman ito at agad na nakiselfie sa aking kapatid. "A sorry po pero..." pumasokang staff at tumingin sa akin sabay turo sa may stage proper. Tumango na lamang ako at bumaling sa kapatid ko. "Oh dito ka lang! Mamaya nyan hindi lang sugat maabot mo dahil sa kakulitan mo" tumango lamang ang kapatid ko at ngumiti. "I'll take care of her for awhile" napatingin ako sa nagsalitang si Mico . Hindi ko alam kung sasagot ako kaya umoo na lamang ako sa pamamagitan ng pagtango besides kasalanan niya bakit nasugat kapatid ko. Oh Ira huwag judgemental. Tumungo na ako sa may harapan ng stage at doon ako pumwesto sa may gilid nito. Umilaw na ang stage at agad na pumasok ang host. "MOA grounds!!" At nagsimula nang maghiyawan ang mga tao. Ako naman ay naalarma kaya napatingin ako sa may audience na ngayon ay tila mamatay na sa kakatili ngunit hindi gaya noong nakalipas na linggo ay mas kalmado na sila ngayon. "Are you reaaaddy?" Pasigaw na tanong ng host. "Yeeeeeesssssss" isang malakas na sigaw naman ang tanging sagot din ng mga tao. "Pleaseee welcome! Mico Salazar" at doon na hindi magkamayaw ang mga tao sa kakatili. Hindi ko na rin maiwasang takpan ang aking tenga. Naiba ang mga nakasinding ilaw at naging kulay asul. Tumugma ito sa madilim na paligid. "Hellooo MOA!" Masiglang sabi ko kay Mico. Umirap ako, plastik. Sumigaw ang mga tao sa paligid "Okay, just calm down for awhile baka magkasakitan nanaman tayo" at parang isang Diyos na nagsunodan ang mga tao sa paligid. "Thank you guys, for my song tonight is called "I dont even know your name, its gonna be a new song. I composed it the night after the resched concert. So I hope you guys like the half of it" Napatingin ako sakanya sa stage kung saan siya naroon. Talagang may naiisip siyang kanta kahit sa mga ganoong sitwasyon. Iniharap niya ang kanyang gitara at inayos ang kanyang micropono. Maya maya ay nagsimula na siyang magstrum ng gitara. Oh, you waited so long Sometimes, it's hard to stand out And you, don't have to do anything else But be yourself Ooh, woah, oh Tumingin siya sa may mga taong nakataas ang kamay para maipakita ang suporta nila sakanya. Tila ba mayroon siyang hinahanap sa nga ito at hindi mapakali ang kaniyang mga mata. You, you dressed up so nice But all I could see was your eyes And the crowd, came, and pulled you away And then you were gone Ooh, woah, yeaah Napatingin siya may gilid at nagtama ang aming mata. Hindi ko alam ngunit nanatili lamang ang tingin niya sa akin. Mamaya ay magtaka na ang mga fans niya at sa gilid siya nakatingin. And I don't even know your name All I remember is that smile on your face And it'll kill me everyday Cause I don't even know your name Oh, everywhere that I go I see your face and it kills me to know That you'll never know what you did to me And now you're gone Yeah, I can't stop thinking 'bout you Tinapos niya ang kanta sa isang linya o hindi ko alam kung linya ba dahil sinabi niya ito ng pasalita habang nakatingin sa akin o sa akin nga ba? "And now you are here again" Huwag assumera kasi Ira,hindi kayo magkaano ano. Isang hiyawan at palakpakan ang narinig ko sa buong taong naroon. Ngunit nagsimula na ulit siyang magstrum ng gitara at kinanta ang kinanta niya noong una ko siyang narinig. Ira ano na? Anong nangyari. Teka ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD