Kabanata 4

1841 Words
"Lihim" Kabanata 4 "Antagal na rin bago ulit kme nakatambay dito ",wika ni Ar ar pagkapasok sa bahay namin. Totoo ang sinabi nya.. Mag aanim na buwan na din ata silang di nakakapunta dito sa bahay dahil andito si Papa at ayaw nyang nagdadala ako ng mga kaibigan ko sa bahay.. "Oo nga..", sang ayun ni Jp sa sinabi ni Ar ar.. Alas kwatro na ng hapon... At balak naming mag night swimming mamayang tatlo sa pool na pagmamay ari ng subdivision na tinitirhan namin.. Nakapagpaalam na kme kay Mama at pumayag daw ang Presedente ng assosasyon. Basta daw wag lang daw kmeng mag iingay at wag daw mag iiwan ng basura sa pool Area.. "wag kayong maingay. Magagalit si Ate Inday ", saway ko sa dalawa kong kaibigan na nagmamadaling umakyat sa taas ng hagdan para makapunta sa kwarto ko... Alam nman niLang dalawa na nagagalit ang kusinera namin kapag andito silang dalawa.. Katulad ni Papa ay ayaw din ni ate Inday na magdala ako ng kaibigan sa bahay ..pero dahiL wala si Papa ay wala din magawa ang masungit na si Ate Inday.. Khit magsumbong sya kay Mama ay d rin nman ako pagagalitan ni Mama kung magdala ako ng kaibigan ko basta magpaalam lang ako sa kanya.. Nauna na ang dalawang umakyat.. Ako nman ay dumaan muna sa kusina para maglambing kay Ate Inday na maghanda ng meryenda.. "Ate Inday.. ", sigaw ko pero walang sumasagot... "wala sya. Pumunta ng grocery at may bibilhin daw.. ", saad ni Anna na nasa kusina at umiinon ng tubig .. Tumango ako.. "si Mama? ", tanong ko.. "baka mamaya pa uuwe.. Nauna na ko dahil sabi nya ay tulungan daw kitang asikasuhin ang mga kaibigan mo ", sabi nito at tinungo na ang pinto ng kusina... Nilagpasan nya ko pero agad akong pumihit para hawakan ang kamay nya.. "galit ka ba sa akin? ", tanong na biglang lumabas sa bibig ko.. Tumingin muna si Anna sa kamay ko bago tumingin sa mga mata ko.. "hindi no.. ", nakangiting turan nito. "happy Birthday Insan.. ", Pilit akong ngumiti.. Alam kong nagsisinungaling sya.. Binitiwan ko na agad ang kamay nya pagkatapos ng sinabi nya.. "salamat.. Pero pwede pahinge favor.. ", paglalambing ko "akyatan mo nman kme ng meryenda o.. Anjan kse ang mga kaibigan ko ", "ok ", sabi nito at saka pumunta sa harap ng ref.. Naninibago man sa kinikilos ng pinsan ko ay pinagsawalang bahala ko nalng... Mas mabuti nga ang ginagawa nya ngayon kung tutuusin kesa noon na parang laging nang a*kit ..pero bakit ganun parang di ako masaya.. "salamat ", sabi ko na lamang bago sya iwan sa kusina.. ---- "Ano ?di ka na mag aaral? ", sabay na tanong ng dalawa.. "para nman kayong iwan ", asik ko sa mga ito "db nasabi ko na yan sa inyo bago magbakasyon... D na ko papasok.. Saka nlng siguro... ", " pero sayang Pre.. Basta ako papasok ako ", sabi ni Ar ar na busy ang kamay sa pagpindot ng selpon.. "ako rin..mas maraming chix dun Pre... ",sabi nman ni Jp.. "May Chix na ko ", pagyayabang ko sa mga ito... "matagal na nming alam yun ", tila walang interest na malaman ni Ar ar ang sinasabi ko.. "talaga ha? ", nakangising wika ko.. "wag mong sabhing may bago kang syota ngayon? ", tanong ni Jp.. "Meron... Bago.. Nagbreak na kse kme ni Lisa ", mayabang na wika ko.. Pero d man Lang ako pinansin ng dalawa.. Sa halip ay lumagpas ang tingin ng dalawa sa likod ko.. Paglingon ko ay nakita ko si Anna na may dalang tray.. Napalunok ako ng makita si Anna.. Napaka sexy nito sa suot na sando at maiksing short.. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple ng dalawa kong kaibigan di man lang kumukurap hBang nakatingin sa pinsan ko.. "ang hot nga Pre.. Sino yan ?”tanong ni Ar ar na halata ang paghanga .. "sino sya? ", tanong din ni Jp.. "ah... Si Anna.. Pinsan ko ", pakilala ko sa pinsan ko.. Matamis na ngumiti si Anna sa amin bago lumapit at ilagay ang dalang tray sa mesa.. "Ah.. Anna.. Ako nga pla si Ar ar.. Kaibigan ni Ronnel... ",nakangiting wika nito sabay lahad ng kamay para makipagkamay.. Agad na inabot ni Anna ang kamay ni Ar ar.. Pagkatapos ay bumaling ito sa nagseselpon na si Jp... "ikaw? " tanong ni Anna.. "Jp.. ", maiksing sagot ni Jp at ngumiti kay Anna.. Sa dalawa, si Ar ar ang tila na love at first sight kay Anna.. "ako ng bahala rito ", sabi ko kay Anna... Gusto kong lumabas na agad sya sa kwarto ko dahil hindi ko gusto ang pakikipag ngitian nya kay Ar ar... Naiinis ako.. "grabi ka namn Pre,dito na muna sya para d nman tayo boring ", si Ar ar na ayaw paalisin si Anna.. Tumingin ako kay Anna ..sa pamamagitan ng mata ay nakipag usap ako sa kanya na lumabas na.. Naintindihan nman nya ahad dahil agad syang tumayo at nagpaalam... "Labas na ako.. Madami pa kong gagawin ", turan nito at nagpaalam na. Alam kong nagsisinungaling sya,wala nman talaga syang ginagawa dito sa bahay.. ---- Nang dumating si Mama ay nagpaalam na kmeng maliligo na , alas otso na ng gabi.. "basta anak.. Wag mag iingay at wag magkakalat.., ayaw kong makarinig ng reklamo ", bilin ni Mama bago kme payagan.. "opo Mama. ", nakangiting wika ko. "sge na.. Uuwe agad ha? Happy birthday anak ", sabi nito at humalik pa sa pisngi ko.. "sama mo ang pinsan mo mmbaka gusto nya--- "salamat po pero wag na Po..wala din nman syang ksamang babae.. Di rin sya mag eenjoy ", "kunsabagay.. ", Ayaw ko talagang isama si Anna.. Pagkalabas ko ng kwarto ni Mama ay nagmamadali na kmeng umalis. ----- Pagdating nmin sa pool ay tahimik naming inayos ang dala nming pagkain... Nagulat ako ng nilabas ni Ar ar beer in can na nsa bag nya. "bawal yan!! " ani ko.. Tumawa si Ar ar... "tag isang bote lng nman tayo at isa pa.. D nman ito nakakalasing ", Ngayon ang unang beses kong iinom ng beer.. Dahil ayaw din ni Mama na mag iinom ako dahil baka daw magaya ako kay Papa na malaki ang tyan.. Iwan ko ba kay Mama.. Natatawa ako sa sinasbi ni Mama pero sinusunod ko nman sya.. Tinanggap ko na lamang ang inabot na beer ni Ar ar at d na nag komento.. ---- Alas onse na ng gabi at napagod na kme sa kalalangoy kaya nagpasya kmeng kumain na muna at inumin ang beer ... Kinuha ko ang selpon ko at binasa ang text ni Suzet.. "Happy Birthday Ron,i Love you ", text ng girlfriend ko.. Napangiti ako ng mabasa ang text nya.. "salamat.. Bukas gala tayo ",reply ko "i Love you", "naks. Mukhang mahal mo bago mong gf,birthday boy aa ", pang aasar ni Jp.. "ganyan nman yan sa mga gf nya parang di ka na nasanay jan ", sabat ni Ar ar.. Tama sila.. Ganito nman ako sa mga nakakarelasyon ko.. Pinaparamdam kong mahal ko sila para kapag nagkipaghiwalay ako ay wala silang masabi sa akin. " Ron.. Tulungan mo nman ako pinsan mo ", wika ni Ar ar. "sabi ko na nga ba.. Tinamaan ka sa magandang pinsan ng kaibigan natin ", sabi nman ni Jp.. "ang ganda nya..para syang Dyosa sa paningin ko ", nakangiting saad ni Ar ar na nakatingin pa sa kawalan.. "Ron... Ireto mo ko sa knya ', at tumingin sa akin.. Naisip kong baka mas maganda na yun... Baka kapag anjan si Ar ar ay mawala na ang nararamdaman kong kakaiba kapag nakikita ko ang pinsan ko kaya agad kong ibinigay ang number ng pinsan ko... Bandang ala una ng magpasya kmeng umuwe na.. Madaling araw na at kailangan na rin nming umuwe dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.. "sa bahay na kayo matulog ", yaya ko sa dlawa pero tumanggi sila.. "wag na Ron.. May dala kmeng sasakyan.. At isa pa.. Magagalit si Papa pag di ko agad naibalik ang kotse nya ", sabi ni Ar ar... May driverlisense na ito dahil deseotso na.. Naiinggit talaga ko kay Ar ar.. Nsa tamang gulang na kaya lahat sa kanya ay legal na.. Pwede na dahil de na sya menor de edad.. Pagpasok ko sa bahay ay dumertso ako sa kwarto ko para magbanlaw pagkatapos ay agad akong nakatulog dahil sa pagod khit na basa pa ang buhok ko.. Kinabuksan ay nilagnat ako.. Nagising akong masakit ang ulo ko at nilalamig ako... At dahil maaga umalis si Mama ay si Anna ang nag alaga sa akin.. "Kamusta ng pakiramdam mo? ", nag aalalang tanong nito.. "ok na ko ,salamat Anna.. ", Kakainom ko lng ng gamot at alam ko maya maya lng ay wala na kong lagnat.. "sinat Laki Lang yan ", biro ni Anna.. Tumawa ako... "ikaw Ron.. Bat mo binigay ang number ko kay Ar ar... Ang kulit nya ..kanina pa sya tumatawag ", "gusto ka daw nya e at alam kong ganun ka rin.. ", "pano mo nasabing may gusto ako sa kanya? ", tanong ni Anna.. "halata nman.. Kung makipag ngitian ka kahapon ..", di ko alam pero parang sa pagkakasabi ko parang nagseselos ako.. Mahinang tumawa si Anna.. "napansin mo pla ", sabi nya.. "oh sya. Magpahinga ka na muna.. ", sabi nito at tumayo na.. Tumango lng ako khit ayaw ko pa talagang umalis si Anna.. D ko na alam sa sarili ko.. Nagkakagusto ako sa pinsan ko... Alam kong mali kaya talagang pinipilit kong pigilan ang sarili ko ..mas mabuti kong maging sila ng kaibigan ko para d na lalong lumalim pa ang nararamdaman ko sa pinsan ko... Tenext ko mua si Suzet na babawe ako sa susunod dahil di matutuloy ang gala namin dahil nagkasakit ako.. "wag mo na ring sabhin kay Mama dahil baka mag alala sya ", text ko pa. Mga ganitong oras ay alam kong busy sila kaya d ko na inantay ang reply ni Suzet at natulog na ko.. Puyat ako kagabi.. Mamaya paggising ko ay kakain ako ng tanghalian para makainom ulit ng gamot.. At pagkalipas ng dalawang araw ay gumaling na ko.. Kaya ako na muna ang tumao sa hardware dahil palaging masama ang pakiramdam ni Mama.. At paglipas pa ng dalawang buwan ay magandang balita ang sinabi ni Mama sa akin. "anak.. Buntis ako ", umiiyak na wika nito bago iabot sa akin ang pt na hawak nito "magkakaroon ka na ng kapatid ", Halos di ako makapaniwala sa nalaman ko... Sa wakas magkakaroon na ko ng kapatid.. Sana lng ay babae.. Dahil yun ang gusto ni Papa.. Tatlong lalaki silang magkapatid kaya sabik sya sa anak na babae... "alam na ba to ni Papa? ", tanong ko kay Mama.. Umiling si Mama.. "ako na ang magsasabi basta.. Wag mo muna sabhin aa ", Marahil ay balak isorpresa ni Mama si Papa pagtimawag ito sa kanya. "sge po ", Alam kong kahit d makakauwe si Papa ay masayang masaya sya pagnalaman nya na buntis si Mama.. - Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD