Kabanata 3

1646 Words
"Lihim" Kabanata 3 Tulad ng inaasahan ay nagmukmok nga si Mama.. Kaya pansamantalang ako ang magbabantay sa hardware.. Wala na rin nmang pasok kaya ayus Lang ... Mas mabuting sa hardware ako mamalagi kesa nman sa bahay namin na nandun ang pilyang si Anna.. "pasensya ka na anak.. Talagang wala ako ngayon sa Mood para magbantay sa hardware ", wika ni Mama pagkapasok ko sa kwarto niLa ni Papa.. "Ok Lang po Ma.. Ako na po ang bahala ..", nakangiting saad ko "itetext ko nlng po sayo ang mga items na kailangan nang iorder sa buyer ", Ngumiti si Mama.. At hinaplos ang buhok ko.. "mana ka talaga sa Papa mo, anak.. Maasahan ka ", Baka nga yun ang isang katangiang namana ko sa Papa ko... Palagi akong naaasahan ni Mama.. Ayaw kong magalit sya o magtampo sa akin lalo na at sya lang ang sa kanilang dalawa ni Papa ang nagpaparamdam sa aking ng pagmamahal ng isang magulang.. "syempre nman po ", nakangiting wika ko kay Mama bago halikan sya halikan sa pisngi. "text ka nlng sa akin Ma.., alis na po ako ", paalam ko bago tumayo at lumabas ng pinto ng kwarto.. "ingat ka anak ", narinig ko pang wika ni Mama.. Paglabas ng kwarto ay dumaan muna ako ng kusina.. Para ipagbilin kay Ate Inday na lutuan si Mama ng paborito nyang sinigang na hipon.. Yun kse ang alam kong comfort food ni Mama sa tuwing umaalis si Papa.. "Ate Inday.. Yung sinigang na ---- "wag mo ng sabhin dahil alam ko na yun.. ", mataray na wika ng aming kasambahay.. Kung di lng to pinagkakatiwalaan ni Papa.. Ang sarap ng palayasin ni Ate Inday.. Maasahan nman kse talaga ito pagdating sa kusina... "basta ikaw na bahala kay Mama ", wika ko na lamang bago lumabas ng bahay pagkatapos ay sumakay sa motor ko at pinaharorot ito. -- At dahil may madaming bumibili ng materyales ay d ko napansin ang oras.. Masyado kmeng abala ng mga tauhan ni Mama.. Bawat segundo ay mahalaga dahil sa sunod sunod na orders... Ang iba ay tinatawag lng sa telepono at ang ibang costumer nman ay pumupunta pa ng hardware para bumili ng mga materyales. "Ron.. ", boses ni Anna.. Agad akong napaangat ng tingin..d ko sya napansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa paglilista ng mga inorder na itinawag lng ng buyers.. "kain ka muna ",wika pa nito.. "anong oras na ba? ", tanong ko "tanghali na.. ", sagot nito at ipinatong ang dalang plastik na may lamang baunan "inutusan ako ni Tita na hatiran ka ng tanghalian mo ", Tumango lng ako at saka ipinagpatuLoy ang ginagawa.. "d ka pa ba nagugutom? ", narinig kong tanong nito. Gutom na rin ako ngayon dahil naamoy ko ang nilutong ulam ni Ate Inday ... "mauna ka nlng doon sa kwarto ni Mama. Ilagay mo nlng yan doon at umuwe ka na ", saad ko.. "ayaw mo ba kong nandito? ", Umiling ako.. "hindi nman sa ganun.. Syempre.. Walang kasama si Mama sa bahay. Mas mabuting nandun ka ", paliwanag ko. Mas mabuting wala sya sa tabi ko dahil sigurado akong kung ano ano na naman ang gagawin nyang pang iinis sa akin.. "pero sabi ni tita dito daw muna ako ", nakangiting wika nito "tulungan daw kita dahil baka mahirapan ka " "ayus lang kaya ko nman e at isa pa.. Anjan nman si Suzet na maasahan ko.. ", Nakita kong sumimangot si Anna.. "Mas gusto mo ba syang kasama dito kesa sa akin na pinsan mo? ", "hindi nman.. Pero kse ---- "edi wag kung ayaw mo... Isusumbong kita kay Mama na ayaw mo ko dito ", Minsan may pagkaisip bata rin to si Anna e.. D ko alam kong talaga bang dese syete na sya... Dahil kung pagbabasehan ang ugali nya.. Ay para lang syang katorse.. Naiinis itong tumayo para pumunta sa kwarto at ilagaya ang dala nyang tanghalian.. Di na ko nag abala pang tawagin o pigilan ito dahil ayaw ko rin nman syang narito sa hardware at baka di ko pa magawa ng maayos ang trabaho ko. Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na rin ang ginagawa ko.. Iniligpit ko ang papel at bolpen na nasa mesa at tumayo para kunin ang dalang pagkain ni Anna.. D ko napansin kong nakaalis na to..alam kong Di na sya mag aabala pang magpaalam sa akin dahil alam kong inis sya dahil sa sinabi ko. Pero nagulat ako ng makita ko syang natutulog sa kama pagkapasok ko sa kwarto.. D pa pla sya umalis at natutulog lang pla..siguro ay may ginawa sya at napagod kaya nakatulog agad. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Anna na mahimbing na natutulog.. At aaminin kong napakaganda nya sa paningin ko... Napalunok ako ng mapadako ang mata ko sa labi nya.. Tila ba inaanyayahan ako nitong hal*kan ang mapula nitong labi.. Agad kong kinuha ang plastik na nakapatong sa mesa at nagmamadaling lumabas bago ko pa makalimutang pinsan ko ang babaeng natutulog sa kama.. Binuksan ko muna ang aircon bago isara ang pinto.. Hahayaan ko munang matulog si Anna.. --- "ang ganda ng pinsan mo Sir Ron.. ", wika ni Suzet.. Alas tres na at d pa rin lumalabas ng kwarto si Anna.. Marahil ay tulog pa ito... Kasalukuyan kameng nagmemeryenda.. Mamayang alas singko ay magsasara na kme.. "Wag mo na kong tawaging Sir... Magkaedad lng nman tayo ", nakangiting turan ko kay Suzet.. "18 ka na po pla sir? ", gulat na tanong nito... "16 na ko sa susunod na linggo ", nakangiting turan ko kay Suzet.. Ang cute ni Suzet habang kumakain ng turon... "ah mas matanda po pla ako sayo ", "nako.. Wag na nga natin pag usapan ang edad. ", natatawang wika ko bago inumin ang softdrinks na nsa baso.. "dalaga pa yang pamangkin ko Ron ", sabat ni Aye Chu sa usapan namin ng pamangkin nya.. Tumingin ako kay Suzet at nakita ko ang pamumuLa ng pisngi nito.. "Maganda sya db Ron? ", tanong pa nito na sinang ayunan ko.. "Opo Ate ", nakangiting turan ko. "ligawan ko na pamangkin nyo Ate ", biro ko.. Magsasalita na sana si Ate Cho ng marinig ko ang boses ni Anna. "Ron... ! Uuwe na ko ",paalam nito.. Halatang bagong gising lng ito.. Tumingin ako dito ay saka tumango.. "pakisabi kay Mama.. Dito ko matutulog ha? ", bilin ko.. "sge ", sagot nito at sinulyapan pa si Suzet na nakaupo sa tabi.. Pag alis ni Anna ay d na kme nakapag usap pa dahil madami ng costumer ang kailangang asikasuhin... ---- Mabilis na lumipas ang mga araw.. Nanatili ako sa hardware at si Anna nman ang madalas na maghatid ng pagkain tuwing tanghali.. Napansin ko ang pananahimik nya.. Medyo d na sya katulad ng dati na madaldal lalo na kapag kausap ko si Suzet.. Nililigawan ko na kse si Suzet.. Pumayag nman sya basta daw wag lang namin sabhin sa Tita Cho nya.. Samantalang si Mama nman ay padalaw dalaw lang dito sa hardware.. "Ma.. Pinsan ko ba talaga si Anna? ", tanong ko kay Mama.. Andito sya ngayon sa hardware .. Alam ko nmang pinsan ko si Anna pero kse aaminin kong nalungkot ako dahil pakiramdam ko umiiwas sya sa akin.. Di ko alam pero nasasaktan ako.. "oo nman anak... Anak sya ng tito Sam Mo... Kapatid ng Papa mo... Kaya magpinsan kayo...bakit mo natanong..? ", Ngumiti ako at iniwas ang tingin kay Mama.. "binibiro lng po kita ", palusot ko.. "asus... Bakit ano na nman ang gusto mong hingin sa akin? ", nakangiting tanong ni Mama. Agad akong umiling.. "wala nman po ", sagot ko.. "ano bang balak mo sa Birthday mo? ", tanong ni Mama.. Birthday ko na pala sa susunod na araw at wala akong balak na magkaroon ng salo salo... Ayaw ko ng madaming bisita sa bahay.. Magulo.. "wala nman Ma.. Baka magswimming nlng kme nila Ar ar at Jp... " "ayaw mo bang ---- "wag na Ma.. Ayaw ko ng gumastos pa at isa pa.. Ok na ko sa swimming ", "sge,ikaw bahala anak ", wika ni Mama.. "nga pala anak.. Malapit na ang pasukan.. Saang Unibersidad mo ba balak pumasok? ", "ayaw ko na po muna mag aral Ma.. Saka nlng po.. Pahinga na muna ako ", Biglang nalungkot si Mama sa sinabi ko.. "pero anak. Sayang nman ang taon.. " "babawi nlng po ako Ma ", nakangiting wika ko... "hay nako.. mana ka talaga sa akin.. Tamad mag aral ", natatawang wika ni Mama "buti talaga nakilala ko ang papa mo.. At naging ganto anc buhay ko ", "Oo nga Ma.. Mana talaga ko sayo ", Dahil sa sinabi ko ay hinampas ako ni Mama sa braso.. ---- Bago sumapit ang kaarawan ko ay sinagot ako ni Suzet.. "wala ng bawian ha? ", bulong ko rito habang hawak ko ang kamay nya .. Narito kme ngayon s kwarto dito sa warehouse.. Si Anna ang nagbabantay sa kaha dahil biglang sumakit ang ulo ko.. Siguro dahil sa init ng panahon... Summer kse. "Oo nga ", mahinang wika nito "basta dapt walang makakaalam dahil baka --- "Oo.. Sekreto lng natin ", sabi ko at hinawakan ang baba ni Suzet at iniharap sa akin.. Mabilis ko syang hinalik*n sa labi.. Na ikinagulat nya. "Ron... Bakit mo ko hinalik*n ?baka ---- "walang masama doon dahil boyfriend mo na ko ", "pero kse firstkiss ko yun ", mahinang wika nito.. Natawa ako ng nahihiya pa itong tumingin sa akin.. Hinal*kan ko ulit sya kaya kinurot nya ko.. "pilyo ka Ron ", irap na wika nito sa akin.. "sge na. Labas na ko at baka hanapin na ko ", at tumayo na. Khit ayaw ko ay binitiwan ko ang kamay nyang hawak ko.. "sge.. Mamaya.. Lalabas na ko.. Pahinga lng ako kunti ", Ngumiti lng ito bago umalis. Natatawa na lamang akong nahiga sa kama.. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako... -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD