Kabanata 26

1941 Words
"Lihim" Kabanata 26 Abala ang lahat sa pagtatanim ng mapansin kong tila d mapakali si Kuya Dodong habang kausap ang ama sa selpon.. "Talaga to Jose oh! Lagi nlng ganyan! Alam na may deliver ngayon e.. ", wika ni Kuya Dodong "sige Pa.. Ako na ang bahala... Baka may marunong dito ", Nang maputol ang tawag ay agad na itinago ni Kuya Dodong ang selpon sa bulsa.. "Baka may marunong magmaneho dito..?", sigaw ni Kuya Dodong.. Nagkaroon ng bulungan sa mga kasamahan ko.. "ikaw Ron? Marunong ka ba? ", tanong ni Kuya Cesar sa akin at nakita ko pa ang pagngisi nya. Alam kong gusto nya lang akong ipahiya.. At nakikita ko yun sa mga mata nya.. Nakita kong lahat ng ksamahan ko sa pagsasaka ay nakatingin sa akin. "Marunong ka ba Ron? Wla kseng magmamaneho ng isang truck ng mga gulay na idedeliver pa sa buyer sa Maynila. ", bakas sa mukha ni Kuya Dodong na desperado na itong makahanap ng driver "bwes*t kse to si Jose... Alam na may deliver ngayong araw... Nagpakalasing kagabi.. Ngayon tuloy di makabyahe !", "Opo ", sagot ko at tumayo ako.. "sigurado ka? "gulat na tanong ni Kuya Cesar. Halatang di ito makapaniwala "may lisensya ka naman?" "natoto lng po ako sa dating pinasukan kong hardware ", pagsisinungaling ko.. Ang mga ksamahan ko sa trabaho pati na si Ate Rosa ay walang alam sa tunay na katayuan ko sa buhay..ayaw kong malaman niLa ang buhay ko kaya iwas ako sa kanila sa tuwing nagtatanong sila tungkol sa pamilya ko.. Palagi ko lang sinasabi na.. Di ko masyadong close ang Mama ko(kapatid ni Ate Rosa) dahil sa papa ko ako lumaki. Sumama lang ako sa tita Rosa ko dahil nabanggit nitong may mapapasukan akong trabaho dito sa BicoL.at dahil may bagong pamilya na si Papa ay mas pinili kong sumama kay Tita nung nagkita kme. Tingin ko ay naniwala nman siLa sa mga sinsabi ko.. At khit mas madami akong alam sa mga bagay bagay ay mas pinipili ko nlng manahimik kesa mangialam.. Pero ngayon.. Gusto kong maging isang driver sa isa sa mga truck na pag aari nina Mang Ambo... Maliban sa malaki na ang sahod kumpara sa pag sasaka ay d pa masyadong nakakapagod.. Gusto kong makapag ipon ng malaki para makapag negosyo.. Napansin ko kseng walang malaking sari sari store dito sa lugar namin... Kailangan pang pumunta sa bayan ang mga may maliliit na tindahan para makapamili.. "Ron! Tara na! ", sigaw ni Kuya Dodong sa akin na nauna na palang naglakad. "tatanghaliin na ang mga gulay.. Magagalit na ang buyer nito! ", Agad kong iniwan si Kuya Cesar na nakita kong nakasimangot... Tiyak kong di sya masaya kung magiging isa na kong driver pagkatapos ng araw na to... ----- Agad akong sinalubong ni Ate Rosa at Ronron.. Pagkauwe ko kinabukasan.. "Nag alala ako kahapon nung di ka nakauwe ", bungad agad sa akin ni Ate Rosa "pumunta pa ko dun khit gabi na.. Akala ko kung napano ka na ", Pagdating ko nga kanina ay agad na sinabi sa akin ni Mang Ambo na pumunta nga doon si Ate Rosa at hinahanap ako.. Alalang alala daw itong baka napaano na ako.. At sa totoo lng ay natuwa ako sa ginawa ni ate Rosa.. Nakakataba ng pusong malaman na nag aalala sya sa akin.. Kaya habang pauwe dito kanina ay d ko mapigilang mapangiti.. Magdadalawang taon na rin akong nakatira sa kanya at masasabi kong maalalahanin syang tao... "Bakit nman po kayo pumunta dun ng gabi.. Baka po matuklaw kayo ng ahas o di kaya ay mapahamak kayo lalo at madilim na.. Iniwan nyo pa si Ronron dito mag isa sa bahay ", wika ko pagkapasok sa loob... Nakita ko si Ate Rosa na dumeretso sa kusina at pinagtimpla ako ng kape.. "eh sa nag alala nga ko sayo... Wala nman kseng nagsabi sa akin na nagmaneho ka papuntang Maynila ", sabi nya sabay abot ng kape sa akin.. "salamat ", wika ko pagkatapos abutin ang kape at agad akong humigop.. "khit na po.. Wag na po kayong mag alala sa akin.. ", "ipaghahain na kita at isa pa masisisi mo ba ako kung mag alala ako sayo.? ", sabi nito at bumalik ulit sa kusina. Nakangiti akong sinundan ng tingin si ate Rosa.. Maasikaso.. Maalalahanin at madiskarte.. Mga katangian ni Ate Rosa na paunti unting minahal ko sa paglipas pa ng panahon. ----- "Ron.. Bawasan mo nman ang ipon mo jan.. Magpainom ka na ", biro ni Kuya Garry sa akin.. Pero agad akong umiling.. "nako.. Pasensya na po Kuya Garry.. Nakabudget na po ang pera ko e ", wika ko. Nagpapagawa kse ako ngayon ng munting sari sari store para kay Ate Rosa.. Gusto ko kseng mamalagi nlng sya sa bahay para mabantayan nya si Ronron.. "Ganyan ka naman e. Kabinatang tao eh masyadong kuripot ", "may pinagkakagastusan pa po kse ako, hyaan nyo po pagnatapos ang sari sari store ni Tita.. Magpapainom po ako pero isang bote lng po aa ", wika ko bago magpaalam. Sahod ko ngayon at bumili ako ng kalahating lechon manok sa bayan kanina.Pagkatapos kseng magsaka maghapon ay nag eextra ako minsan magdrive at pumapayag naman si Mang Ambo ..ang sinahod ko ngayon ay ang pitong araw kong pagiging driver.. Madalas na kseng umabsent si Kuya Jose dahil may sakit daw itong iniinda.. Kaya ako ang madalas na humahalili sa kanya kapag di sya makpagmaneho.. Magseselebreyt ako ksama ang itinuring kong Pamilya dahil sa wakas.. Simula bukas ay driver na ko ng truck na nagdedeliver ng gulay sa mga suki nina Mang Ambo sa Maynila.. Masaya kong ibinalita kay Ate Rosa sa hapag na d na ko magtatrabaho sa sakahan bilang magsasaka kundi bilang driver na.. "buti nlng talaga Ron... Marunong kang magmaneho at khit papano ay d ka na masyadong mahirapan sa pagtatarabaho sa sakahan ", nakangiting turan ni Ate Rosa.. "oo nga po.. Nagamit ko po rito ang natutunan ko sa Maynila ", nakagiting turan ko habang sinusubuan si Ronron.. "Ngayong makakapunta ka na ng Maynila... Uuwe ka na ba sa inyo? ", tanong ni Ate Rosa.. Saglit akong natigilan..Tama sya. Pwede na kong umuwe sa amin kung gugustuhin ko.. "bakit ayaw nyo na po ba ako dito.? ", sa halip ay pabirong tanong ko.. Narinig ko ang pag iling ni Ate Rosa.. "baka kase namimiss mo na ang pamilya mo.. Ang mama mo.. ", Miss ko na nga talaga sila pero parang ayaw ko pang magpakita sa kanila....lalo na kay Papa.. Para sa akin ay di sapat ang dlawang taon para makalimutan nito ng tuluyan ang kahihiyang ginawa ko.. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.. "sge po, kapag may oras.. Sisilip po ako sa amin ",wika ko na lamang "eh kayo po? Kelan nyo balak dumalaw sa kamag anakan nyo sa Quezon..? ", tanong ko.. Nabanggit nya kase sa akin minsan na sa Quezon sya ipinanganak at lumaki kaya naisip ko na baka andun ang mga kamag anak nya.. "ipaubos mo na yang pagkain kay Ronron para makapaglinis na sya ng katawan ", sa halip ay wika ni Ate Rosa at tumayo na.. Tapos na syang kumain at alam kong iniiwasan nya lang ang tanong ko.. Ano kayang dahilan at palaging iniiwasan ni Ate Rosa na pag usapan ang tungkol sa pamilya nya? Ang daming haka haka na nabubuo sa isipan ko pero d ko malalaman ang totoo kung hindi mismo si Ate Rosa ang magsasabi sa akin.. Malungkot ko syang sinundan ng tingin.. ---- Nakatayo ako sa di kalayuan habang pinagmamasdan si Mama na masayang nakikipag kausap kay Ysa na ngayon ay pitong taong gulang na at nag aaral na sa grade 1.. Nsa labas sila ng bahay at siguro ay nag aantay ng school bus.. Nagpaalam ako sa kasamahan ko sa truck na may pupuntahan lang ako saglit at pumayag naman ito.. Masaya akong malaman na masaya parin sila khit na wala ako. Maya maya pa ay nakita kong may humintong school bus sa harap nila Mama.. Humalik muna si Ysa sa pisngi ni Mama bago sumakay ng school bus.. Nang makaalis Ang school bus ay nanatiling nakatayo si Mama sa labas ng bahay. Napansin kong palinga linga pa ito.. Tila may hinahanap.. Marahil ay naramdaman nyang may nakatingin sa kanya.. Naramdaman nya ang presensya ko.. Gusto kong lapitan si Mama at yakapin ng mahigpit pero nagdalawang isip ako na baka biglang lumabas si Papa ng bahay.. Bahala na.. Gusto ko lng yakapin si Mama at sabihing miss ko na sya subra.. Kaya dahan dahan akong lumapit. Nang malapit na ko kay Mama ay narinig ko ang boses ni Papa.. "Marissa! Pumasok ka na dito at dalhin mo ang dyaryo ", sigaw ni Papa kaya nagmamadaling pumasok si Mama sa loob at isinara ang gate.. "Ma ---", pero naisara na nya ang gate.. "sayang ", usal ko.. "d ko man lang nayakap si Mama ", Pero ok lng atleast nalaman kong ok sila khit wala ako.. "Baka nga nakalimutan na nila ako.. "bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palayo sa bahay nina Mama... May parang kumurot sa puso ko dahil sa naisip ko. --- Alas singko na ng hapon ng makarating kme sa hacienda ni Mang Ambo. "inom tayo ", yaya ko sa ksama kong si kuya Bok. Pumayag sya kaya alas otso na ko nakauwe sa amin.. Lasing na lasing ako dahil sa pagod, puyat at gutom .. "Diyos ko nmang bata ka bat ka nag pakalasing? ", wika ni Ate Rosa habang inaalalayan akong makaupo.."anong gusto mo? Gusto mo bang kumain? ", "gusto ko po ng mainit na kape ", "sge ..dito ka lang pagtitimpla kita ", at iniwan na ko.. Bigla nlng tumulo ang mga luha ko ng maalala ko si Mama .. "subrang miss ko na siLa ", wika ko habang umiiyak "pumunta ako sa amin kanina at talagang kinalimutan na ko ni Mama ", wika ko habang nakatingin kay Ate Rosa na nasa harap ko at may bitbit na kape.. Agad nyang inilapag ang kape at niyakap ako... "Ssssshhh.. Wag mong sabhin yan.. Alam kong d ka nakakalimutan ng Mama mo.. ", bulong ni Ate Rosa sa akin habang marahang hinahaplos ang likod ko.. "pero masaya na silang wala ako ", "ganun talaga ang buhay Ron.. D mo kailangang ipakita na malungkot ka khit na labis kang nangungulila dahil malayo sa mga taong mahal mo ",malungkot din si Ate Rosa.. Siguro ay nararamdaman din nya ang nararamdaman ko.. Di ko alam kung anong nangyare pagkatapos. Basta ang alam ko lang ay yakap ko si Ate Rosa habang umiiyak.. Basta paggising ko kinabukasan ay nsa upuang kawayan ako nakahiga at ang sakit sakit ng ulo ko.. "Gising ka na pala ", nakangiting wika ni Ate Rosa.."halika.. Nagluto ako ng sinabawang isda.. Humigop ka ng sabaw para mawala ang hang over mo ", Agad akong bumangon at nahihiyang tumingin kay Ate Rosa. "ano pong nangyare kagabi ', tanong ko at umupo na sa harap ng lamesa.. "umiyak ka tapos ay sum*ka ka.. Pagkatapos nun nkatulog ka na ", Napansin kong malinis na ang suot kong pang itaas na damit.. Siguro ay binihisan ako ni Ate Rosa kagabi... "wala na po ba akong ibang ginawa? O sinabi?", mahinang tanong ko. "sabi mo kagabi mahal mo ko ", Agad akong napatingin kay Ate Rosa.. "totoo po? ", di makapaniwalang tanong ko.. Narinig ko ang malakas na pagtawa nito.. "Biro lang Ron! ", sabi nya sabay hampas sa balikat ko.. "kumain ka na nga.. Ayan kse nagpakalasing ka.Wag muna uulitin yun", Nahihiya akong tumango.. "Pasensya na po", hinging paumanhin ko.. Ngumiti lang si Ate Rosa bago iabot sa akin ang baso na may lamang mainit na sabaw.. -- Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD