"Lihim"
Kabanata 25
Pinagmamasdan ko si Ate Rosa habang nilalagyan ng katas ng malunggay ang nasugatan kong kamay kanina ..
Dahil di ako sanay sa pagdadamo gamit ang tinatawag nilang itak ay nasugatan ang kamay ko khit na mapurol ito..
"ayan... Ok na ", wika ni Ate Rosa pagkatapos talian ng malinis na tela ang kamay kong may sugat .."mag iingat ka kse Ron.. Isang buwan ka pa lng nman sa trabaho e. Kaya maiintindihan niLa kung di ka pa masyadong sanay ",
"pinag iinitan po kse ako ni Kuya Cesar.. Kaya kailangan kong matoto agad",
"masama talaga ang ugali non ", nakasimangot na wika ni Ate Rosa..
"ikaw po kse binasted mo sya ", biro ko..
Nalaman kong dalawang taon palang na naninirahan dito si Ate Rosa at dahil magaling makisama ay madami na agad ang naging kaibigan nitong babae at iilan lang sa mga lalaki..
Pansin ko ngang umiiwas sya sa mga lalaki..pero maliban sa akin.. Ang bait nya.
"bat po ang bait nyo sa akin? ", tanong ko kay ate Rosa na nagbibihis ng damit kay Ronron.. Katatapos lang nitong maglinis ng katawan at mamaya lang ay makakatulog na ito..
"di ko alam.. Siguro dahil tinulungan mo ko ", simpleng sagot nya..
"eh bat nyo po ako kinopkop kahit di nyo pa ko lubusang kilala? ", tanong ko pa..
"dahil alam ko ang pakiramdam ng walang kang mahingan ng tulong.. Napakahirap.. ", puno ng pait na bigkas nya..
Gusto kong malaman ang lahat tungkol kay Ate Rosa pero d ko alam paano..
Siguro pagdating ng panahon ay sya na ang kusang magkukwento sa akin ng nakaraan nya ...
"Sige na Ron... Magpahinga ka na at maaga ka pa bukas ", wika ni Ate Rosa at tumayo na para pumasok sa kwarto nila ni Ronron.
Yan ang palaging sinasabi nya bago sya pumapasok sa kwarto para matulog...
Dahil kay Ate Rosa at Ronron ay nababawasan kahit papano ang pangungulila ko sa pamilya ko..
-----
Tuwing linggo ay namamasyal kme nina Ronron sa bayan...
Namimili kme ng pagkaing pwedeng maiimbak para di na patingi tinging bumili sa tindahan..Masyado kaseng magastos kapag tingi tingi..
"Ron.. Bumili ka na ng mga damit mo ", nakangiting turan ni Ate Rosa..
"saka nLang po ",
"bakit nman? ",tanong nya.
Nag iipon kse ako ng pang driver lisence ko...pakiramdam ko kse ay magagamit ko yun balang araw..
"basta po ", nakangiting sagot ko..
Mag iisang taon na rin ako sa trabaho ko at sa totoo lng ay nagkaroon na ng kalyo ang dalawang kamay ko, nangitim na rin ako at lalong lumaki ang mga muscles ko kaya maraming mga babae ang nagpapapansin sa akin pero wala akong balak na pumasok sa isang relasyon...
Mahal ko parin si Anna..
"Tara na Ron ", yaya sa akin ni Ate Rosa..
Tapos na pala itong mamili ng mga damit ni Ronron... At syempre para na rin sa sarili nya..
Nag aabot ako araw araw kay Ate Rosa ng pera dahil arawan ang sahod ko...
Tatlong daan sa isang araw kaya tig one fifty kme...
Ang pera ko ay tinatabi ko ..natoto na kong magtipid para may panggastos kapag may bibilhin ako...
Masyado akong binago ng mga nangyare sa buhay ko..
Kung dati ay wala akong pakundangan sa paggastos ng pera, ngayon nman ay subrang pagtitipid at pagpipigil ko sa sarili ko para lang maiwasan kong gumastos.. Ang hirap kumita ng pera kaya talagang pinag iisipan kong mabuti ang paggagastusan ko..
---
Dahil birthday ni Ronron ay bumili ako ng maliit na cake sa bayan ..
Isang beses lang nman sa isang taon magbirthday ang bata kaya binawasan ko ang perang naitabi ko..
"nako,Ron..baka wala ka ng pera ", saad Ni Ate Anna...
"wag po kayong mag alala.. Basta para kay Ronron wala pong problema at isa pa maliit na cake lang naman po yan ", sagot ko..
"nako ikaw bata ka. Iniispoiled mo tong pamangkin ko ",
"wag nyo na po ako tawaging bata.. Binatang binata na po ako... Bente tres na po ako ",
"Sge na tawagin mo na si Ronron don sa labas para mahipan nya na ang kandila ng makain na natin tong cake ", di man lang pinansin ang sinabi ko..
Tumango na lamang ako at umalis sa kusina...
----
Si Ate Rosa ay masipag maglako ng mga pananim nyang gulay..
Mahilig syang magtanim at talagang namumunga ito ng marami tulad ng sitaw.. Okra, talong,may tanim din syang kamote at alugbati na pinagkukunan nya nang panggastos namin sa araw araw..
Kasa kasama si Ronron ay naglalako sya ng gulay sa mga bahay na nasa paanan ng bundok na at malapit sa dagat nakatira.. Yung mga pangingisda nman ang hanap buhay. Sa totoo lng ay maiwasang hangaan si Ate Rosa.
Maliban sa pagiging mabait at maalaga ay masipag at madiskarte rin ito...
Maganda rin si Ate Rosa kaya napakaswerte ng lalaking mapupusuan nya...
Madami rin nmang nagpapalipad hangin kay Ate Rosa pero talagang wala ata sa bukabularyo nito ang mag asawa..
"nakakapanghinayang ", wala sa loob na wika ko..
"Ron..tulungan mo naman ako sa tiya mo ", wika ni Kuya Dodong..
"dalaw lang po kayo sa bahay ", wika ko..
Isa sya sa manliligaw ni Ate Rosa.. Di na ko magtataka kung pati si Kuya Dodong na anak ni Mang Ambo ay magkagusto kay ate Rosa...
Maganda nman kase talaga si Ate Rosa at napakasexy pa.. Kahit sinong lalaki ay mabibighani sa alindog na taglay nito..
"nahihiya ako ",
Natawa ako..
"torpe po pala kayo ", natatawang saad ko..
"ano kse. Baka di rin ako magustuhan ng tita mo.. ",
May dalawang anak kse si Kuya Dodong,may asawa na kse ito pero matagal na ring namayapa..
"Ron! ",narinig kong tawag ni Kuya Cesar kaya agad akong napalingon sa kanya at nakita kong kinakawayan ako nito kaya nagpaalam na ko kay Kuya Dodong.
"Habang chekahan aa.. ", wika nya ng makalapit ako sa kanya..
"bkit po Kuya? ", seryusong tanong ko..
Di na ko natutuwa kay Kuya Cesar sa totoo lng.. Mas gugustuhin ko nlng na si Kuya Dodong ang maging asawa ni Ate Rosa kesa sa lalaking nasa harap ko
"magtrabaho ka na. ", masungit na turan nya sa akin bago tumalikod "sipsip ", bulong nito pero d yun nakaligtas sa pandinig ko.
Agad kong naikuyom ang kamao ko.. Kunting kunti nlng at baka d na ko makapagtimpi pa..
----
"bkit d mo subukang manligaw sa mga kadalagahan dito Ron?",mungkahi ni Ate Rosa sa akin .
"nako.. Saka nlng po kapag may sarili na kong bahay... ", biro ko na lamang.. Ayaw kong sabhin kay Ate Rosa ang totoong dahilan kung bakit ayaw ko pang makipagrelasyon.. Nasa proseso parin kse ako ng paglimot .."payag ka po bang dito ko Ibahay ang babaeng magiging karelasyon ko kung sakali?", pabiro ulit na tanong ko..
"syempre hindi! Kapag nagkapamilya ka ay ibubukod mo na ",
"kaya nga ayaw ko pang manligaw e. ", nakangiting sagot ko kay ate Rosa "eh kayo po? Sino nman po ang napupusuan mo sa mga manliligaw mo? ", tanong ko.
"nako..minopos na ko, di na ko pwede sa ganyan ", pabirong sagot nito "at isa pa.. Ok na ko sa pamangkin ko... ", sabi pa nito habang ang mga mata ay nakatuon sa ginagawa..nagtatali sya ng gulay na ilalako nya mamaya.
"ni Minsan po ba.. Di nyo naisip na magkaroon ng anak?", lakas loob na tanong ko..
Nakita kong natigilan sya..pero maya maya ay ipinagpatuloy ang ginagawa pero d nya sinagot ang tanong ko...
D ko na inulit ang tanong ko dahil ayaw kong magalit o mainis sya sa akin..
----
Mabilis na lumipas ang anim na buwan..
"Ate Rosa... Wag ka nmang strikto masyado sa pamangkin mo.. ", birong turan ng isang dalaga na si Alena.. "di nya tuloy ako maligawan ", dagdag pa nito...
"di ko nman yan pinagbabawalan... ", nakangiting wika ni ate Rosa.. "talagang d ka lang nya type kse pangit ka ", biro ni Ate Rosa...
Sinamahan ko syang maglako ng mga tinda nyang gulay ngayon dahil wala akong pasok ...
Kabaliktaran sa sinabi ni Ate Rosa ay maganda rin nman si Alena.. Kaya Lang d ko sya gusto dahil Mas bata sya sa akin ng limang taon..
Dahil sa sinabi ni Ate Rosa ay napasimangot si Alena..
"Ron.. Pangit ba ako?", nakangusong tanong nito sa akin at nagpacute pa ng tumingin ako sa kanya..
"indi nman ".sagot ko "maganda ka ",
"eh kelan mo ko liligawan?",
Tumawa ako pero di ako nagsalita..
"Tara na po ", pasimpleng bulong ko kay Ate Rosa..
Nang tumango si Ate Rosa ay nagpaalam na ko kay Alena.
Di pa kme nakakalayo ay narinig ko pa ang sigaw nito..
"Ron.. Khit anakan mo nlang ako! ",
"Mahiya ka Alena! Multuhin ka sana ng tatay mo! ", sigaw ng Nanay nito.
Nagkatinginan kme ni Ate Rosa at sabay na tumawa..
Nang maubos na ang gulay na lako namin ay dumaan muna kme sa tindahan para bumili ng maiuulam..
Bukas pa kme pupunta ng bayan dahil d ako papasok.. Nagpaalam na ko kay Mang Ambo at pumayag naman ito..
Balak kong kumuha na bukas ng lesensya ko.. Dahil sapat na ang naipon ko.
"Ronron?Anong gusto mo? ", tanong ko sa karga kong si Ronron..
"papay (tinapay) ",sagot nya kaya bumili ako ng limang balot at isang pack ng juice.
"ang dami nman nyan Ron ", wika ni Ate Rosa
"para po may meryenda tayo Mamaya ", sagot ko.
D na umimik pa si Ate Rosa...
Nang makabili ng dlawang noodles at isang sardinas ay umuwe na kmeng tatlo sa bahay..
Ang mga di ko nakakain noon na nabibili sa tindahan ay nakakain ko na ngayon..
Akala ko talaga dati ay ang sardinas ay pagkain lang ng Aso..
Pero ngayon.. Sardinas na nilagyan ng talbos ng kamote na ang paborito kong uLam...
----
Kinabukasan ay Maaga akong nag asikaso..
Dala ang mga kailangang requirements na nakalagay sa brown envelop ay nagpaalam na ko kay Ate Rosa at Ronron..
"May ipabibili po ba kayo? ", tanong ko
"kung may subrang pera ka Ron.. Bumili ka ng bago mong damit. Masyado ng luma ang mga damit mo ", sabi ni Ate Rosa.
"para po sa inyo ni Ronron? ",
"wag mo na kmeng isipin pa ",sabi ni ate Rosa.
Napakabait talaga ni Ate Rosa..
Hinalik*n ko muna si Ronron sa pisngi bago umalis..
"Mag iingat ka! ", sigaw pa ni Ate Rosa
Lumingon ako at nakita kong dalawa sila ni Ronron ang kumakaway..
Mamaya pag uwe ko ay bibilhan ko si Ronron ng laruan.!
----
Itutuloy❤
Goodnight