"Lihim"
Kabanata 24
"Sigurado ka bang kaya nya ang trabaho dito sa bukid Rosa? ", tila nag aalangan si Mang Ambo na tanggapin ako dahil daw mukhang di ako tatagal sa pagsasaka..
"Kaya mo ba Ron? ", tanong ni Ate Rosa sa akin.
"Kakayanin syempre ", mayabang na sagot ko kahit sa totoo lng ay d ko alam kung kaya ko... Ni sa panaginip ko ay d ko aakalaing maging magsasaka ako ..
"narinig mo Mang Ambo..? Kayang kaya yan ni Ron ", natatawang wika ni Ate Rosa..
"Sana nga ..mukha kaseng galing sa mayamang tong pamangkin mo Rosa ",
Pamangkin ang pakilala sa akin ni Ate Rosa para daw wala ng tanong tanong pa ang mga tao sa lugar nila...
Sabihin ko Lang daw na anak ako ng ate nitong si Rena..
Baka daw kse kapag sinabi naming d kame magkaano ano ay kung ano pa ang isipin ng mga tao sa lugar niLa..
Ayaw nya daw matsismis o di kaya ay pag usapan ng ibang tao ang buhay nya dahil sawa na daw syang pag usapan noon pa..
Sa akin wala nmang problema.. D nman issue sa akin kung ano pa ang pakilala sa akin ni Ate Rosa na kaano ano nya... Khit ipakilala pa ko nitong anak ay ayus lang.. Ang importante ay magkaroon ako ng trabaho at matutuluyan...
"Nako.. Mang Ambo.. Masyado kaseng naispoiled yan sa Ate ko kaya ganyan pero wag po kayong mag alala.. Alam ko pong gagawin ni Ron ang makakaya nya para mabilis matoto ,db Ron? ",
Nang marinig ko ang salitang spoiled ay naalala ko si Mama...
Talagang inispoiled ako ni Mama kaya nman yun ang palaging bukang bibig ni Papa sa tuwing napupuna nya ko.. Maliban sa salitang batugan..Nakaramdam ako ng lungkot.. Marahil ay nag aalala na si Mama sa akin ngayon...
"opo tita ", sagot ko.
"Oh sya..kung ganun ay pwede ka ng mag umpisa bukas Ron.. Hapon na ngayon kaya bukas ka nlng mag umpisa sa trabaho mo... Nga pla... Magbaon ka ng makakain.. Hindi libre ang pagkain.. At ang sahod mo ay arawan.. ",
"maraming salamat po Mang Ambo ", sabay na wika namin ni Ate Rosa bago magpaalam..
Masaya kameng umuwe sa bahay habang karga karga ko si Ronron na natutulog sa balikat ko...
-----
Kinabukasan ay alas kwatro plang ay ginising na ko ni Ate Rosa..
Nagulat pa ko ng paglabas ko sa kwarto ay may umuusok na na kape sa mesa...
"dapat alas says palang ay naroon ka na Ron kaya kailangan mong magising ng maaga. ",
Sanay nman akong magising ng maaga dahil palagi akong nagjojogging... Pero di ganitong oras.. Mga five thirty ang pinakamaaga kong gising noon..
Ngayon ay alas kwatro palang ng madaling araw at ngayong gising na ko... Hindi para magjogging kundi para magtrabaho.
"Magkape ka na at mag almusal Ron.. Bago ka maligo.. ",dagdag pa nito kaya lihim akong napangiwi..
"Maliligo po ako ng ganito kaaga? ", tanong ko..
Lumingon si Ate Rosa sa akin at nakangiting tumango..
"Oo Ron. Dasol d ka na pwdeng maligo mamaya dahil baka mapasma ka.. ",
D na ko sumagot at humigop na lamang ng kape.. Kailangang mainitan ang sikmura ko bago maligo mamaya at alam kong malamig ang tubig...
Sana lang talaga ay kayanin ko ang Lamig..!
----
Dahil may kadiliman pa ay takot akong pumunta sa balon. Baka mamaya ay bigla akong makasalubong ng aswang o ano pa mang lamang lupa lalo na at ayun sa sabi sabi ay totoong may mga aswang sa probensya ...
"pwede ko po bang ipaligo ang tubig dito sa banga? ", sigaw ko para marinig ni Ate Rosa.
"sge. Bahala ka ", narinig kong sagot nito..
Kaya agad akong kumuha ng tabo at ibinuhos sa ulo ko.
"Wooooooohhhhhh! ", malakas na sigaw ko dahil sa subrang lamig ng tubig na halos ma lock na ang panga ko..
Pakiramdam ko ay naligo ako ng yelo... At talagang nangatog ang tuhod ko ng subra...
"grrrr--grabbbbbiii ang lalala-miggggg ", nanginginig kong wika habang papasok sa kwarto ..
"masasanay ka din Ron ",natatawang wika ni Ate Rosa na ngayon ay naghahanda na ng baon ko.
Tama sya masasanay din ako...
Kailangan ko ng masanay sa mga bagay na malayo sa nakasanayan ko...
Malungkot akong nag asikaso..
----
Pinakilala ako ni Mang Ambo sa iba pa nyang tauhan...
Masasabi kong si Mang Ambo ang may pinakamalawak na lupain sa lugar nina Ate Rosa..
D lang palay ang pananim nya..
Meron ding taniman ng kamoteng kahoy.. Kamote.. Malawak na taniman ng gabi at mais..
"Ron... Ano? Kaya mo pa? Parang d ka na ata nakaalis jan? ", sigaw ni Kuya Cesar.. Ang katiwala ni Mang Ambo...
Tinuruan niLa akong magtanim ng palay.. At sa totoo lang ay halos isang oras na ko dito sa ibinigay nilang isang kahon na tataniman ko pero dlawang hanay palang ang nagagawa ko..
Tagaktak na ang pawis ko sa noo at puno na rin ng putik ang katawan ko...
Mataas na ang sikat ng araw at talagang ramdam ko yun na tila pumapaso sa balat ko...
"Huwag mo ng asarin si Manila Boy! Baka pagdating ng araw ay magulat ka nalng mas magaling pa yang magtanim sayo! ", kantyaw ni Kuya Gary ,isa rin sa mga trabahador kagaya ko.
"bilis bilisan mo na jan Ron... Wag kang kukupad kupad! ", narinig ko pang sigaw ni Kuya Cesar..
Kahit naiinis ako ay ngumiti ako sa knya at nag ok Sign... Kailangan kong habaan ang pasensya ko lalo na at kailangan ko ng trabaho...
Nang tanghalian na ay salo salo kameng kumain...
Ang sakit ng balakang ko dahil sa pagkakayuko habang nagtatanim kanina..
"wag mo nlng pansinin si Tito Cesar.. Mapang asar talaga yan sa mga baguhan... ", bulong ng isang babae sa akin..
Ang alam ko lang ay pamangkin sya ni kuya Cesar..
Ngumiti lang ako at d na nagkomento...
Dahil baguhan palang ay tahimik ako sa buong maghapon...
Nahihiya pa kong makisalamuha lalo na at tila wala nman silang pakialam sa akin..
Buong maghapon nila akong pinagtatawanan dahil sa kakuparan ko...
Aminado akong mabagal pa ko pero alam kong sa katagalan ay masasanay din ako...
Tutulungan ko ang sarili kong matototo...!
----
Pagkauwe sa bahay ay pagod na pagod ako kaya di na ko nagtanghalian...
Agad akong nakatulog at d alintana ang kalam ng tyan...
"Ganito pala kahirap kumita ng pera no? Pagpapaguran mo pero masaya.. Nakakataba ng puso na sa unang pagkakataon sa buhay ko ay ngayon lng ako nagkaroon ng perang pinaghirapan ko... Pinuhunanan ko ng pawis at lakas..Ngayon naiintindihan ko na si Papa... Mahirap nga pala talaga ang kumita ng pera ",wika ko sa isipan ko bago tuluyang nagpakain sa antok...
----
"Nako.! Sayang nman ang kutis mo Manila Boy... Mukhang di mo kayang mamuhay sa putik.. Bakit d ka nlng bumalik sa Maynila at maging m*chu Dancer? Tiyak na pagkakaguluhan ka doon ng mga Ch*kla !!", ang aga aga ay inaasar na nman ako ni Kuya Cesar...
Sa totoo lang ay napipikon na ko pero kailangan kong makisama sa kaniya ...
Dalawang linggo na rin akong nagtatraho dito sa hacienda ni Mang Ambo at walang araw na di ako nakikita ni Kuya Cesar...
Pakiramdam ko tuloy naiingit sya sa akin..
Kunsabagay..
Pansinin kse ako ng mga kababaehan...
Dalaga man o may asawa..
Nasa kwarenta na si Kuya Cesar at wala paring asawa..
Balita ko ay nanligaw sya kay ate Rosa at ilang beses na sya nitong nabasted...
Dapat nga ay magpalakas sya sa akin dahil pamangkin KUNO ako ng babaeng gusto nya pero sa halip ay tila pinag iinitan nya pa ako..
"Tito Ano ba! Di ka naman inaano ni Ron e.. Bakit ba sya palagi ang nakikita nyo?", saway ni Mikay sa tiyuhin...
Di ko na narinig pa ang sagutan ng magtiyu dahil umalis na ko..
Si Mikay ang palaging nagtatanggol sa akin sa tuwing inaasar ako ng tiyuhin nito..
Kung tutuusin ay kaya kong tirisin si Kuya Cesar dahil maliit lang syang lalaki.. Pero talagang hinahabaan ko ang pasensya ko para lang d kme mag away pa..
----
"kamusta trabaho Ron?", tanong ni Ate Rosa pagkauwe ko..
"medyo mabilis na po ako ", masayang balita ko..
"mabuti naman.. Halika na.. Maghapunan na tayo ", yaya nya kaya agad akong sumunod sa kanya papunta sa kusina...
"si Ronron po?", tanong ko..
"maagang nakatulog.. Naglaro kse maghapon ", sagot nito habang abala ang kamay sa paghahain ..
Maalaga si Ate Rosa... Mas maalaga pa sya kumpara kay Mama..
Paggising ko sa umaga ay may baon na ko at may handa na ring kape.. Ang mga labahin ko ay sinasabay nya na rin sa tuwing naglalaba sya...
Maalaga at mabait na babae si Ate Rosa..
Pero napansin kong masyado syang malihim pagdating sa mga personal na bagay..
Kapag tinatanongn ko ang pamilya nya ay ibinabalik nya sa akin ang tanong..
Katulad nya ay ayaw ko pang sabhin ang dahilan ng totoong pagkwalay ko sa pamimlya ko..
Masyado pang sariwa sa puso ko ang mga pangyayare..
Pagkatapos kumain ay umupo sa upuang nasa labas ng bahay ni Ate Rosa..
Habang kinakamot ang paa kong madaming s*gat.. Makati sya at ang sarap kamutin ..
Araw araw nakababad ang paa ko sa tubig kaya nagkakasugat ang pagitan ng mga daliri ko..pero hinahayaan ko lang dahil alam kong masasanay din ako..
Dahil mag isa na nman ako ay naisip ko na nman ang pamilya ko at si Anna ..
"Iniisip din kaya niLa ako? ",malungkot na tanong ko sa sarili ko..
"Ron... Matulog ka na.. Maaga ka pa bukas.. ", sigaw ni Ate Rosa.
Dahil tapos na ang pagtatanim sa palayan ay doon nman ako bukas sa taniman ng mga kamoteng kahoy...
Magtatanggal daw kme ng mga ligaw na damo... Kaya mas mayos yun sa akin dahil sa wakas.. Gagaling na ang sugat sa pagitan ng mga daliri ko..
"Ron.. Matulog ka na... Magdala ka ng kapote bukas at baka umulan ..magkasakit ka na nman ",sigaw ulit ni Ate Rosa kaya tumayo na ko para matulog...
Tama sya. Ilang news na kong nilagnat pero d ko kayang mahiga nlng sa higaan at indahin ang sakit ko...
Kailangan kong masanay hanngang sa makasanayan na ng kat*wan ko na sa tuwing nauulanan ako ay d na ko magkakasakit...
Ibang iba na ang buhay ko ngayon...
Malayong malayo sa nakasanayan ko noon...
"Hayaan mo Ron...Kaya mong baguhin ang sarili mo kung gugustuhin mo... Pagbabagong gusto mo para sa sarili mo ", puno ng pag asang usal ko bago ko tuluyang makatulog.
- itutuloy
Goodmorning ❤