"Lihim"
Kabanata 23
Hindi ko alam kung saan ako pupunta..
Basta ang alam ko ay ayaw kong bumalik sa MayniLa..
Gusto kong matoto sa buhay katulad ng sinasabi ni Papa..
Gusto kong tumayo sa sarili kong Paa..at balang ay maipagmalaki ako ni Papa.. Na balang araw ay makita nyang nagbago na ko,na hindi na ako ang dating Ron na tinatawag nya palaging bat*gan ,Tamad at palaging umaasa kay Mama..
Hanggang sa maagaw ng pansin ko ang isang batang umiiyak habang pilit na pinapatahan ng isang ginang...
"Ano bang nangyayare sayo?wag ka ng umiyak.. Malapit ng umalis ang bus na sasakyan natin ", wika ng ginang na may karga na batang lalaki..
Pinagmasdan ko ang ginang.. Kung titingnan ko ang edad nya ay masasabi kong matanda sya sa akin ng sampong taon kung kutis nya ang pagbabasihan.. Sexy sya at matangkad na babae.. Mababa lang siguro sa akin ng 3 inches..
Nakita kong aligaga na ito at parang naiiyak na rin kagaya ng batang karga nya..
"please baby. Wag ka ng umiyak ", pakiusap pa nya sa bata na siguro ay isang taong gulang pa lamang "d ko na alam ang gagawin ko sayo... Kanina ka pa umiiyak ",
Dahil naawa na ko sa bata na halos ubuhin na sa kakaiyak ay d ako nag atubiling lumapit sa kanila...
Nakita kong sumakay na sila sa bus na paalis na kaya nagmamadali rin akong sumakay ...
Hinanap ko ang babae kanina at nakita kong d parin tumitigil ang bata sa pag iyak.. Mabuti nlng at bakante ang katabing upuan ng dlawa kaya dun na ko umupo...
Nang makaupo ay agad kong tinanong ang ginang..
"bakit po sya umiiyak? ", tanong ko...
" di ko nga alam e.. Kanina pa syang ganyan.. Ayaw tumahan.. ",sagot nito habang pilit na pinapadede sa bote ang bata ..
"pwede ko po ba syang kargahin ", hinging permiso ko sa babaeng kausap ko...
Nang tumango ito ay mahina kong pinitik ang tyan ng bata at nalaman kong may kabag ito..
Naalala ko kse si Ysa.. Madalas syang umiiyak kapag may kabag...
"masakit po ang tyan nya dahil may kabag ang anak nyo ", wika ko
"nako.. Ganun ba?ano bang gagawin natin para mawala ang kabag nya?", nag aalalang tanong nito kaya naisip ko na di nya anak ang batang kasama nya... "pasensya ka na.. Anak yan ng kapatid ko.. Namat*y na sya kaya sa akin na pinaalaga ang bata dahil ang asawa nya ay sumama na sa k*rida nito.. ", wika nya na tila nabasa ang nasa isip ko..
"ah ganun po ba? Meron po ba kayong langis o mansanilla na pwede po nating ihaplas sa tyan ni Baby para po makaut*t sya.. ", sabi ko kaya agad tong naghalungkat sa dalang bag..
Nang iabot nya sa akin ang bote ng langis ay agad kong hinaplasan ang tyan ni Baby at binihisan ng damit dahil basa na ang likod nito.. Tahimik na nakatingin sa akin ang ginang sa ginagawa ko...
Nang mabihisan na ay pinadapa ko si Baby sa dibdib ko habang ang ulo ay nsa balikat ko para maipit ang tyan nya at maiut*t nya ang kabag..
Maya maya pa ay nakatulog na ang bata habang karga karga ko parin ito.
"ang galing mo nman ..mukhang sanay ka sa pag aalaga ng bata ", nakangiting puri nito sa akin
Talagang sanay ako mag alaga ng bata dahil kme ni Anna ang halos nagpalaki sa kapatid kong si Ysa..
Nang maalala ko si Anna ay bigla akong nalungkot..
"salamat ha? Kung wala ka.. Di ko na alam pano patatahanin si Ronron ",
Bigla akong natawa ng sabhin nya ang pangalan ng bata..
"Ronron po ang pangalan nya? ",
Khit nagtataka ay tumawa narin ang ginang na kausap ko
"Oo.. Ronron ang pangalan nya.. ",
"Ron nman ang pangalan ko ", pakilala ko. "Ronnel"
"ah.. Magkapangalan pala kayo ng pamangkin ko.. ", sabi nito "ako nman si Rosa ..,ilang taon ka na Ron? ",
"twenty two po ", sagot ko.
"ah.. Ako nman thirty five na ", sagot nito at kinuha sa bisig ko ang pamangkin nya.. "ako na ang magkakarga sa kanya baka nangalay na ang brasoo ",
Ramdam ko ngang ngalay na ang braso ko dahil may katabaang taglay si Ronron..
"Sino nman ang dadalawin mo sa Bicol? May kamag anak ka ba doon?", tanong nya..
Saka ko lang napansin na papuntang Bicol ang bus na sinasakyan namin...
"wala po. Lumayas po kse ako sa amin at di ko po alam kong saan ako pupunta ", pagsisinungaling ko..
"ah ganun ba? Pansamantala.. Sa akin ka muna tumuloy ", sabi ni Rosa sa akin.
"salamat po ", nakangiting wika ko..
"wala yun. ", sabi nito at itinuon ang mata sa labas ng bintana..
Dahil na rin sa pagod at sariwang hangin na galing sa labas ng bintana ay di ko namalayang nakatulog na ako...
-----
"Ronnel? Gusto mo bang kumain? ", gising ni Ate Rosa sa akin habang mahinang niyoyogyog ang balikat ko..
"andito na ba tayo?", bigLang tanong ko at napabalikwas ng bangon...
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito..
"wala pa.. Huminto lang ang bus para makakain ang mga pasahero O kaya ay makapagbanyo ",
Dahil sa sinabi nya ay bigla kong naramdaman na naiihi ako..
"ah sge po.. Mag babanyo lang po ako, may gusto po ba kayong ipabili? ", tanong ko at tumayo na.
"biskwet nlng para kay Ronron ",
Tumango lng ako at saka bumababa na ng bus..
Pagkatapos um*hi ay bumili ako ng biskwet at dlawang cup noodles para sa amin ni Ate Rosa..
At dahil madaming bumibiling mga pasahero ay medyo natagalan ako...
"bat ka pa bumili ng cup noodles..? Mahal yan e baka wala ka ng pera ",
"ok Lang po.. Nilalamig na po kse ako ", nakangiting saad ko .."ako na po muna ang hahawak kay Ronron at kayo na po muna ang
Kumain ",
"ikaw na ang mauna Ron.. Busog pa nman ako ",
"ah sge po ", sagot ko at tahimik na kumain. Gutom Na rin talaga ako dahil kaninang umaga pa ko walang kain..
"mdami po bang mapapasukang trabaho dun sa inyo? ", tanong ko kay Ate Rosa..
Gusto kong makahanap agad ng trabaho pagdating sa lugar nila lalo na at paubos na ang perang binigay ni Mama..
At isa pa. Ayaw ko nmang maging pabigat kay Ate Rosa at sa asawa nito..
Ay teka... D niya pala nabanggit sa akin kung may asawa na sya kanina..
"pagsasaka ang hanap buhay sa amin Ron.. ", sagot nya "kaya mo bang magtanim ng palay?",
Umiling ako.
Dahil laking Maynila ako ay di ko alam ang pagsasaka
"matututunan nman po yun db?", sa ngayon kahit anong trabaho pa yan na pwedeng pagkakitaan ay papatusin ko na.. Wala na si Mama na susuporta sa akin.wala na sa akin ang masaganang buhay na tinatamasa ko noon.. Kailangan ko ng magsumikap sa sarili ko ngayon...
"Oo nman.. Basta determinado kang matoto ", sagot ni Ate Rosa.
Ngumiti ako.. Laking pasalamat ko at may taong handang tumulong sa akin..
"di po ba magagalit ang asawa nyo kung sa inyo ako makikituloy? ", tanong ko sa kanya..
"wala akong asawa ", sagot nya..
"po? Bakit nman po? ", gulat na tanong ko "sa ganda nyong yan? ",
Totoo nman kseng maganda sya.. D halata na hitsura nya na trentay singko anyos na ito.. Ang akala ko ay trenta pa lamang ito..
Mayroon din itong nunal sa kaliwang kilay sa badang dulo at talagang nakadagdag yun ng appeal nya bilang babae..
"nako.. Wag mo ng alamin... Nagkaroon kse ako ng trauma sa mga lalaki ", di ko alam kong biro ba yun o totoo ang sinabi nya ..
Tumango na lamang ako at d na nagkomento..
---
Madaling araw palang ay nakarating na kme sa terminal ng bus...
Akala ko ay doon na mismo ang bahay nya pero nagkamali ako dahil nag arkila pa kme ng tricycle para makarating sa kanila..
Bandang alas syete ay nasa bahay na kme ni Ate Rosa..
Simple lang ang bahay at may dlawang kwarto...
"pagpasinsyahan mo na ang bahay ko Ron.. Ito lang nakaya kong ipundar ", biro nya kaya natawa ako.
"wag po kayong mag alala.. Maghahanap po agad ako ng trabaho.. ",
"walang Problema Ron... Ituring mo nlng na bahay mo ang bahay ko para maging komportable ka.. ",
--
Habang nag aayus ng mga ganit ko sa kwarto ay d ko maiwasang isipin si Anna.. Si Mama at si Ysa.. Pati narin Si Papa..
Miss ko na silang lahat pero wala man lang akong magawa..
Tama nga si Suzet..
Mawawala ang lahat sa akin kapag nalaman ng mga magulang namin ang totoo..
Nawala ang pamilya ko..
Nawala ang babaeng mahal ko..
Nawala ang anak ko..
At ang buhay na tinatamasa ko.
Pati narin pangarap kong makapagtapos ng pag aaral ay nawala na rin..
Ako nlng mag isa sa buhay dahil itinakwil na ko ni Papa..
Pero di ko pinagsisisihan na minahal ko si Anna kahit na ang kapalit noon ay ang pagkawala ng lahat sa akin
---
"Ron.. Kain na.. ",wika ni Ate Rosa habang kumakatok sa pinto ng kwarto.
"lalabas na po ",
Nahihiya pa akong lumabas para kumain.
"nako.. Ikaw na bata ka. Wag ka ng mahiya. Kumain ka lang ng kumain ..at Mamaya ipakikilala kita kay Tatay Ambo para kunin ka sa taniman niLang palay.. ",
Khit di ko alam ang trabaho ko dun sa sinasabi ni Ate Rosa na Mang Ambo ay napangiti ako..
Ito na yun..
Ang unang hakbang para sa pagbabagong gusto ko para sa sarili ko.
-
Itutuloy ❤
Maiksi Lang. Antok na ko ?