PROLOGUE
The sound of rain in the background and the pluck of a guitar string make the best combination, creating such chilling vibes whenever I have a good time alone. Hearing them brings me comfort and lightens my mood.
May mas higit pa ba akong dapat hilingin? May mas ihihigit pa ba ang kasiyahan na mayroon ako ngayon? Kasi sa tingin ko wala na. Kuntento na ako sa kung anong meron kami kahit pa kami na lang ni Lola. Having her by my side is enough.
Sa marami, marami ang humihingi ng yaman o mas higit pa, marami ang hindi nakukuntento, maraming nangangarap ng mas malaki. Everyone thinks money can solve everything; everyone thinks money is everything.
Sabi nila money is happiness dahil nabibili nito ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo, nabibili nito ang pangangailangan mo — well, yes, it does. At some point, money can bring us joy, pero hindi nito kayang pantayan ang tunay na kaligayahan. Money can buy happiness only temporarily, pansamantala lang. It will fade as soon as that excitement is gone.
And in a world where people seek money and wealth, I would gladly choose my life here over and over again. In a world where everyone wants money, I choose peace.
Having a peaceful life with a cup of coffee, helping grandma at her boutique, stitching clothes while it rains, and playing a song for grandma are worth far more than a luxury car. Because being rich isn't always about money; it’s about contentment, peace, and joy—things that no money can ever buy.
I plucked the strings of my guitar habang sinasabayan ko ito sa pagkanta, nang tawagin ako ni Lola.
"Apo, kumain na muna tayo. Ito oh pinagluto kita ng paborito mong ulam." nakangiti nitong sabi habang nagsasandok ng kanin sa mesa.
Agad naman akong tumayo at ngumiti. "Wow, tinola! Thank you po La!" niyakap ko ito upang maglambing.
"Naku! Naku! Aba'y kumain na lang at hindi na kailangang yumakap sa akin." natatawang sabi nito.
Umalis din naman ako sa pagkakayakap at nagsandok na lang din ng pagkain. Dalawa lang kaming kumakain ni Lola sa mesa, pero kahit na ganon ay masarap na sa pakiramdam ang ganito. Simple lang pero punong-puno ng pagmamahal.
"Ang swerte ko talaga La."
"Ayan ka na naman sa pambobola mo ah, kumain ka na nga lang diya'n."
Sa bawat araw na gan'to ni minsan hindi nawala ang ngiti sa labi ko, at araw-araw kong ipaparamdam kay Lola na masaya ako sa kung ano mang meron kami kahit pa kaming dalawa na lang ang magkasama.
Ang bawat araw na kasama ko ang Lola ko ay sapat na, at mukhang ganon din naman siya. Kaya sigurado ako sa gusto kong gawin, mananatili lang ako rito sa tabi niya.
Masaya lang kaming nagtatawanan at nag uusap nang bumuntong hininga ito at mukhang may gustong sabihin.
Alam ko naman na kung anong gusto niyang iparating. Lagi niya naman pinapaalala sa akin ang baga na 'to.
"Apo, masaya ka naman hindi ba? Ang tatay mo--"
"La..." iniwas nito ang tingin at bumuntong hininga. "Okay na po ako, kuntento po ako sa buhay ko. Ang mahalaga ay masaya na tayo ngayon."
Nginitian ko ito ng matamis para ipakita ang sinsiridad ko sa sinasabi ko. Totoo namang okay na ako, masaya na ako. Wala namang kulang, wala naman na akong dapat na hilingin pa sa Diyos dahil tanggap ko ang kung anong meron ako at wala ako. Wala naman akong ibang hiling, wala na.
O wala nga ba...?
Nang matapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Ngunit palalim nang palalim ang iniisip ko kaya hindi ko na namalayang natabig ko 'yung baso nang paglapag ko ng plato sa tabi.
"s**t!" napasabunot pa ako ng aking buhok bago ko agad dinampot ang basag na baso at kumuha ng dust pan.
Nang matapos kong ligpitin ang kalat na gawa ng katangahan ko ay huminga muna ako nang malalim bago tapusin ang ginagawang paghuhugas. Buti na lang tulog na si Lola sa kwarto niya kaya hindi niya narinig ang pagkabasag ng baso.
Hindi niya naman na kailangan pang malaman dahil pagdududahan niya lang na may iniisip ako. Hindi niya naman na 'yon kailangan pang alamin.
Nang matapos sa ginagawa ay dumiretso na ako sa kwarto, ngunit nang pagpasok ko ay nakaramdam ako ng mabigat ngunit pamilyar na pakiramdam. Parang may kung anong nakakalungkot na bagay ang humaplos sa akin nang pagpasok ko sa aking silid.
Hanggang sa makarinig ako ng matinis na maingay o frequency, mahina lang ito pero rinig na rinig lalo pa't tahimik ang kwarto. Ramdam ko ring biglang lumakas ang hangin kahit sarado naman ang bintana at walang hangin dito. Hindi rin naman open ang electric fan dahil kadalasay hindi ko na ginagamit ito dahil malamig dito sa Baguio lalo na't tag-ulan.
Kasabay ng paglakas ng hangin ay ang tinig ng isang lalaki na nanggagaling sa kung saan ang aking narinig kaya nama'y binuksan ko ang bintana at mas lumakas pa ang boses nito.
Ang boses nito ay nakakapang hele, masarap pakinggan, at para bang sinasabayan nito ang mabigat na pakiramdam ko. Para ako nitong kinakausap o dinadamayan.
Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at kanina pa tumila ang ulan. Ngunit nakakapagtaka noong biglang may kung ano akong pulang nakikita na lubid na nakakonekta sa akin at hinihila ako papunta sa...
Gitara?
Kumikinang ang strings ng gitara ko?! Anong nangyayari?!
Ang pulang lubid na nakakonekta sa akin galing sa bintana ay nawala rin naman kaagad sa paningin ko kaya't dumako ang paningin ko sa gitara at parang may kung anong tumutulak sa akin upang tugtugin ito.
Maingat kong kinuha ang gitara at umupo sa kama. Naririnig ko pa rin ang mahinang kanta ng lalaki kaya naisipan kong sabayan ito. At nang sabayan ko ito ay ramdam kong parang mas lumakas ang enerhiya sa kwarto ko, ramdam na ramdam ko rin ang pagkonekta sa pagkanta at pagtugtog namin na para bang naiintindihan namin ang isa't isa.
Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung bakit nga nangyayari 'to. Panaginip man 'to o hindi, pero may kung anong nakapagpalakas sa parte ng pagkatao ko na walang sino man ang makakagawa. Pakiramdam ko nakagawa ako ng koneksyon sa kung kanino, ispirito man 'yon o anghel, maraming salamat sakaniya.
Dahil sa pangyayaring 'yon alam ko na ang kulang, alam ko na ang gusto ko.