SALITANG sulyap ang pinukol ni Sophie sa dalawa dahil hanggang ngayong naitayo na ni Janus si Eveleen ay hawak pa rin nito ang dalaga sa palapulsuhan. Nakita ng dalaga ang pagsulyap sa kanya ng dalawang kasama. Hindi pa man niya naiinom ang Sangria na in-order ay tila ba gusto nang sumabog ng ulo niya sa nakikita. Hindi siya makapaniwalang naroon ang binata at nakasuot pa ito ng unipormeng parehong-pareho kay Eveleen. “W-what are you doing here? Why…why are you with her? Are you two working on this restaurant? How is it possible?” Hindi niya mapakalma ang sarili lalo na’t napakahapdi sa mata niyang makitang ibang kamay ang hawak ng nagugustuhan. “It’s none of your business.” “Magkakilala kayo, Janus?” tanong ni Paulo. “Of course. She’s our classmate.” “What the hell? Sa dinami-ram

