NAKASALUBONG ang kilay nina Nolan at Monique na nasa counter noon nang makitang binaligtad na ni Paulo ang signage sa labas na “We’re closed”. Madalang nitong gawin ang bagay na ‘yon lalo na ngayong marami pang tao sa first at second floor ng resto. Sinitsitan ni Nolan si Claude na pabalik na sana kitchen at sumenyas kung ano’ng meron ngayon ngunit nagkibit-balikat lang din ito. “Late ba ‘yong relo ko? Alas singko y media pa lang ng hapon.” Tiningnan pa ng binata ang orasan sa monitor pero tugma naman ito sa kanya. “Alas singko pa lang kasi talaga ng hapon,” tugon sa kanya ng dalaga. “Maaga tayong magsasara ngayon,” bungad sa kanila ni Paulo paglapit. “Oo nga. Pero bakit? Ang dami pang customers.” “I’ll treat you guys for a group dinner. Ako mismo ang magluluto. Ubusin lang natin

