“HINDI ka pa ba sumasahod?” tanong ng ina ni Arthur nang makalabas siya ng banyo. Gusto niyang mapailing sa pambungad na tanong nito. Ni hindi pa nga siya nito tinatanong kung kumain na ba siya o kumusta man lang ang pag-aaral niya. Nilingon niya ito sa sala. Binuksan nito ang telebisyon habang karga-karga ang kapatid niyang maliit na may sakit pa rin hanggang ngayon. Nakatingin ang tatlong taong gulang na batang iyon sa gawi niya. Mugto ang mga mata nito sa kaiiyak at mapula ang ilong dahil sa sipon. “Hindi pa. Bakit?” “Aba, Arthur. Nagtanong ka pa? Wala na tayong panggastos. Alam mo naman na ikaw lang ang inaasahan ko. Nakakabwisit na nagkasakit pa ‘tong kapatid mo! Imbis na sa ibang bagay maigagastos ‘yong pera, sa gamot pa niya.” Ibang klase talaga. “Saan? Sa bisyo ninyo? Sa a

