NATAHIMIK ang buong klase nina Eveleen nang makita ang itsura ng adviser na nakatingin sa kanilang lahat. Tikom ang bibig nito at tahimik din ang klase na tila ba inaabangan ang susunod nitong gagawin. “May problema kaya si Miss? Mukhang hindi maganda ang araw niya ngayon,” puna niya habang nakatuon ang atensyon sa guro. “Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Baka nakarating na sa kanila ‘yong tungkol sa online bulletin.” “Imposible namang totoo ‘yon.” “Walang imposible pero hindi ko gusto ‘yong pang-ja-judge ni Sophie kay Arthur. Hindi maganda ‘yon.” “A-alam kong nabasa n’yo na ang tungkol sa online bulletin. Kung…kung nasa klase man na ‘to ang holdaper na sinasabi, pwede n’yo akong kausapin. Kung nahihiya kayo na umamin, i-message n’yo ako at kakausapin ko kayo ng personal

