NAKAUPO si Eveleen sa isang stool chair habang nagpapahinga sa tatlong oras na diretso siyang nakatayo upang magpunas ng mga lamesa at mag-take ng orders. Hindi niya alam kung ano ang meron ngayong gabing ito pero lagari silang lahat sa dami ng customer na naglabas-masok sa loob ng resto. Ang iba nga’y nag-take out na lang wala nang mauupuan sa dami ng mga tao. Tiningnan niya ang relo. Alas nuebe na ng gabi. Pasalamat siya at wala pa masyadong pinapagawa sa kanila ang mga guro dahil kung hindi baka rito na siya gumawa ng mga assignments niya kung sakali. Unti-unti nang humupa ang mga tao sa first floor at unti-unti nang nagsisipagbabaan ang mga tao sa ikalawang palapag. Unti-unti na rin silang nabubunutan ng tinik dahil closing time na nila. “Eveleen…” Nilapitan siya ni Claude na tumulo

