SABAY-SABAY na napabuntong-hininga sina Eveleen, Pia, at Tiffany habang nasa labas ng campus at naghihintay ng sundo ng mga dalaga. Wala na silang mapagkwentuhan dahil simot na simot na kanina ang usapan nila patungkol kay Sophie at sa mga kaartehan nito sa buhay. Bago pa nga lumabas ng classroom kanina ay tinabig niya pa si Eveleen nang dumaan ito sa harapan ng dalaga. Ilang minuto pa ay tumayo na si Tiffany sa kinauupuan dahil nakita niya na mula sa malayo ang puting kotse na susundo sa kanya. “Nandiyan na?” tanong ni Eveleen. “Oo.” Ngumuso siya mula sa malayo. “Ikaw, Pia. Susunduin ka na rin ba?” tanong pa nito sa katabi. “On the way na raw si Kuya Ryan sabi niya. Maghihintay na lang ako. Mabilis na lang naman ‘yon.” “Hihintayin ko na muna na makaalis kayo bago ako magpunta

