Kabanata 2

1068 Words
LUKOT ang mukha ni Eveleen habang naghihintay ng bus sa waiting shed. Hindi siya dapat mahuli sa unang araw ng klase kahit na alam niyang wala namang ibang gagawin ngayon kundi puro introduction sa kani-kanilang mga subjects. May mga dumaan nang mga bus ngunit punuan sa oras na ito dahil rush hour. Kasabayan niya ang mga nagtatrabaho sa mall, mga kawani ng gobyerno, at ang mga katulad niyang estudyante ng iba't ibang paaralan. Lumiwanag ang mukha niya nang parahin ang isang bus na kaunti lamang ang pasahero. Kinuha niya ang wallet at t-in-ap ang Beep Card sa isang maliit na monitor. Napayuko siya habang naglalakad patungo sa dulong bahagi ng bus upang doon maupo. Pakiramdam niya ay nahusgahan kaagad siya ng mga taong nakakakita sa logo ng kanyang uniporme—ang prestihiyosong St. Montecarlo Academy kung saan galing ang mga kilalang pangalan sa business worldwide. May mga ibang lahing doon nag-aaral, ang iba nama'y may mga magulang na artista o mga tagapagmana. Si Sophie... Napabuntong-hininga siya nang maisip ang tungkol doon. Sariwang-sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari kay Harry at hindi niya alam kung paano haharapin ang dalaga kung sakali mang magkita silang muli. Alam niyang pati si Cherone ay makikita niya rin sa eksklusibong paaralang iyon kaya nakaramdamn siya ng kaba. Nagkaroon kasi silang dalawa ng isang kasunduan mula noong namatay si Harry at kahit anong mangyari ay kailangan niyang sundin iyon. Tinanggal niya ang bag at niyakap ito. Umiling siya at napasandal sa salamin ng bintana. Napapikit siya dahil sa antok. Kaninang madaling-araw pa siya nagsimulang bumyahe at tila ba patang-pata na kaagad ang kanyang katawan. Napasimangot siya nang maisip na kailangan niyang magpunta sa restaurant ng tiyuhin pagkatapos ng klase niya ngayong araw. Sa muling paghinto ng bus, mas maraming tao ang pumasok sa loob nito. Napuno ang sasakyan nang pumasok ang isang binata na nag-tap ng Beep Card. Nilingon ito ng mga taong nadadaan sa aisle ng bus—mapalalaki o babae, l***q+, matanda, at bata ay napalingon sa angking kagwapuhan nito. Narinig pa ni Janus ang bulungan ng mga ito habang naglalakad patungo sa isang bakanteng upuan na nag-iisa na lang katabi ang isang dalagang natutulog habang nakasandal ang ulo sa bintana ng bus. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito at iniwasang gumawa ng kahit anong ingay para hindi ito maistorbo sa pag-idlip. Muli siyang napalingon sa dalaga nang makita ang logo ng akademya kung saan din siya patungo. Naipit pa siya sa traffic. Dahil nahawa sa katabi, umayos ng upo si Janus at sumadal sa upuan. Kinuha nito ang headset sa bag at inilagay sa tainga. Hindi pa man natatapos ang unang kanta sa playlist niya ay napapikit na siya dahil sa antok. "St. Montecarlo!" Naunang nagising si Janus sa pagsigaw na iyon ng driver. Naramdaman niya ang sariling nakahilig sa ulo ng dalagang nakahilig din ang ulo sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang ulo at tinanggal ang headset. "St. Montecarlo!" muling sigaw ng driver. Naalimpungatan si Eveleen dahil naramdaman niya ang balikat ng binatang katabi niya na ginamit niya bilang isang unan. Nagmamadali siyang tumayo at patakbong naglakad pababa ng bus. "Sandali lang po," nakangiting sabi ni Janus. Patayo na sana siya nang makita ang naiwang panyo ng dalagang katabi niya kanina kaya kinuha niya ito at bumaba sa sasakyan. Napanganga si Eveleen nang makita ang bukana ng akademya. Hindi niya inaasahan na mas bongga at mas maganda ito sa malapitan. Nakita niya lang kasi ang mga larawan na iyon sa f******k. Kaya ko ba 'to? Napahinto siya sa paglalakad nang marating ang napakalaking gate. Nakalagay sa itaas noon ang St. Montecarlo Academy na nakaukit sa napakakapal na bakal at kulay ginto ang pintura nito. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng papasok sa loob. Katulad ng mga tao sa bus na sinakyan niya, pansin niya ang mapanghusgang titig ng mga ito. May kalumaan ang two-inches black shoes na suot niya. Pinakinang lang ito ng tig-sa-sampung pisong nasa sachet na shoe polish. Bago naman ang unipormeng binili ng kanyang tiyuhin na kanina'y plantsadong-planstado nang makita niya ito sa kanyang kwarto. Bagong ligo rin naman siya ngunit dahil nakatulog siya sa isang mahabang biyahe, ang ilang strands ng buhok niya ay na nakalabas na siya naka-braid niyang buhok. Ang bag naman na dala niya ay luma na rin ngunit ayaw niyang palitan ng bago dahil regalo ito ng kanyang ama noong nag-debut siya. Huminga siya nang malalim. Kakayanin ko 'to, para kay Harry. Noong nabubuhay pa si Harry ay napagplanuhan na nilang tatlo kasama si Cherone na sabay-sabay silang magpapa-interview sa akademyang ito. Iisa lang din sana ang papasukan nilang course ngunit dahil sa nangyari, lumipat ng Mass Communication si Eveleen na dapat ay nasa Education siya. Natabig siya ng isang grupo ng magkakaibigan kaya nahinto siya sa pag-alala sa nakaraan. Ang Big Five... Imposibleng hindi niya makita ang grupong iyon sa lugar na ito kaya kailangan niyang ihanda ang sarili. Nagsimula na siyang tahakin ang loob ng akademya at hanapin ang Registrar's Office. Nilingon-lingon niya ang paligid hanggang sa makita niya ang isang mapang nakalagay sa gitna hallway at katabi ang napakataas na fountain. Agad siyang nagtungo sa second floor at pumasok sa Registrar's Office. Pagpasok niya pa lamang sa loob ay para bang ayaw niya nang lumabas sa lakas ng aircon na nanunuot sa dalawang butas ng kanyang ilong. Nakaramdam ng ginhawa ang katawan niyang kanina pa pawis sa byahe pa lang. "G-good morning, Ma'am," bati niya sa isang babaeng nakaupo at abala sa binabasang papeles. Hindi muna niya naupo sa tapat nito. "Ano 'yon?" Ibinigay niya ang isang registration card at tiningnan siya ng babae. "Ako po si Eveleen Trejano." "Galing kang St. Cecilla, hindi ba?" Tumango siya. "Maupo ka." Kinuha ng babae ang card na inilapag niya sa mesa at binasa ito. Kinakabahan siya at iniisip na baka may posibilidad na hindi siya tanggapin sa akademyang ito dahil sa nangyari. "Alam mo bang may tumawag sa akin upang hindi tanggapin ang admission mo rito sa St. Montecarlo dahil sa nangyari sa St. Cecilla?" Napayuko siya sa kahihiyan. Hindi niya kasalanan 'yon ngunit para bang siya ang nadidiin. Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon silang dalawa. "Kung sinuman ang gumawa noon, paniguradong takot silang malaman ang katotohanan sa nangyari...ilang buwan pa lang ang nakakalipas," saad ng binatang nakangiti sa kanilang dalawa. "Ikaw?" "Mr. Montelumiere..." Kumunot ang noo ni Eveleen. Ngayon niya lamang narinig ang pangalan na 'yon. "M-Montelumiere?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD