Chapter 1

1767 Words
DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, character, places, events and incidents are either the products of author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living dead, or actual events is purely coincidental. This story is Boyxboy at kung kayo po ay homophobe, 'wag na po kayong tumuloy sa pagbabasa. SHAUN POV "Mom, papasok na po ako." pababa ako ng hagdan papunta kay Mom para magpaalam dahil ngayon ang first day of school. "Kumain ka muna baby." sabay ayos ng mga plato at kutsara. "Hindi na po Mom, sa school nalang po ako kakain." nakangiti kong saad kay Mommy. "Okay baby, be safe wag magpapa late umuwi." sabay halik sa aking pisngi. Siya si Laycee Ramirez-Mendoza ang Mom ko at ang pinaka-magandang babae sa buhay ko, s'yempre ako yung sunod! Just kidding! Baby ang nakasanayan kong tawag sa akin ni Mommy dahil ako ay binabae, gay o kung ano mang tawag niyo don. Bahala kayo sa buhay niyo. Tanggap naman nila ako kaya walang problema. Ganoon din ang gwapo kong Daddy na si Shan Mendoza, pangalan palang gwapo na. Si Daddy naman ay as usual nasa company na. Workaholic, pero isa iyan sa naging dahilan kung bakit marangya ang aming kinagisnang buhay ngayon. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Kaya lahat ay ginagawa ko para hindi maging sakit sa ulo niya. Papasok na ako sa aking bagong paaralan. Ang pinapangarap kong mapasukan balang araw ay mangyayari na. Bata pa lamang ako gusto ko na makapag aral sa Toblé University dito sa Cavite. 'At matutupad na 'yon ngayon! Excited na ako!' Hindi lang dahil sa maganda ito kaya gusto ko makapag aral. Dahil din sa kumpleto ito sa kagamitan, mga gurong tutok sa estudyante at marami pang iba. Bigla kong naalala kung paano ako umiyak at tumulo ang sipon ko habang ine-enroll nila Mom and Dad sa Toblé University. Flashback... "Baby wake up, may pupuntahan tayo!" panggigising ni Mom sa akin. 'Wala naman akong matandaang occasion ngayon ah? Anong meron?' Kaya sinunod ko nalang ang kaniyang utos. "Where are we going Mom?" humikab muna ako bago ako tumayo at maghanap ng masusuot sa pag-alis namin. "Secret, your Dad is waiting downstairs kaya bilisan mo na." dumiretso na ako sa bathroom pagkalabas ni Mom sa kwarto ko. 'Ay may pa-secret? Nae-excite tuloy ako!' Binilisan ko lang ang paglilinis ng aking katawan dahil baka asarin lang ako ni Mom and Dad na nagsusuot pa ako ng dress. "Good morning Dad, good morning Mom." bati ko sa kanila pagkababa ko sa hagdanan. "Good morning baby, let's go?" tanong ni Dad bago kami tumungo sa kotse. Sumakay na ako sa passengers seat at si Mom and Dad naman ay sa front seat. Higit kumulang twenty minutes ang aming binyahe patungo dito sa kung hindi ako nagkakamali ay parking lot. Sa dami palang na nakapark na sasakyan ay mahahalata mo na. Engot ka kung hindi mo pa din nalaman! I don't know kung saang parking lot ba ito basta ginala ko na lamang ang aking paningin sa buong lugar. 'Well, maganda ang parking nila, pero mas maganda ako! BYE!' Pagkababa namin ay naglakad lang kami ng ilang hakbang at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang paaralang pinapangarap ko lamang noon. 'Nananaginip ba ako? Pakisampal naman ako now na!' Nandito kami ngayon sa harap ng mistulang ginto sa sobrang kinang ng gate ng Toblé University. 'Magkano kaya 'to kapag binenta ko?' Ang pinapangarap kong paaralan ay nasa harapan ko na! "Mom, Dad bakit po tayo nandito?" hindi ko maalis ang aking tingin sa loob ng school. "Simula ngayon baby, dito kana mag-aaral." nagtindigan ang aking balahibo dahil sa sinabi ng aking magulang. 'Totoo ba 'to? Dito na ako mag-aaral? Baka naman binibiro lang nila ako. Kailangan ko munang kumpirmahin bago ako maniwala.' "S-seryoso po ba kayo?" nauutal pa ako sa sobrang kabang nararamdaman. "Of course! It's your dream right?" tanong sa akin ni Mommy nang nakangiti. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon."Let's go, mag eenroll kapa." Naglakad na kami patungo sa loob. Pagpasok palang makikita mo na sa kaliwa ang napakalawak na soccer field. Sa kanan mo naman ay ang gymnasium na kasing-laki ng dalawang pinagtabing court sa haba. Pagkatapos naming mag enroll ay halos tumulo na ang aking luha't sipon sa sobrang saya. Ang pinapangarap kong paaralan ay mapapasukan ko na next monday. May pupuntahan pa daw na meeting si Dad kaya hindi na kami nagsayang oras. Umuwi na kami para maka-alis na si Dad patungo sa meeting niya at si Mom naman para maka-pagluto ng aming hapunan. End of flashback. Simula din ng araw na iyon ay hindi na mawala sa aking isipan ang lalaking nagpatibok ng aking puso sa araw din na iyon. Siya ang naka-agaw ng aking atensyon bago kami umuwi sa bahay. Flashback... Papunta na kami sa parking lot nang maagaw ng aking atensyon ang itim na sasakyang pinag-kukumpulan ng mga babaeng sa tingin ko ay mga kasing edad ko lamang. 'Kung maka-sigaw naman 'tong mga 'to! Akala artista ang nasa loob! TSE!' Napahinto ako sa paglalakad ng magsigawan sa kilig ang mga kababaihan sa tapat ng kulay itim na sasakyan. Bumukas ito at tumambad sa mga babae ang lalaking hindi gaano'ng kaputian ngunit mas maputi sa mga karaniwang balat. May katangkaran ngunit medyo payat ang pangangatawan. Gwapo, halata naman sa mga babaeng kinababaliwan siya ngayon. May katangusan ang kaniyang ilong. Manipis na kilay at mapupulang labing bumagay sa kaniyang mukhang perpekto ang pagkakahulma. 'Eng gwapo nemen nye! hihihi.' Dumapo ang kaniyang paningin sa akin. Naramdaman kong uminit ang aking mukha dahil sa kaniyang tingin. Umiwas na lamang ako at tumingin sa paligid. Nang ibalik ko na ang aking paningin sa kaniya ay laking gulat ko nang siya ay nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang kaniyang titig ngunit sa huli ay sumuko din ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdam sa lalaking iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-iinit ng mukha habang nakikipag-titigan sa lalaking iyon. End of flashback. "Let's go na po kuya Robert." si kuya Robert ang aking driver simula pa lamang ng ako'y nasa elementarya at hanggang ngayong highschool. Excited na ako sa unang araw ko bilang isang estudyante ng Toblé University. Sana maging maganda ang takbo ng aking pag-aaral dito. Nakangiti akong pumasok sa loob ng school. Sobrang saya ko. Sana ay magkaroon ako ng tunay na kaibigan dito sa loob ng school. At sa hindi inaasahan ay nakita ko nanaman ang lalaking nagpa-init ng aking mukha noong nakaraan. Ang lalaking hindi mawala sa aking isipan. Nagtama ang aming paningin, uminit ang aking mukha dahil sa pagdapo ng kaniyang tingin sa akin. Dumiretso na lamang ako sa room. Nilibot ko ang aking paningin para maghanap ng mauupuan. Napansin ko ang babaeng kumakaway sa akin. Nagpa-pahiwatig na doon ako umupo sa kaniyang tabi. "Hi, Ako si Freya Suarez. Freya nalang." nakangiti niyang pagbati sa akin. Gustong gusto ko ang kaniyang energy napakataas. Sana maging kaibigan ko siya. "I'm Shaun Klein Mendoza. Shaun for short." nahihiya kong pag-papakilala sa kaniya. Hindi pa naman kami close kaya nahihiya pa ako. Siguro sa susunod wala ng hiyaan. "Ay nosebleed ako sa'yo. Wag kang ganiyan girl." nagulat ako sa huli niyang sinabi sa akin. 'Ano?! Girl?! Halata ba ako? Juice colored.' "Okay lang Shaun, walang ibang makaka-alam. Mapagkakatiwalaan ako." nakangiti niyang sinabi sa akin habang tumataas baba ang kaniyang kilay. "Okay?" hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa kahihiyan. 'Masiyado ba akong halata para malaman niya agad? E wala pa naman akong ginagawa e. Malakas siguro ang pakiramdam nitong babaeng 'to.' Dumating ang aming Lec namin na si Miss. Celine makalipas ang ilang minuto naming kuwentuhan ni Freya. Ang saya niyang ka-kuwentuhan, hindi nauubusan ng topic. Sana tumigil na siya kasi hanggang pagpasok ni Miss dinadaldal pa din ako e. Nag a-attendance si Miss. Celine nang bumukas ang pintuan. Laking gulat ko nang bumungad sa amin ang lalaking kinababaliwan ng aking puso. "Oh, you're late Martinez. Makakaupo ka na." umupo siya sa likuran kasama siguro ng kaniyang mga kaibigan. 'Martinez' 'Martinez' 'Martinez' Ang gwapo ng pangalan! Bagay sa kaniya! Sanaol! Nakarinig pa ako ng bulung-bulungan tungkol sa kaniya. Diba s'ya si Blake Martinez? Yung nanligaw kay Abby kaso na-busted? Oo s'ya nga, kawawa naman s'ya noh? Gwapo pa naman. Kung ako si Abby sinagot ko na agad yan 'Na-busted siya?! Ang ganiyang itsura naba-busted pa? Ano kayang problema sa babaeng 'yon. Halos nasa sa kaniya na ang lahat. Ano pa kayang kailangan nung Abby na 'yon?' 'Kung ganoon Martinez ang kaniyang apelyido.' Napangiti ako dahil sa aking nalaman. Sa future, magiging apelyido ko na din 'yan. Joke lang! "Okay class, before ako magturo gusto kong magpakilala kayong lahat dito sa harapan." sabi ng Lec. namin na si Miss. Celine ng may ngiti sa labi. Nagsimula ng magpakilala sa harapan ang aking mga kaklase. Iba't ibang ekspresyon ang aking nakita sa bawat kaklaseng nagpapakilala. Ngunit ang naka-agaw ng aking atensyon ay ang lalaking patungo sa harapan ng may malaking ngiti sa kaniyang labi. "Hi! Good morning, My name is Kevin Montecarlos. Nice to meet you all." bawat salitang kaniyang binibitawan ay hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dumapo ang kaniyang tingin sa akin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya para hindi naman ako mag-mukhang rude. Nakaka-attract ang kaniyang mga ngiti. Siguro madami na ang nahumaling sa ngiti niya. Hindi na ako mabibigla kung may mga nag-iyakang babae nang dahil sa kaniya. Si Freya ang mauuna sa aking magpakilala kaya hinintay ko na lamang siyang matapos bago ako. 'Sunod na ako! Sana hindi ako ma-ihi!' Dumiretso na ako sa harapan pagkatapos ni Freya sa pagpapakilala. "Hi guys, I am Shaun Klein Mendoza. Nice to meet you all." nakangiti kong pagbati sa kanilang lahat. At pagtingin ko sa likurang bahagi ay titig ni Martinez ang sumalubong sa akin. Nag-init ang aking mukha dahil sa kaniyang pagtitig. Siguro ay sobrang pula na ng aking mukha ngayon. Bumalik na lamang ako sa aking upuan. At ang aking pinaka-hinihintay si Martinez. Nacurious talaga ako sa kaniyang first name. Siyempre, para hanapin siya sa social media. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa harapan. Pero bago siya magsalita ay nakarinig na ako ng mga babaeng kinikilig na ewan. "Class, silence!" pagsaway ni Miss. Celine sa kanila. "My name is Blake Martinez." walang emosyon niya pakilala sa amin. 'Blake Martinez' 'Blake Martinez' 'Blake Martinez' To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD