SHAUN POV
'Blake Martinez'
'Blake Martinez'
'Blake Martinez'
Nagpaulit ulit sa aking isipan ang kaniyang pangalan. Sa wakas at mahahanap ko na din siya sa social media. Sana nga lang hindi naka private ang mga accounts niya.
Bago matapos ang klase inayos muna ni Miss. Celine ang aming seating arrangement. Ang mga boys ay sa left side at mga girls naman sa right side.
'Dapat talaga doon ako sa right side pero tinatamad ako kaya sa left side nalang.'
Nag-umpisa na si Miss. Celine sa pag-aayos ng aming mauupuan. At laking gulat ko nang tawagin ang aking pangalan kasama ng mga lalaking naka-agaw ng aking atensyon.
"Martinez, Mendoza and Montecarlos." napatulala ako sa kawalan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ayoko, nahihiya ako. Hindi ko kayang makatabi ang mga lalaking ito.
'Charot lang! S'yempre tatabi pa din ako, wag ng maarte minsan lang dumating ang swerte.'
Bumalik ako sa reyalidad nang pumitik si Freya sa harap ko. Nakita ko ang kaniyang labing nanunukso kung ngumiti.
"Girl! Ang swerte mo!" maligaya niyang bulong sa akin.
"Ha? Anong swerte?"
"Wala! Pakipot pa'to!" hindi ko narinig ang kaniyang bulong.
Nahihiya man ay pumunta na ako sa aking bagong mauupuan na pinagigitnaan ng dalawang gwapong lalaki.
Simula ngayon kailangan ko na umayos sa upo. Madami na ang bawal ngayon.
Bawal malikot, bawal maingay at bawal UMUTOT! Nakakahiya 'yon kapag nagkataon!
Simula nang ayusin ni Miss. Celine ang aming seating arrangement sa araw na iyon ay halos hindi ako makagalaw ng maayos.
Siguro dahil sa hindi ako sanay na may katabing dalawang lalaki sa paaralan. Noong nakaraang school year kasi ay pulos babae ang aking katabi.
Discuss.
Discuss.
Lunch Break.
Tumunog ang ring hudyat na tapos na ang laban-este ang aming subject sa araw na iyon at oras na para mag lunch.
Hindi ko alam kung saan ang canteen kaya laking tuwa ko nang niyaya ako ni Freya sumabay sa kaniya.
Naghanap muna kami ng table bago kami pumunta sa counter para umorder. Nasa likod ako ni Freya sa pila. Hihintayin nalang daw ako ni Freya sa table nang makuha na niya ang kaniyang order.
Dahil hindi ako nag-agahan sa bahay ay heto ako ngayon gutom. Mukhang mapaparami ang makakain ko ngayon. Umorder ako ng spaghetti, burger, and drinks.
Nang iaabot ko na ang bayad ay umiling ang tindera sa akin. Hindi ko alam kung bakit umiiling ang tindera kaya tinanong ko kung bakit.
'Bakit hindi siya nagsasalita? Natatae na ba siya?'
"Ito na po ang bayad, ano pong ibig ninyong sabihin?" nagtataka kong tanong sa tindera.
"Bayad na iho, binayaran na."
'Ay nagsalita din!'
Tumalikod ako at nilibot ang paningin sa buong canteen kung sino ba ang kaniyang tinutukoy.
Napansin ko ang mga estudyanteng nakasimangot sa akin. Masiyado na siguro akong nagtagal dito sa counter kaya hindi ko na pinansin ang nagbayad ng pagkain ko at nagpasalamat na lamang sa tindera.
Pabalik ako sa table namin ni Freya nang makita ko siyang kuryoso sa nakatuping papel na kaniyang hawak.
"Shaun para sa'yo daw 'to." iniabot sa akin ni Freya ang papel. Tinanggap ko ito at binasa ang nakasulat sa papel.
'Hi, ang cute mo! :)'
Namula ako nang nabasa ko ang sulat.
'Grabe, ang cute ko daw. Matagal na!'
"First day of school may secret admirer ka agad, naiinggit ako." naka krus ang kaniyang mga braso at kunwari'y nagtatampo.
"Mas maganda kasi ako sa'yo!" nakangiwi kong sabi sa kaniya.
Pagkatapos naming mag lunch ay bumalik na kami sa room para sa susunod na klase. Gaya kanina tahimik lamang akong nakikinig at hindi makagalaw ng maayos dahil sa aking mga katabi.
Napansin kong panay ang pagtingin sa akin ni Kevin, mukhang may sasabihin ngunit nahihiya.
"Hi?" nakangiti niyang patanong na bati akin. Napatingin ako sa kaniya nang batiin niya ako.
"Hello." nakangiti ko ding pagbati sa kaniya.
"What's your name again?" napansin kong namula ang kaniyang mukha sa hindi ko malamang dahilan.
"Shaun Klein Mendoza." nahihiya kong sagot sa tanong niya. Ngumiti siya sa akin bago siya nagpakilala sa akin.
"Kevin Montecarlos." sabay lahad ng kaniyang kamay sa akin para makipag-shake hands. Tinanggap ko naman ito ng may ngiti sa labi.
"Pwede ba'ng makipag kaibigan?" nahihiya niyang tanong sa akin. "Naisip ko kasing masaya kang maging kaibigan." dugtong niya.
Nasayahan ako sa kaniyang alok, "Oo naman!" ngumiti pa siya ng todo ng marinig ang aking sagot
"Talaga?! Ang saya ko!" natawa ako sa kaniyang reaksyon. Parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan e sa itsura niyang 'yan.
"Tss." lumingon ako kay Blake nang may narinig akong tunog sa banda n'ya. Ngunit kataka-takang walang reaksyon ang kaniyang mukha. Siguro wala naman talagang gano'ng tunog.
Natapos ang klase ng may ngiti sa aking labi. Bawat minuto akong natatawa sa mga kuwento ni Kevin. Ang saya niya kasama, hinding hindi ka magsasawa sa dami ng kaniyang kuwento.
Nag text ako kay kuya Robert para masundo na niya ako dito sa parking lot. Napatingin ako sa kotseng pumarada sa harapan ko. Binaba niya ang bintana ng kotse, at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang ngiti ni Kevin.
"Hi, hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin.
"Actually uuwi na ako. Hinihintay ko lang yung driver ko."
"Ahh... Sayang hahatid pa naman sana kita."
"Okay lang yon, tsaka nakakahiya naman."
"Sige Shaun, una na ako. Bye!" nakangiti habang kumakaway niyang paalam sa akin.
"Bye! Ingat ka sa pagmamaneho!" kumakaway kong paalam.
Sakto naman ang pagdating ni Kuya Robert. Dumiretso na ako sa passengers seat. Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay na ako. As usual, nakapagluto na si Mommy ng pang hapunan namin.
"Mom, I'm home!" sabay yakap ko sa kaniya.
"How's school?" sabay halik niya sa aking pisngi.
"Masaya po! May mga naging kaibigan agad ako, Mom." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"That's good. Para naman hindi boring sa school."
"You're right Mom."
Umakyat na ako sa taas para makapag bihis. Bumaba ako nang tinawag na ako ni Mommy para kumain. Mabuti naman at nakauwi na si Dad, minsan nalang kasi namin siyang nakakasabay sa dinner dahil sa work niya.
"Good evening Dad." bati ko kay Dad bago umupo.
"Good evening Baby, how's school?"
"Like i said, masaya! May mga naging bago po akong kaibigan."
"Well... How about boyfriend?" natatawa niyang tanong sa akin.
"Daaaaad..." nahihiya kong tugon.
"I'm just kidding baby, but if ever na may boyfriend ka na or manliligaw kami ng Mom mo ang una mong sasabihan. Okay?"
"But Dad, sino naman pong manliligaw sa akin? I'm gay." nahihiya kong sagot.
"Don't say that, maganda ka naman." natatawang kontra niya sa aking sinabi.
'I know right!'
"Dad naman... Let's just eat nalang, okay?"
"Okay okay." natatawa pa din niyang sang-ayon.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto para sa assignment namin sa Math. Well, hindi naman sa pagyayabang pero magaling ako sa Math. Actually, Math is my favorite subject.
'Pero bago 'yon, mang i-stalk muna ako hehehe.'
In-umpisahan kong hanapin ang account ni Blake Martinez sa f*******:. Napansin ko ang kaniyang recent post 1hour ago.
Blake Martinez
You're so cute when blushing.
349Reacts • 534Comments • 64Shares
'So kapag hindi nagba-blush hindi na cute? Hahahahaha'
Hindi din nawala sa akin ang inggit, lungkot at tuwa dahil s'yempre support padin kahit hindi tayo gusto.
To be continued...