SHAUN POV
Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Walang ano-ano'y dumiretso na ako sa bathroom para makapag ayos sa sarili para sa school.
Bumaba ako pagkatapos ko maligo.
"Good morning!" masaya kong bati kay Mom.
"Oh.. Ayan na pala ang baby ko. Sorry hindi na kita nagising, madami kasi akong ginagawa e."
"Okay lang Mom, tsaka may alarm clock naman po ako e."
"Sabagay.. O sige kumain kana."
Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid na ako kay Kuya Robert. Mabilis akong nakarating sa school dahil hindi pa naman traffic dahil maaga pa.
Pumunta muna ako sa locker ko para kumuha ng gamit para sa first subject. May napansin akong papel na kulay pula. Kinuha ko 'yon at maglalakad na sana ako papunta sa room nang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Shaun!" nilingon ko kaagad ang boses na tumawag sa akin.
"Kevin! Good morning, kamusta?"
"Good morning, eto gwapo paden." natatawa niyang biro sa akin.
Uminit ang aking mukha sa kaniyang sinabi. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya dahil sa hindi alam ang sasabihin.
"Teka bakit namumula mukha mo? Okay ka lang ba?" natataranta niyang tanong sa akin. Napatingin tuloy ang ibang mga estudyante sa pagkataranta ni Kevin.
"Okay lang ako. Mainit kasi ngayon e.." pagdadahilan ko habang nakatungo dahil sa mga nakatingin sa amin.
"Okay.. Tara sabay na tayo."
"Okay, let's go."
Pinag-titinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad papunta sa classroom. May naririnig din akong nagbubulungan tungkol sa akin at kay Kevin.
'Diba siya si Kevin, yung captain ball sa volleyball?
'Oo siya nga. E sino naman kaya yung kasama niya? Ang cute!!'
'Oo nga e! Ang puti pa tapos ang taba ng cheeks!!'
Hindi ko na lamang pinsansin ang mga bulung-bulungan tungkol sa amin. Nang nakarating na kami sa room ay nakita ko agad si Freya na kakaiba ang ngiti sa akin.
"Hi Shaun.. Anong meron sa inyo ni Kevin? Ikaw ah.." todo ngiti niyang tanong sa akin.
"Ha? Wala naman, baket?"
"Parang may somethi-
"Kung ano man ang iniisip mo, wala 'yon. Okay?" pagputol ko sa kaniyang sasabihin.
"Okay.. Sabi mo e." makahulugan niyang ngiti sa akin habang pabalik sa kaniyang upuan.
Nagtataka man ay umupo na ako katabi ni Kevin.
'Teka? Bakit wala pa din si Blake? Magsisimula na ang klase'
Makalipas ang sampung minuto ay dumating na si Blake. Late siya ng sampung minuto.
Discuss.
Discuss.
Lunch Break.
Katulad kahapon niyaya ulit ako ni Freya mag lunch. Pero dahil kaibigan ko na din si Kevin, niyaya ko na din siya.
"Kevin, sabay ka na sa amin mag lunch."
"Talaga? Sige!" excited niyang sagot sa akin.
Naglakad na kami patungo sa canteen.
"Hindi ko alam na friends na pala kayo ni Kevin?" nakakalokong ngiting tanong sa akin ni Freya.
"Oo naman, nakipag-kaibigan siya sa akin e."
"Wow! Siya pa ang nakipag-kaibigan sa'yo?! Ang captain ng volleyball pa ang nakipag-kaibigan sa'yo?!" namamangha niyang sabi sa akin.
"E ano naman ngayon kung captain siya? Wala sa position 'yon kung pwede kabang makipag-kaibigan sa kahit sino mo gustong kaibiganin."
"Okay.. Sabi mo e."
Doon kami umupo sa inupuan namin ni Freya kahapon.
"Guys, anong gusto niyo? My treat!"
"Nako 'wag na, nakakahiya naman." nag-aalangang sabi ni Freya.
"No i insist, anong gusto niyo?"
Sinabi namin sa kaniya ang order namin. Ayaw niya din magpatulong sa pagbubuhat kaya hinintay nalang namin siya dito sa table.
Nang makabalik na siya ay sinimulan na namin kumain.
"Thank you sa treat ah.." nakangiting pasasalamat ni Freya kay Kevin.
"Wala 'yon"
"Shaun! Bakit hindi ka nagsasalita? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Freya sa akin.
"Ha? Wala, tahimik lang talaga ako."
"Ganoon ba.. Akala ko may problema ka e." natatawang sabi ni Freya.
Bumalik na kami sa room nang matapos kaming kumain.
Nang makabalik na kami sa aming upuan ay hindi na ako nagsalita. Katabi ko kasi si.Blake.
'Nahihiya nanaman ako, kailan ba ako masasanay na katabi ko na si Blake'
Para mawala ang hiya ko ay humarap na lamang ako kay Kevin.
"Kevin, thank you ulit sa treat mo kanina ah.." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Welcome.. Basta ikaw."
Saktong pumasok ang Lec namin kaya hindi na kami nakapag kuwentuhan pa ng matagal.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.
Sabay kaming bumaba ng building ni Freya nang may humarang sa aming apat na babae.
"Hey you!" nakataas ang kilay niyang turo sa akin. "Bakit kaba dikit ng dikit kay Kevin ha?!" pasigaw niyang tanong sa akin.
"Me? Seriously?" nagtataka kong tanong.
"Yes, i know you're gay. Kaya layuan mo si Kevin hindi kayo bagay! Ew!" maarte niyang sabi.
"At bakit naman ako lalayo sa taong pilit lumalapit sa akin?" seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ako papayag na sinisigawan nalang ako ng basta basta. "And why do you care? Sino kaba?" napalitan ng galit ang maarte niyang mukha.
"Well... I'm Abby, Ako lang naman ang Ex-girlfriend ni Kevin. Nakakahiya naman kung pinagpalit niya lang ako sa gay noh! That's embarrassing!"
"Tapos ka na ba? Nasasayang oras ko sa mga walang kwenta mong pinagsasasabi. Freya let's go."
Tinalikuran na namin yung maarteng Abby na'yon. Pero hinila niyang ang bag ko na nakasabit sa balikat ko kaya nawalan ako ng balanse.
"Hindi pa ako tapos!" sigaw niya matapos niya akong hilahin.
"Ano ba?! Don't touch me!" sigaw ko din sa kaniya. "Ayoko ng away kaya please tigilan mo 'ko!"
"Abby tumigil kana, wala namang ginagawang masama si Shaun ah?!" magkasalubong ang kilay ni Freya nang sabihin niya ang mga linyang 'yon.
"H'wag kang makisali dito Freya! At hinding-hindi ako titigil hangga't hindi mo nilulubayan si Kevin!"
"Ano bang pakealam mo kay Kevin?! Ex ka nalang niya! Wala na kayo kaya manahimik ka nalang!" sigaw ko sa kaniya.
Sasampalin niya sana ako, hinintay kong dumapo ang kaniyang palad sa mukha ko ngunit wala akong naramdaman.
Dumilat ako at nakitang hawak ni Blake ang braso ni Abby.
"Stop this nonsense Abby." mahinahong sabi ni Blake kay Abby.
Binawi ni Abby ang braso niya kay Blake tsaka tumingin sa akin.
"Tandaan mo, hindi ako titigil hangga't hindi ka lumalayo kay Kevin!" sabay alis kasama ng mga abubot niya.
Humarap sa akin si Blake at saka umiling ng umiling bago umalis. Pero kailangan kong magpasalamat sa kaniya!
"Blake wait!" habol ko sa kaniya, huminto naman siya kaya hindi na ako nahirapang habulin pa siya.
Napansin kong namumula ang kaniyang mukha kaya nagtaka ako kung bakit.
"Blake.. Bakit ka namumula?"
"Uhm... T-that's none of y-your business." nauutal niyang sabi.
"Oh.. okay i'm sorry, Thank you pala sa ginawa mo kanina." nahihiya kong pasasalamat sa kaniya.
"T-that's nothing.. Ayoko lang makakitang may n-nasasaktan."
"Okay, thank you ulit" iniwan na niya ako pagkatapos kong magpasalamat. "Freya, tara na."
"Grabe talaga 'yan si Abby! Napaka warfreak. Lahat nalang ng dumidikit kay Kevin ay inaaway niya! Palibhasa hindi pa siya nakaka move-on!"
"Bakit ba sila naghiwalay?"
"Dahil sa attitude ni Abby, isa kasi siyang bully dito sa University. Mabait kasi si Kevin kaya ayaw niya na may binubully si Abby. Pero ayaw tumigil ni Abby kaya nakipag hiwalay nalang si Kevin. Kaya ayan hanggang ngayon hindi maka move-on."
"Ahh.. Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang sugurin ako dito. Hay, buti nalang hindi tayo nasaktan doon. Tara na uwi na tayo."
Naglakad na kami papunta sa parking lot. Nauna na umuwi si Freya kaya naiwan nanaman ako dito mag-isa. Tinext ko si kuya Robert kung nasaan na siya. At sa kamalas malasan ay papunta palang daw siya.
Nagulat ako nang may pumatak na tubig sa mukha ko. Naulan! Kailangan kong sumilong! Ngunit wala akong makitang masisilungan. Malaki kasi ang parking lot kaya kung maghahanap ka ng masisilungan ay maglalakad kapa, e kung maglalakad naman ako ay mababasa na ako ng tuluyan.
May humintong sasakyan sa harapan ko. Bumaba ang bintana at mukha ni Blake ang bumungad sa akin!
"Hey get in! Mababasa ka pa"
"Okay okay!" hindi na ako nagdalawang isip at sumakay na ako sa passengers seat.
Nagtama ang mata namin sa rear mirror kaya dali dali akong tutmingin sa labas ng bintana. Napansin kong hindi padin umaandar ang kotse kaya tumingin ulit ako sa kaniya, at nakatingin padin siya sa akin.
"B-bakit hindi p-pa tayo u-umalis?" utal-utal kong tanong.
"Gagawin mo ba talaga akong driver? D-dito ka sa tabi ko."
Oo nga naman! Ako na nga lang ang magkiki-sabay magmumukha pa siyang driver kaya naman bababa na ako nang pigilan ako ni Blake.
"What are you doing?"
"Sabi mo lumipat ako?"
"Oh.. O-oo nga p-pero mababasa ka, d-dito kana d-dumaan." aniya na umusog pa para makadaan ako ng maayos.
"O-okay.."
Nakadaan naman ako ng maayos kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana para hindi na ako mahiya. Pero hindi padin umaandar ang sasakyan niya.
"B-bakit hindi p-pa tayo u-umaandar?"
Napansin ko siyang dahan-dahang lumalapit sa akin. Unti-unti naman akong umuusog sa kung ano man ang gagawin niya.
Nang malapit na malapit na siya sa akin ay pumikit na ako. Napadilat ako ng may gumalaw sa gilid ng aking ulo.
"Seatbelt." aniya na nagpipigil ng tawa.
"A-ah y-y-yeah.."
Nakakahiya!!! Bakit nga ba ako pumikit, hindi niya naman ako hahalikan e! Sana mawala nalang ako ng parang bula! Nakakahiya!!!
"Saan kita ihahatid?" tanong niya habang nakangiti.
"S-sa sakayan m-mo nalang a-ako ibaba." nauutal kong sabi. "N-nakakahiya naman." nahihiyang ngiti
"No.. Saan ang bahay ninyo." seryoso niyang tanong kaya sinabi ko nalang kung saang subdivision ako nakatira.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay nandito na kami sa harap ng village. Pinahinto ng guard ang sasakyan dahil siguro wala itong sticker.
"Sir, saan po kayo? Wala po kasi kayong sticker."
Lumapit ako sa side ni Blake para makita ako ng guard.
"Hello po! Shaun Mendoza here!" nakangiti kong bati sa guard para makapasok na kami.
"Ay kayo po pala 'yan Sir. Shaun! Pasensiya na po!"
"E-ehem.."
Napatingin ako kay Blake nang nagkunwari siyang umubo. Nagulat ako nang magtama ang aming labi! Napabalik ako sa aking inuupuan at tumingin na lamang sa labas. Natahimik din si Blake at hindi agad napa-andar ang sasakyan.
Saka pa lang niya pinaandar ang kotse ng bumusina ang kotse sa likod. Sobrang init nf mukha ko! Sa tingin ko sobrang pula na ng mukha ko!! Nakakahiya!!
"S-saan b-banda y-yung bahay n-ninyo?" utal-utal niyang tanong.
"D-diretso k-k-kalang then may m-makikita k-kang s-silver na gate s-sa pagliko m-mo sa k-kanan."
Nang makarating kami sa harap ng bahay ay nagpa-alam na ako at agad na bumaba. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin dahil sa hiya.
Pagpasok ko sa loob ay sinilip ko na lamang siya sa bintana habang umaalis.
Nang mawala na ang kaniyang kotse sa paningin ko ay kumain na ako at natulog.
To be continued...