Ang mundo ng mga tao
Ako si Bryan, Tinatawag ding Benito,lumaki sa hirap,sa mga taong hindi ko totoong magulang. Bilang tao,dapat alam mo kung paano harapin ang hamon ng mundo.
Ang buhay ay pakikipaglaban,sa mundo ng mga mortal,problema ang tunay na kaaway,
kahirapan ang halimaw na kaaway.
Hindi mo ito madadaig nang sandata o baril, ang kailangan ay tibay ng puso at isipan.
Nang makilala ang tunay Kong magulang,
Ang tunay na Luciana Briones Rico,
At sa edad niyang Senior, mukha pa ring dalaga,kung titingnan ang anyo niya,mukha lang siyang 25 years old,kahit ang kurbadang katawan ay pang Miss Universe,
Nagtagpo kami,at sinabi niya na ako ang tunay na Benito Dionisio Rico, At Doon natupad mga pangarap ko,
pinag-aral niya ako ng BS Psychology sa University of Sto.Tomas.
Mayaman siya,may mga minahan ng mga ginto,Siya ang may-ari ng Ayala Group of Company.At hindi lang gumaang ang buhay ko, At Doon ako nagsimulang maniwala na totoo ngang masarap mabuhay sa mundo.Nag Muslim ako pagkatapos Kong grumaduate sa Psychology, at nagtuloy sa Ph.D Psychology, Nagkaroon ako ng asawa si Jeminah ,May puting buhok, at may green na mata.Pangarap lang na pantasya, buti nga at naging totoo.
Sa likod nang magandang buhay, at may mga sobrenatural na puwersa na humahatak sa akin bilang itinakdang Ikaapat na Gammastor, Ang kapalarang naghihintay sa akin sa Olympia.
At bilang tao, sinubok Kong pasukin ang pulitika, subalit may matinding pagsubok na dumaan, At buti na lang napagtagumpayan ko ang hamon ng buhay.
At ito Ngayon, isa na akong Ph.D professor,
At tumutulong ako sa mama ko na i manage ang business namin.Mahirap sa umpisa pero madali lang basta may passion ka sa ginagawa mo.Mahirap kumilos nang walang passion.Noong bata pa ako, akala ko simple lang ang buhay,mali pala.Minsan kahit gaano ka katalino, kapag mahina ang emotional quotient mo, hindi mo madadaig ang bawat hamon ng mundo.
Hindi lang determination ang kailangan upang magtagumpay, kailangan din ng passion.Hangga't may desire ka na tuparin pangarap mo, hindi ka hihintong mabuhay.
At siyempre dapat may matibay Kang moral na prinsipyo.Dahil kapag wala Kang moral, mapapasok mo ang gulo ng buhay sa mundo.
Natuto akong kontrolin ang galit ko.Natuto akong maging positibo, dahil kapag negatibo ang iniisip mo, Lalo Kang maaasar sa maling sistema ng mundo.
Kapag positibo ka, madali lang mabuhay, hindi ka maaapektuhan ng maling kalakaran ng mundo.
At ito ako Ngayon, maglilingkod sa paaralan bilang Professor ng Psychology.
"Good Morning Sir Benito.",bati ng mga estudyante ko.
"Good Morning Class.",Tugon ko.
"Class ang topic natin Ngayon ay ang Emotional Quotient.",Saad ko.
Nagtaas ng kamay ang dalaga Kong estudyante na may green na mata.
"Yes,Ms.Perez."
"Sir,Ano ang pagkakaiba ng IQ at EQ?",Saad nito.
"Ang IQ ay sukatan ng talino at isip, at ang EQ ay ang kakayahan ng puso mo kung paano I manage ang emotional crisis na dumarating sa buhay mo.May nakita na ba kayong high school grad lang pero sobrang yaman.Dahil yun sa mataas na level ng emotional quotient.",Tugon ko.
"Ganun pala Sir, kungsabagay maraming college graduate pero walang trabaho.",Tugon nito.
At Ako'y umuwi nang bahay sakay ang Avanza.Habang biyahe,ang driver ko ay nagtanong.
"Sir,naniniwala ka ba sa mga diwata?"
"Oo naman Brad,may mga diwata talaga,nasa paligid natin minsan sila,nagmamasid at nagbabantay.",tugon ko.
"Alam mo sir,may kapitbahay kami,sinapian ng maligno.Ang sabi niya hinahanap ka daw niya,binanggit pangalan mo na Benito.May nagkakagusto daw sayong diwata, At balak kang kunin dito sa mundo ng mga tao.",Saad nito.
Tumugon ako,
"Talaga,kakaibang kuwento yang sinasabi mo,Pero kung may nagkakagusto sa aking diwata,paano niya ako kukunin dito sa mundo ng mga tao?"
"Ewan ko nga Sir,ang hiwaga kasi ng buhay,ang dami Kong naririnig na ganyang kuwento.Hindi ko rin alam.",Tugon nito.
Samantala sa Kaharian ng Urasus, May Hara na matagal nang hinihintay si Benito.
Siya si Meradah, Ang diwatang may dugong anghel.
"Benito, hanggang kailan mo ako pahihirapan na kahihintay sayo.Oh aking Janus.Saan ka na?",Sambit niya habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.