TOMS: CHAPTER 12

1219 Words
Nandito na ako ngayon sa Manila, para magtrabaho syempre. Yung parents naman ni Tanya tanggap na ulit siya. "Tanya, tara na" aya ko dito, sinabi niya din kasi kinagabihan na papayag na siyang pumunta sa bahay ng parents niya. Kasama namin si Kian at Astrid. "Kinakabahan ako" bulalas nito ng papalapit na kami sa bahay nila. "Kalma lang, Ano man ang maging resulta andito ako, susuportahan ko kayo" ngumiti na lamang ito ng tipid sa akin. Nakailang katok muna kami sa pintuan ng bahay nila bago ito bumukas. Tumambad sa amin ang isang dalagita na may dinadala sa kanyang tiyan. "At-ate?" Gulat na gulat na sabi nito. "A-a-anika" Naiiyak man ay pinigilan ni Tanya na tumulo ang kanyang mga luha. "P-pasok po, k-kayo" aya nito ng makita kami. Pinaupo muna kami nito sa upuan nila bago nagpaalam para tawagin ang mga magulang nila. "T-tanya?" Gulat na tawag ng kanilang ina dito. "Nay" mapait na ngumiti naman dito si Tanya. "Mabuti naman at dumalaw ka dito" mapait na sabi naman ng ama nito. "Akala ko kasi ay kinalimutan mo na kami" dagdag pa nito. Napakunot naman ang noo ni Tanya bago ito nag salita. Kami naman ni Kian ay tahimik lamang. "Pagkatapos niyo akong itakwil sa mga oras na kailangan ko kayo? Ganyan ang sasabihin niyo ngayon?" "Wala ka talagang utang na loob, malandi ka talaga, ipinalaglag mo na lamang sana ang bata na iyan" sabay turo niyo kay Astrid, tuluyan namang napahagulhol si Tanya...samantalang si Kian ay nagtatagis bagang na. "Hindi na pala sana ako pumunta dito kung ganyan din naman pala ang sasabihin niyo" Matigas na aniya, ang ina naman nito ay tahimik lamang sa isang tabi. "Akala mo ba kaya mo na? Ha? Akala mo kung sino ka na" napatawa na lamang si Tanya dahil sa sinabi ng kanyang ama. "Eh bakit si Anika? Ano yan? Nakalunok ng isang buong pakwan? Napaka unfair niyo, sabagay bakit pa nga ba ako nagtanong" "At-ate" "Manahimik ka, pumunta kami dito para sana ipakilala ang Apo niyo, pero ano? Ganyan pa ang mga sinabi niyong salita sa kanya" sigaw nito. "Wala akong pake, sana nga yang anak mo ay nama----" hinimas ko naman ang batok ko para kumalma, saka pinutol ang iba pang sasabihin nito. "Isang masamang salita pa ho ang bitawan niyo sa pamangkin ko, hindi ako magdadalawang isip na ilapat tong kamao ko sa mukha ninyo, kahit ho mas matanda kayo sakin" matigas na sabi ko dito na nakapagpatahimik sa kanila. "Yung mga panahon na kailangan kayo ni Tanya, wala kayo. Tapos ngayon na nabubuhay na ang pamangkin ko, pilit niyo siyang pinapatay sa mga salita niyo? Oo, galit tayo sa ginawa nila dahil mga estudyante pa lamang sila, pero ano ba ang silbi nating nakakatanda sa kanila kung hindi natin sila gagabayan hindi ba?" Paliwanag ko, pinalabas ko din muna kay Kian si Astrid bago ako magsalita ng ganito. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "Ginusto nila o hindi ang nangyari sa kanila, wala na ho tayong magagawa dun, nandyan na yan, hindi maitatama ng kasalanan ang isa pang kasalanan. Ang gusto lang naman ho namin ay ang kilalanin niyo lang ho sana ang apo niyo. Pero mukhang hindi mangyayari eh, kung sino pang nakakatanda siya pa ang sarado ang utak. Just a waste of time making an effort to come here, gotta go" malamig na lintaya ko bago lumabas ng bahay na iyon. Pinuntahan ko din naman kaagad si Kian at Astrid. "Hi pamangkin ang kyut kyut talaga eh" bata pa lamang ay napagsasalitaan na siya ng ganun. "Puntahan mo na muna si Tanya ako na bahala dito" sabi ko kay Kian na tinanguan lamang ako. Pumunta kami sa may ilalalim ng puno para iwas sa araw si Astrid. "Tita ganda loves Astrid" he gigled on what I've said, napatawa naman ako ng mahina dahil dito. Kalahating oras pa ang lumipas ay nakita kong papalapit na sa amin yung dalawa. "Thank you ate" "Hoyyy kanina ka pa tinatawag sa office ni Mr. Santiego" sigaw sa akin ni Wine. "Hala? Omgggggg" dali dali naman akong tumakbo papasok sa opisina ni boss. "Goodluck hahahahah" sigaw pa ni Wine. "Im sorry po" bungad na salita ko dito ng makita ko siya na nakatalikod ay nakatingin lamang sa bintana. "Its okay iha, let's go?" Sabay harap nito sa akin. "H-ho? Saan p-po?" Tanong ko dito ng may nagtatakang tingin. "Meeting, A very important meeting, I have to do some announcement" Hindi naman na bago sa akin ang isama niya ako sa mga meeting, kaya lang parang may kakaiba ngayon eh o baka guni guni ko lamang ito. *** Andito na kami ngayon kung saan idaraos ang meeting, andito na rin ang ilang board members. Nasa likod lamang ako at nakaupo. "Good afternoon everyone" bati ni Mr. Santiego Bumati rin naman ang ilang tao na nandito sa silid na ito. "Bago tayo tuluyang pumunta sa dapat na sasabihin ko, nais ko lamang na magpasalamat sa ating Maykapal na siyang nagbigay ng mga ito sa atin. Salamat din sa inyong mga naririto, at sa mga taong naging dahilan ng pagiging successful ng business natin" huminga muna ito ng malalim at saka nagpatuloy. "Alam naman natin kung paano ito nagsimula. Ang kompanyang ito ay itinatag ng aking isang anak na si Kram Santiego at ng kanyang butihing may bahay na si Lara De Jure Santiego" naikwento nga ito sa akin ni Madam Eliza. "Matapos nila itong mapagtagumpayan makalipas ang dalawang taon, ay may hindi inaasahang pangyayari, at tila alam na nila na darating ang araw na iyon na talaga namang kanilang pinaghandaan" namatay sa isang ambush ang mag asawa ayon sa kwento sa akin ni Madam Eliza. Tahimik lamang kaming nakikinig dito. "Ang kompanyang ito ay nakapangalan na sa nag iisang anak nila" ni minsan ay hindi ko pa man lang nakikita ang anak nilang iyon. "Napakabata pa lamang ng batang iyon para ihandle ng mag isa itong kumpanya, kaya ako na lamang muna ang humawak nito. Hindi ba't mas gusto muna natin na mag enjoy sa buhay ang ating mga apo?" Tanong nito na sinang ayunan naman ng lahat. "Nakakalungkot man ay kailangan ko ng bitawan ang aking pwesto, hindi na rin naman ako bumabata, alam niyo na kailangan ng quality time kay Misis" natatawang aniya. "Hahahaha kayo talaga Mr. Santiego napaka naughty" natatawang sabi ng isang board member, nagtawanan din naman ang ibang miyembro. Tila ata ay nagaya na din nila pati ang pananalita ni Mr. Santiego. "Kung gayun ba ay ipapasa mo na ang pagiging Ceo sa iyong nag iisang apo?" Tanong ng isa pa. "Oo, marahil ay kilala na ninyo siya" sana all kilala...shesh kung aalis na siya, paano na ang trabaho ko. "Hindi maipagkakaila na magaling nga ang batang iyon" papuri naman ng isa pa. "Mabuti na lamang ay siya ang papalit at hindi kung sino pa" nag sang ayunan naman ang lahat. "Maraming salamat sa inyong pagtitiwala sa kanya, mamayang gabi pala ay magkakaroon tayo ng celebration sa Casa de Cadniz, lahat kayo ay imbitado, magsasara din muna tayo bukas, desisyon ako eh" nagtawanan naman ang lahat ng nasa silid dahil sa huling sinabi nito. "Bago ang lahat nais kong pormal na ipakilala ang bagong Ceo ng ating kompanya, My grandson and the Only Son of Kram and Lara Santiego, please welcome our new Ceo... Zero Santiego"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD