TOMS: CHAPTER 13

1167 Words
Hanggang sa nakabalik ako sa aking upuan ay tulala pa rin ako. P-paanong si Z-zero? Ilang taon na kaming magkasama tapos ngayon ko lang nalaman na siya pala ang taga pagmana? Napahilot naman ako sa aking sintido dahil sa frustation. Ni hindi ko nga natapunan ng tingin si Zero kanina ng lumabas ako sa silid na iyon. Napagdesisyunan kong pumunta sa opisina ni Mr. Santiego para maliwanagan kung matatanggal na ba ako sa trabaho. *Knock*Knock* Katok ko bago tuluyang buksan ang pinto. "What can I do for you iha?" Tanong nito "About my work sir, im going-----" ngunit naputol ang iba ko pang sasabihin ng magsalita ito. "Yes iha you're right" Napabuntong hininga na lamang ako. "Sige po sir, gonna pack my things" paalam ko dito. "Go ahead iha, and thank you so much for being my secretary, it was great" naiiyak man ay nakuha ko pang ngumiti dito. "My pleasure Sir, a-ahmm may pwede pa po ba akong applyan na posisyon?" Pagtatanong ko dito, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. "Just call me lolo iha, and what are you saying? Position? Why?" Takang tanong nito. "Kasi ho diba ang sabi niyo tama ako sa iniisip ko na mawawalan na ako ng trabaho and yung pagliligpit ko ho sana ng gamit ko" paliwanag ko dito. "Hahahaha silly Scientiana, I did'nt know that, you are thinking about removing your position, no iha, and about sa mga gamit mo, ipinapalipat ka ni Zero sa opisina niya" paliwanag naman nito na tatawa tawa pa. "H-ho?" Gulat na tanong ko dito. "Yes iha, si Zero na ang bagong Ceo, and ikaw ang magiging sekretarya niya, go go lumipat ka na dun hahaha" Tinanguan ko na lamang ito. Napahimas ako sa noo ko dahil sa nangyari, hindi ko pa rin talaga maisip. Ayaw pa mag sink in sa akin. Matapos kong ayusin ang ilang gamit sa table ko ay may pumuntang dalawang lalaki at dinala nila ang mga gamit ko sa opisina ni Zero. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok dito...kaya pala ang laki ng tiwala sa kanya ni Mr. Santiego, lolo niya pala. Pagkapasok mo ng opisina nito ay hindi ko siya namataan. Baka nasa labas pa or nasa cr. Didiretso na sana ako sa table ko sa loob ng office niya nang may humigit sa braso ko at hinapit ako sa baywang. "Im sorry kung hindi ko nasabi sayo" bulong nito sa tenga ko na siyang nakapagpatindig ng balahibo ko. Sinubukan ko naman itong itulak pero mas malakas siya sa akin, kaya hinayaan ko na lang, sayang energy ko. Nagulat ako ng ipaikot niya ako at isandal sa pinto, nakarinig naman ako ng pag lock nito. Tumitig naman ito sa akin ng matiim. "Z-zero, an-ano b-ba" pautal utal na sabi ko dito. "Calm down haha, Im sorry na okay? Here, isa na lang natira eh" amp? Isang pirasong stick-o "Im not mad okay, nagulat lang talaga ako tsaka di mo din naman responsibility na sabihin sa akin lahat tungkol sa buhay mo" sabay kain ko ng paunti unti sa stick-o binigay niya. "F*ck that" inis na daing nito sabay lapat ng labi niya sa mga labi ko na siyang nakapagpalaki ng mata ko. Nilunok muna nito yung stick-o na nakuha niya bago nagsalita. "I told you, next time ilalapat ko na" sabay hila ng bahagya sa neck tie nito. Habang ako nakatulala lang dito. Nang mahimasmasan ako ay sinamaan ko siya ng tingin at saka binangga ito sa balikat bago dumiretso sa table ko. Hindi ako makatingin ng maayos dito dahil sa nangyari. "You don't have any meeting for today Sir" sabi ko dito matapos kong icheck ang schedule niya for today. "Oh right thank you, and please just call me Zero" "Okay" sagot ko dito dahil sa nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Nakita kong napahilot ito sa sintido niya, kaya napakunot ang noo ko. "Headache?" Tanong ko dito, at hindi na lamang inisip ang nangyari kanina. "Yeah" napayuko na lamang ito sa table niya. Tumayo na lamang ako papunta sa kanya. "Dun ka na lang muna mahiga sa sofa" sabay tapik ko dito. "Ang init mo ah" sabi ko dito ng hawakan ko ang noo niya. Inakay ko na din ito papunta sa sofa at saka pinahiga. "Kaya ko pa Tia, don't worry" saka isinandal niya ang ulo niya. "Sandali lang ha" tumango na lamang ito. Bumaba ako para bumili ng lugaw sa baba, ipapakain ko sa kanya, alangan naman na ipainom ko diba. *** "Lock the door please" mahinang sabi nito. "Here kumain ka na muna bago uminom ng gamot" Nang mag simula na siyang kumain ay tumayo muna ako at nagpunta sa banyo para kumuha ng towel na basa. "Tanggalin mo muna yang sleeves mo pagkatapos mo lumamon pupunasan lang kita" Ibinigay ko na din sa kanya yung gamot niya. Habang pinupunasan ko siya ay di ko maiwasan na mapatingin sa pandesal niya...kape please. Tanggalin ba naman kasi lahat huhu. "May party pala mamaya ah, paano ka na niyan?" "Kaya ko naman, magpapahinga na lang muna ako, pakisabi din kay lolo" "Uuwi ka?" "No, I have a room here" "Oh okay, hatid na muna kita, saan ba?" pagtatanong ko dito. Itinuro niya naman yung shelf na puro libro. "Just push at the side" tumango na lamang ako at saka itinulak ang shelf na iyon. Bigat ha, naubos ata ang lakas ko. Inakay ko na din si Zero at saka pinahiga sa kama niya dito, in fairness ang ganda ng silid na ito. Ito namang si Zero mag sasalita lang kapag tatanungin ko tapos ay tatahimik na ulit. Sabagay, masama kasi ang pakiramdam eh. "Zero, may mga damit ka ba dito? Magbihis ka muna" "Why? Nadidistract ka ba sa abs ko?" He asked with a smirked in his face. "Aba, tumigil ka nga diyan" saway ko dito. "Im just kidding, anjan lang sa cabinet na yan, ikaw na lang pumili" Binuksan ko ito at saka pumili ng damit na komportable niyang suotin. Nang isasara ko na sana ay may nahulog naman na picture. It was a girl and boy. Tiningnan ko ang nakasulat sa likod. Zero and Ikea I love you, Love. May dumaan namang kirot sa puso ko, his ex. Mapait na lamang akong ngumiti at saka ibinalik ang litrato. May nakatakas pa palang luha sa isa kong mata na agad ko din namang pinunasan bago humarap papunta kay Zero. D*mn, magkaibigan lang naman kami eh. Pagkakita ko kay Zero ay matiim itong nakatingin sa akin. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Here, magbihis ka muna, ipapaalam ko na muna kay Mr. Santiego" paalam ko dito. "Why?" Tanong nito na siyang ipinagtaka ko. "Syempre may sakit ka kaya ipapalam ko kay------" "D*mn it Scientiana, why? Why I can see pain in your eyes after seeing that picture? Tell me?" Parang nagmamakaawang tanong nito. "Ha? Hakdog ka Zero, pain ka diyan, daming alam amp" sabay irap ko naman dito Sinamaan niya naman ako ng tingin at bago pa man siya makapagsalita ay nagpaalam na ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD