TOMS: CHAPTER 14

1205 Words
"Mr. Santiego, baka po humabol na lamang si Zero sa party mamaya, hindi po maganda ang kanyang pakiramdam" pagbibigay ko ng information dito. "I told you just call me Lolo, and please iha, kung hindi pa rin siya ayos mamaya ayos lang kung hindi na siya pumunta" "Si-sige po l-lo" "Salamat, ikaw ba? Hindi ka mag aayos? Pinauwi ko na ng maaga ang mga empleyado, at saka mauuna na din ako eh" "Sasamahan ko na lang po muna si Zero, mag iingat po kayo and enjoy" aware naman sila ni Madam Eliza na magkaibigan kami ni Zero, naisasama na din kasi ako nito sa bahay nila nung mga nagdadaang taon. "Sigurado ka ba iha? Magpapatawag na lang ako ng makakasama ni Zero dito" paninigurado nito. "Ay naku hindi na po, ayos lang ho" "O siya sige, mag iingat kayo dito" Tinanguan ko na lamang ito at saka lumabas. *** Nang makapasok ako sa kwarto nito ay naabutan ko siyang nanginginig sa lamig. Dali dali ko naman itong pinuntahan at binalutan ng mas makapal na kumot. "Zero" nahihiya man ako ay niyakap ko ito baka sakali na mabawasan ang panginginig niya. Napahinga ako ng maluwag ng tumigil ito. "Di-dito ka lang" bulong nito. "Sandali, aalisin ko lang heels ko, sasamahan na muna kita, wag ka na daw muna umattend ng party kung ganyan pa rin ang nararamdaman mo" "H-how about you?" "Sasamahan kita" sabi ko dito at saka inayos ang kumot niya. Inalis ko na din muna ang jacket na suot ko. "Ay-ayos lang ba sayo?" pagtatanong nito. "Yeah, no worries mas gusto ko muna na samahan ka dito" himawakan ko ng bahagya ang noo niya. "Ang init mo pa rin, matulog ka na muna, mamaya ka pa iinom ng gamot" Tumango ito sa aking sinabi at saka tinapik ang tabi nito. "Tabihan mo ako, kaso baka mahawa ka eh wag na lang pala" sabi nito at saka pumikit. "Sige na, di naman ako madaling mahawaan" saka ako tumabi dito, ang awkward. Buti na lamang at nakapantalon ako, at hindi skirt, mahirap gumalaw. Siniksik naman niya ang sarili niya sa akin at niyakap ako. "Hmmmmm" namumula na ako dito Zero oh panindigan mo ako, sabi ko sa isip ko at napatawa ng bahagya. NANG dumating ang gabi ay hindi pa rin humuhupa ang lagnat nito, itinawag ko na lamang ito sa Lolo niya. "Zero" gising ko dito. "Ihahanda ko lang ang pagkain mo, at iinom ka na ulit ng gamot" mahinang sabi ko dito. Unti unti niya namang niluwagan nag pagkakayakap sa akin. Buti na lamang at may cup noodles siya dito. Kaya iyon na lamang ang iniluto ko. "Zero kain ka na muna" sabay yugyog ng mahina dito. "Ikaw?" "Mamaya na lang" Nang maubos niya na ay pinainom ko na siya ng gamot. "Kakain lang ako ha, pahinga ka muna jan" paalam ko dito. "Please come back" "Opo" Napangiti ako sa inasta nito, parang bata. Nang matapos ako kumain ay bumalik na din kaagad ako sa kwarto nito. "Nahihilo ka pa ba?" Pagtatanong ko. "Medyo, baka bukas ay okay na ako, galing ba naman mag alaga ng nurse ko" nambola pa nga. "Sus" saka ko ito tinawanan "Salamat di mo ako iniwan" "Oo naman ako pa ba, I got you" sabay kindat ko dito. "Matulog ka na nga" "Eh kakatulog ko nga lang eh" pagpoprotesta nito. "Duh kahit na no, makinig na lang tayo ng music para mas madali kang makatulog" "Fine" pagsuko nito, I just chuckled. Habang nakikinig kami ay sinusuklay ko ang buhok nito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig ko na ang mabigat na paghinga nito, saka ko siya sinilip. Tulog na, pero bakit napaka gwapo pa rin nito sa paningin ko. "Mahal na kita Zero, pero alam kong kaibigan lang naman ang turing mo sa akin eh pero ayos lang, mamahalin na lamang kita ng patago" mapait na lintaya ko...malakas ang loob ko kasi tulog naman siya eh. Napahikab ako ng makaramdam ng antok, maya maya pa ay bumagsak na din ako sa tabi niya. *** "Hmmmm" ungol ko at saka niyakap yakap pa ang unan ko, pero bakit ang tigas naman...pinabayaan ko na lamang ito. I heard someone chuckled. "Hey wake up" napalaki ang mata ko ng mapagtanto kung nasaan nga pala ako. Nakaunan pala ako sa mga braso niya...nakakahiya naman. "Hala sorry" paghingi ko ng paumanhin dito at saka napabalikwas ng bangon. "Sarap na sarap ka sa unan mo ah" natatawang aniya. Lumapit naman ako sa kanya para icheck kung mainit pa ba siya. "Konting sinat na lang ang meron ka, by the way masakit ba braso mo? Massage ko na lang" napakamot naman ako sa ulo ko. "No, ayos lang haha" "Sigurado ka ba? Kamusta pala pakiramdam mo?" "Oo naman, eto medyo okay na ako, ikaw ba naman ang nurse ko" "Tse, tumigil ka nga, magpalit ka na muna ng damit mo, basa na ka na ng pawis eh" sabi ko dito at saka lumabas ng kanyang silid. Lumabas na lamang ako ng kompanya para makakain kami. Naka lock naman ito kagabi, may daan din naman kami sa papunta sa labas hindi lang sa main entrance. At syempre may susi din kami no, halerr kasama ko ang may ari. Hahaha Fried rice, itlog at tocino na lamang ang binili ko may libre din namin itong sabaw. *** "Hey Tia, salamat sa pag aalaga mo sakin nung nakaraan ah" biglaang banggit ni Zero habang naglalakad kami sa hallway papunta sa unit ko. "May bayad yun" biro ko dito. "Ano bang gusto mong bayad?" Mahinang bulong nito habang nakangisi "Jo-joke lang hahaha" tatawa tawa kong lintaya kahit na ako'y kinakabahan. He just chuckled, then we already reach our destination. "Ohhhh hiii Sir Zero" bati ni Wine ng pagkabukas niya ng pinto. Nanunukso naman itong tumingin sa akin. "Ay forda hatid ang ferson" biglang bungad naman ni Axiyana. Ewan ko ba diyan sa babaeng yan, ang yaman yaman tapos dito nakikitulog, pero mas masaya naman, tatlo na kami eh haha. "Oh hi ladies" bati naman ni Zero. Nginitian lamang siya nung dalawa. "Wine feeling ko ang daming langgam dito" biglang sabi ni Axiyana. Magsasalita pa sana si Wine pero sumingit na ako. "Eh kung papasukin niyo kaya muna kami" sarkastikong lintaya ko sa mga ito..itong katabi ko naman tatawa tawa, kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ay oo nga pala hehe" kakamot kamot pang sabi nung dalawa at saka kami pumasok. "AHUH, let's celebrate here since hindi naman kayo nakapunta ng party" may laman na sabi ni Axiyana, paano ba naman kasi nakwento ko sa kanila na kaming dalawa lang ang naiwan nung araw ng party. "Oo nga naman, let's party para sa new Ceo" sigaw ni Wine na tinawanan lamang namin. "Nakakapagtaka nga itong si Scientiana eh, hindi alam na apo ni Mr. Santiego itong si sir Zero hahaha, kahit ilang taon silang magkasama" natatawang dagdag pa nito. "Paano ba naman kasi di magtanong eh hahahaha" gatong naman ni Axiyana. "Tse, tigilan niyo nga ako" sabay irap ko sa mga ito. "Nga pala ano celeb na us here" ngisi kong dagdag. "Oh sandali lang hindi naman pwedeng akong lang ang lalaki dito" nakangising sabi niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Zero at saka nanunuksong tiningnan si Wine at Axiyana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD