"I have a good news for you Ms. Villaverde" balita ng isang atty./prof. namin.
Nandito kami ngayon sa classroom.
Isang linggo na lang graduation na namin.
Finally, napangiti ako sa aking naisip.
"Ano po yung atty?" pagtatanong ko dito.
Tutok naman kami ng mga ka blocks ko sa kanya.
"You got a straight uno" balita nito na nakapagpalaki ng mata ka.
Nag aral ako ng maayos para makamit ito.
"Congrats Scientiana" bati sa akin ni Ian, ganun din ang ibang mga kaklase ko.
Nginitian ko na lamang sila.
"But..." pabitin ni atty. na nakapagpabalik ng atensyon namin sa kanya.
"10 of you, ay hindi gagraduate" malungkot na lintaya nito, napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.
Nag si angilan naman ang mga kaklase ko.
"Attorney? Wala na po bang ibang paraan?" Pagtatanong ni Kaila.
"Meron pa naman..." napahinga naman kami ng maluwag dahil dun.
"Pero depende na ito kay Ms. Villaverde" pagpapatuloy nito.
"Ako po ho Attorney?" Paninigurado ko.
"Yes, if you will sacrifice your uno"
I click the record button of my phone, at saka tumayo at nagtanong ng walang pagdadalawang isip.
"Paano po attorney?"
Tanong ko dito ng walang emosyon.
"Kung 1.50 ang magiging grado mo ay lima na lamang ang hindi gagraduate, ay kung dos naman ang nais mong isakripisyo ay lahat kayo makakagraduate at walang maiiwan"
Napatango naman ako dahil sa sinabi nito.
"Kung isasakripisyo ko po ba ang uno ko at magiging dos, sigurado po ba talagang makakaakyat kaming LAHAT sa entabladong aming inaasam?" tanong ko ay diniinan ang salitang "lahat".
"Yes Ms. Villaverde"
"Isinasakripisyo ko po Attorney, dos ho" magalang na saad ko dito.
"May time pa Ms.Villaverde"
"Sigurado na po ako"
"Okay, kung yan ang iyong desisyon, class dismissed"
"Thank you Attorney" paalam namin dito.
Pagkalabas niya ay lumabas din ako.
Mag ccr lang ako haha, anong akala niyo? Mag eemote ako?
Hindi no hahaha.
Mas masaya kasi kung sama sama kaming gagraduate.
Okay na sa akin ang mababa basta't makapasa lamang ako.
Oo importante para sa akin o sa ating lahat ang grade, pinaghirapan natin yun eh.
Pero kasi, deserve nila ang makatungtong sa entabladong aming inaasam.
Hindi ko naman isasakripisyo ang uno ko ng walang basehan, at para sa wala lang.
Kita ko/naming lahat ang bawat hirap at sakripisyong pinagdaanan namin sa apat na taon na pag aaral namin dito sa law school.
Mas masaya na walang maiiwan sa amin.
Nagdrama yarn.
Naghilamos muna ako bago bumalik sa classroom.
Napatingin ako sa orasan kong pambisig, 11:55 na, wow?
Uwian na pala.
"Wahhh Scientiaaannnaaaaa" naiiyak na sigaw ni Trainy, bumaling naman ako ng nakakunot ang noo dito.
"We're really sorry Scientiana" paghingi ng paumanhin ni Ivan.
"Huh?Hakdog" pamimilosopo ko sa mga ito.
"Naman eh huhu" Sabi naman ni Sam.
"Nabuang na ba kayo?" Bored kong tanong sa mga ito ko dito.
"Eh kasi nga sila sana yung sampong si makakagraduate kaso sinakripisyo mo, kaya sila nagkakaganyan, ipinatawag sila kanina eh pagkalabas mo" sabi ni Ian sabay akbay nito sa akin.
Tumango tango naman sila bilang pagsang ayon sa paliwanag ni Ian.
"Ganun ba? Ayos lang yun ano ba kayo, mas masaya pa rin kapag walang maiiwan sa atin" nakangiti kong sabi ko sa mga ito.
"Nakakakonsensya kasi eh, alam namin, nakita namin ang paghihirap mo para lang makuha ang uno na yon" malungkot na saad ni Melanie.
"Tsaka, kung ginalingan din siguro namin di mo kailangan isakripisyo yan" gatong naman ni Daven.
"Pasensya ka na talaga Scientiana ha, pwede mo pa naman bawiin ayos lang sa amin, napag usapan na namin kanina" Sabi naman ni Jake.
Naniningkit mata naman akong tumingin sa mga ito.
"Ano ba kayo wala yon, ang importante sa akin ngayon ay ang sama sama tayong makakalis dito at sabay sabay na tatahakin ang bagong daan" sabay kindat sa mga ito.
"Sigurado ka na ba diyan?" paninigurado nila sa akin.
"Oo naman, kita ko ang paghihirap at sakripisyo niyo, nating lahat kaya deserve natin to hahahahah"
"Thank you so much Scien" sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Choir yarn" pang aasar ko naman.
Nagtawanan naman kami, kita ko naman sa mga mata nila ang sinseridad at kasiyahan.
Bigla namang tumikhim si Lianne, yung isa naming classmate, nasa may pinto kasi siya.
"Kung ayaw mong maputulan ng braso Ian, kung ako sayo tinatanggal ko na yan" pananakot ni Lianne kay Ian, nakaakbay pa pala ito sa akin, wala naman itong malisya para sa akin.
"Bakit Lianne babes nagseselos ka ba?" Ngising tanong nitong katabi ko.
"Hindi, bakit sino ka ba?" Pagtataray naman nito na siyang tinawanan namin.
"Ay oo nga Ian, kung ako talaga sayo tinatanggal ko na yan" gatong ni Sam, pagkalapit nito kay Lianne.
"Ay pati ba naman ikaw Sam? Nagseselos?" Madamdaming sabi pa nito.
"Hindi, ay sige ho pasok na kayo" tila naubusan ng pasensya ang mga ito.
Pumasok naman ang isang lalaking may mahahabang pilik mata, may mapupulang labi at may mga nakakalunod na mga mata...
"Z-zero" pagbanggit ng pangalan ko dito.
Kilala na din kasi siya ng mga blockmates ko, pumupunta na kasi siya dito dati para ihatid or sunduin ako kapag may free time siya.
Itong katabi ko naman ay dali daling tinaggal ang kanyang pagkakaakbay sa akin.
"B-boss, j-joke l-lang yo-yon hehehe, p-patawad" utal utal na sabi ni Ian at saka tumakbo sa likod nila Daven, napailing na lamang ako dito.
"Selos pala ah" pang aasar ni Lianne na tinawanan naman ng iba pa.
Maya maya pa ay unti unti na silang nag alisan, kaya naiwan na kami ni Zero.
Ako din kasi ang maglalock ng classroom.
"Let's go" aya nito sa akin sa malamig niyang tinig.
"Okay, wait lang"
***
Napapalunok ako ng matindi habang nasa sasakyan kami pauwi, nang basagin nito ang katahimikan.
"Do you like him?" biglang tanong nito.
"Huh?" tanong ko pagkalingon ko dito at nasalubong ko ang mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin.
"That guy na nakaakbay sayo kanina, do you like him?" tanong nito sabay balik sa daan ang tingin.
"Ha? Bakit mo naman natanong yan aber?" Taas kilay na tanong ko.
"Its just a yes or no question Scientiana" madiin na sabi nito.
"No" diretsong tanong nito, tumaas naman ng bahagya ang sulok ng labi niya.
"Okay, congrats nga pala you got a straight uno"
"Bipolar amp, baliw ka na ba?" Pagtataray ko dito.
"Haha sorry na" natatawang pang aniya.
"Dos ako hindi uno" imporma ko dito.
"Ahuh I know why, Im so proud of you" sabi nito na nakapagpalambot ng puso ko.
"Thank you Zero" nakangiti kong pahayag.
Tumingin naman ito sa akin sandali at saka ngumiti.