"Miss, where's Zero Santiego's office?" Napalingon ako sa babaeng nagtanong sa may receptionist.
"Ah sa 8th floor po Miss, ipapahatid ko na lang din po kayo" sagot naman nito.
"I'll assist her Hail, dun din naman ang punta ko" pakikisingit ko.
"Oh sige po Miss Scien, thank you" nakangiting pahayag nito.
Habang naglalakad kami papuntang elevator ay nagtanong ito.
Looks so familiar.
"Who are you?"
"Sir Zero's Secretary Miss, Scientiana" pagpapakilala ko.
"Im Ikea" pagpapakilala nito, natingnan ko din ng maayos ang mukha niya.
Zero's Ex...great just great.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
At hanggang sa makarating kami sa opisina ni Zero ay tahimik lang ako.
"Zero, omg I misssss youuuuu" kung makaasta ito akala mo'y wala siyang ginawang kalokohan kay Zero.
Niyakap niya pa ito pagkatapos, napairap na lamang ako dahil dito.
"I-Ikea" banggit ni Zero sa pangalan nito...para akong nanonood ng drama gash.
Napatingin naman sa akin si Zero kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"Zero, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Ikea pagkakalas nito sa yakap niya.
"About?" bored na tanong naman sa kanya ng lalaki.
"Us" napaubo naman ako dahil sa sinabi nito.
Kaya napabaling sila sa aking dalawa.
"Can you please give us some privacy, secretary ka lang" I just pursed my lips because of what she said.
"Watch your mouth Ikea baka makalimutan kong babae ka" matalim na titig ang ibinigay ng binata sa babae.
Pfttt desurb, joke.
"It's okay Sir, may kukunin pa din naman po akong papers sa baba" ngiting paalam ko at saka lumabas.
"Ano na kasi nangyari sa inyo ng ex mo?" pangungulit ko dito.
"Nagustuhan ko siya nung una ko siyang makita sa convience store, kumakain mag isa, then palagi ko na siyang nakikita dun, tambayan niya pala yun. Inapproach ko siya, umamin ako, niligawan ko, syempre sinagot ako" may pait na lintaya nito.
"Nung mag 1 year and 1 month na namin, dun ko lang nalaman na may boyfriend na pala siya, naging kabit ako kumbaga, nalaman ko din na ginamit niya lang ako para sa pera" napatawa naman ito ng bahagya bago nagpatuloy.
"She's Ikea, hindi ko nga alam kung minahal ba talaga ako nun eh, ako din yung nakipaghiwalay kahit masakit sa akin nung mga panahon na yun, respeto ko na din sa totoong karelasyon niya talaga, pero nah wala na yun hahaha" napakunot ang noo ko, familiar kasi sa akin yung name niya.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
"Miss Scien ito na po yung papers, miss" nagulat naman ako nang dahil dun.
"Oh Im sorry" ngumiti lamang ako ng awkward dito.
"It's okay miss" ngumiti lamang ito ng bahagya sa akin.
Nagpasalamat naman ako dito bago umalis.
***
Papasok na sana ako ng opisina ni Zero para ibigay ang nga papers na kailangan niyang pirmahan, pero nakarinig ako ng salitang makakapagpadurog pala sa akin.
"Tell me Zero, mahal mo ba ako?" Frustrated na sigaw ni Ikea.
"Oo mahal kita" biglaang sabi ni Zero
Napangiti na lamang ako ng mapait, bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya.
Huminga na muna ako ng malalim at saka ngumiti na parang walang nangayari bago lisanin ang lugar na iyon.
"Psstt Wineeee yuhooo" masiglang bati ko dito.
"Oh ano na naman" masungit na aniya
"Shungit hmpppp, pakibigay naman ito kay sir Zero oh, salamat" sinubukan kong hindi mautal para lamang maitago ko ang aking nararamdaman.
"Oh bat ako? At hindi ikaw aber?" Taas kilay na tanong nito.
"Natatae na kasi ako eh hhahah" tatawa tawa kong sabi dito.
"Ewww grossss" napabaling naman kami sa nagsalita, napangiti ako ng makita si Axiyana
"Naks amoy Paris yarn" pang aasar ni Wine, lately kasi puro travel na lamang ang ginagawa ng babaeng yan hahaha.
"Hindi lang amoy Paris, amoy Korea pa" nagbibirong sabi nito sa amin.
"Pero yung isa jan nangangamoy tae na" dagdag pa nito at saka ako binalingan.
Nakasimangot naman akong umirap sa mga ito.
"Ambad niyo, joke lang naman eh haha naiihi lang ako okay, kaya Wine pakibigay ha salamat" saka ako tumatakbong paalis dun.
"Wala ng bawiaannnnn"
"Ilabaassss mo na yan hahaha" malakas pa na sigaw nung dalawa.
Kaya nagtawanan naman yung mga nakarinig.
Im happy kasi nandiyan yung dalawa, lalaki lang yan sus.
Naghilamos lamang ako at saka nag retouch.
***
Nang makabalik ako sa opisina ay hindi ko naabutan si Zero at ang babae.
Napangiti na lamang ako ng mapait at saka napabuntong hininga.
Habang nag aayos ako ng ilang reports ay may tumawag sa aking unregistered na number.
"Oh?" walang gana kong bati dito.
"Wow Scientiana napaka tino mo talaga" bungad nito, napakunot naman ang noo ko dahil dito.
"Who's this?" Taas kilay kong tanong kahit naman na hindi niya makikita ito.
"Nakaka hurt ka na ha" unti unti kong kinikilala ang kanyang boses.
"Raph?" paninigurado ko naman dito.
"Akala ko nakalimutan mo na ako eh hmppp" nagtatampong lintaya nito.
"Of course not, hindi ko lang nakilala ang boses mo, buti at napatawag ka aber"
Its been a year since nawalan kami ng communication, ang huling tawag niya na lamang sa akin ay nung ibinalita niya na hindi na siya tumuloy sa law school.
"Kamusta na Scientiana, pasensya ka na kung pinutol ko pati ang communication natin" paghingi ng paumanhin nito.
"Ano ka ba ayos lang yun, tsaka eto graduating na ako ngayon, ikaw ba kamusta ka na?"
"Doing good, kailan graduation mo? Aattend ako yieeeee hahaha"
"Wahh nasa Pilipinas ka ba haaa?" Gulat kong tanong dito.
"Yep, kakadating ko lang kanina actually haha, so kailan nga" natatawang aniya
"Sa Monday"
"Naks congrats, you made it, Im so proud of you"
"Wieee thank you, kapag nagkita tayo may papakilala ako sayo, mga naging kaibigan ko dito sa trabaho"
"Oh sureee sige, chat na lang ulit us later"
"Sure, welcome back and rest well"
Paalam ko dito at saka pinatay ang tawag
Walang pang kalahating minuto ay may tumawag na naman sa akin, ay wow.
"Hello ate" bati ni Kian pagkasagot ko sa tawag.
Parehas na silang may trabaho ni Krane.
"Oh? Bakit?" barumbadong ko sagot dito.
"Wow ha" tatawa tawa naman nitong sabi.
"Kamusta? Bakit ka pala napatawag?"
"Ayos lang teh, nangangamusta din lang, ayos ka naman ba diyan"
"Sus, baka may kailangan kayo hahahha" asar ko dito.
"Wala ah, may babalita lang ako sayo"
"Ano na naman yun?"
"Si Kuya Krane may girlfriend na hahaha" tatawa tawang sabi nito sa akin.
"Ay wehh talaga? Himala ah hahahaha"
[Parang ewan na naman kayo jan] rinig kong sabi ni Krane, mukhang nakatunog sa pinag uusapan namin haha.
"Congrats brad di ka na single hahahha" malakas na asar ko dito.
"Oh ikaw ate?" Balik na tanong naman ni Krane.
"Oh bakit sa akin napunta ha? Kamusta pala sila lolo at lola?" Pag iiba ko naman ng usapan.
"Aysus iniba pa usapan, ayos lang naman sila dito healthy pa" sabi ni Kian
"Mabuti kung ganun, mag iingat kayo diyan ha, o siya ako'y magtatrabaho pa" paalam ko dito
"Sandali teh, kailan graduation mo?" Singit naman ni Krane.
"So Monday"
"Okay Byeee" sigaw naman nung dalawa, nailayo ko naman sa tenga ko ang phone bago pinatay.
Naiiling naman ako, panigurado'y inaantay nila ang pag uwi ko.
Kasabay ng pagbaba ko ng phone ko sa mesa ay siya ding pagbukas ng pinto, at pumasok ang isang lalaking nagpadurog ng aking puso kanina lamang.
Ibinalik ko na lamang ang aking mata sa pagbabasa ng report, then I checked his schedule.
Magsasalita na sana ito ng sumingit ako.
"You have a meeting with the board 30 minutes from now Sir" pagbibigay impormasyon ko dito.
Napabuntong hininga na lamang ito at saka tumango bago nagtungo sa kanyang lamesa.